Chapter 1Kung naririnig na ng students ang pangalan na Madison Vega, nagigising ang buong sistema nila. Natatahimik ang lahat. Nahahawi ang daan. Tapos mapapatingin sila.
"Superior ako at lahat kayo ay inferior."
Noon naniniwala pa ako dyan.
Bakit ko pa kasi kailangang makilala si Ash?
Pati si Marvin, si Ebony, si Andrew, si Lorraine at yung mga tao na bubuo sa istorya ko.
Bakit pa? Hindi rin naman ako sasaya.
* * *
Hindi ito love story... hindi lang sa una.
*Madison Vega*
Iba't-ibang mata ng iba't-ibang students ang nakatingin sa akin ngayon. Mostly girls.
Maraming babaeng nangangarap na maging ako. Pero bakit ako, ayaw kong maging... ako.
Kahit na ganun, tinuloy ko pa rin ang paglalakad. Head up pa nga. Parang practice lang sa runway, ang pinagka-iba nga lang, ang tahimik ng paligid kasi dumaan nanaman ako. Problema na nilang hanggang tingin lang sila sa akin.
Mamaya-maya, pa may humarang ng babae sa daan ko. First one for the day.
"Hey! Vega!"
"Never touch me!" I warned the girl before she can even lay a finger on me. Parang sasabunutan na ako eh!
Kararating ko lang dito sa JA New York, hindi Pilipino ang karamihan sa students dito. At base sa nakikita ko ngayon, mukhang mapapaaway nanaman ako.
"You're a pathetic loser!" she fired back. Galit na galit yung mukha niya habang hawak yung papel na lukot-lukot na.
"I've learned it from you." I smilingly teased her.
"Don't provoke me Vega." She warned in return.
"I'm not provoking you... I'm being honest here. You think I'm pathetic? Well, you are more pathetic for even wasting you time being provoked by a pathetic person then." Kung ano ang kinaiinis niya, kinatutuwa ko.
"Why am I threatend by you anyway?" alam kong plastik lang siya... kala niya di ko nafefeel na kinakabahan na siya sa pagsagot-sagot sakin. "You're not even an actress. You're a New York school girl."
"So?" I smirked at her.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
Nakikipag-away ako ngayon sa president ng Drama Club na si Ashley. British girl. Shiny blonde hair, long legs, hazel eyes, and weird british accent.
Dati kasi, lagi siyang panalo sa auditions para sa mga play. This time, napagtripan ko na sumali sa auditions. Tapos biglang nagkaroon ng callbacks.