Litrato

52 0 0
                                    

Chapter 41

Lorenza's POV

Sa bawat araw na dumadaan ay mas lalo ko siyang namimiss.
Kumusta na kaya siya? ayos lang kaya siya? Nakaka-kain ba siya ng tama ngayon? Iniisip niya rin kaya ako? Ano nang pinagkaka-abalahan niya?

"Lorenza.. anak!"

"Hmm? p-po?"

"Tulala ka nanaman. Umaapaw na yung tubig sa lababo oh. Ako na nga muna diyan. Magpahinga kana muna"

Si mama.

Tulala nanaman ako? parang lagi na. Simula nung umalis siya.

Sobrang pagka-miss ko sakanya ay doon na ako natutulog sa kwarto niya.

Pumasok ako doon at umupo. Pinagmamasdan ko ang kama na hinihigaan niya noon. Dito ko siya inihiga nung niligtas ko siya.

Dito ko siya nakitang naka-silip sa bintana at nakatingin sakin. Dito. Umpisa nun.

Binuksan ko ang drawer niya na halos araw-araw ko namang ginagawa dahil may mga damit siyang naiwan. Pero may isang bagay na ngayon ko lang nakita.

Nahulog ito mula sa pagkaka-ipit sa drawer. Pinulot ko yun.
Isang envelope.

Binuksan ko yun at tumambad sakin ang napakaraming litrato.

Nagulat ako sa nakita ko. Puro mukha ko ang nandoon. Puro close up ko.

May kinunan pa siyang nakangiti ako at nakapikit pa. Nasa sakahan ako nun. Di ko mapigilang di mapangiti.

Ito ata ang unang ngiti na nagawa ko. Nang umalis siya di na ako nakakangiti pa. Pero dahil sa nakita ko 'to.

Halos lahat ata ng kilos ko ay kinukunan niya..
Napapatawa ako.
Kinunan niya yung pagtuturo ko sa mga bata. Yung pagtulog ko kahit sa kwarto. Di ko alam na palihim pala siyang pumapasok doon.
Ang pangit ko pa naman kapag natutulog.

Mas natawa ako ng maging si Manong Edgar ay kunan niya din.
Pero wala lang itong paki-alam at halata sa picture na kumakanta pa siya dito.

Ang laki ng ngiti ko ngayon.

Kahit yung sa outing kinunan niya. Tampo pa siya nito pero kinunan niya ako, si mama at papa walang kaalam-alam.

Nakakatuwa. Ang daming espesyal na bagay ang ginagawa niya para sakin.

Natigilan ako nang makita ko ang isa pang picture. Nung nasa Ferris wheel kami. Nakatingin ako sa mga bata nun. Di ko alam na kinunan niya na pala ako.
Ibang klase siya magtrabaho.

Napabuntong-Hininga ako nang matapos tignan lahat ng picture. Medyo nalilinawan narin ako ngayon. Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay niya sakin.

Pinagkakatiwalaan kita Jake.

----

After 1 month..

Nasa sakahan ako nun. Kasama si Manong Edgar na kakwentuhan ko na halos araw-araw.

Ilang beses niya nang paulit-ulit tinatanong kung kailan babalik si Jake. Kahit ako di ko rin alam ang sagot.

"Miss Lorenza.."
Napatalon ako sa gulat nang may tumawag sakin at hindi ko inaasahang magpapakita siya ulit dito.

SummerTime [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon