7

2.3K 62 57
                                    

General's POV

Mabilis naman natapos ang hapon at ngayon nag hahanda ng umuwi si Karylle.

"Oo nga pala sabay kaming uuwi ngayon ni baklita, wag na kaya akong sumabay? Kaso baka di ako makauwi agad. Hirap pa naman sumakay. Bahala na nga!" Isip ni Karylle

"Bruha tapos ka nang mag-ayos?"-napalingon naman sakanya ang dalaga.

"Ah okay na tapos na" sagot neto

"Okay tara na" at hinablot nito ang dalang bag ng dalaga

"Hoy bag ko! Ano ba! Akin na nga yan!" Akmang aagawin na sana niya ang bag kay Vice ng biglang itaas ng huli ang bag. Muntik naman masobsob ang dalaga buti nalang nakayakap ito sa binata?

"Tsansing ka talaga bruha hahaha, kung gusto mo ng yakap mag sabi kalang hahaha" pero hindi man aminin ni Vice ay kinikilig siya sa nangyayari.

"Che! Akin na nga yan!" At inagaw niya ang bag sa binata.

"Ang bango-bango niya tala--. Hay Ana Karylle ano bayang pinag iisip mo at the end of the day may baby boy pa din siya" nalungkot man ay nag patuloy pa rin siya sa pag lalakad ngunit di pa man lang siya nakalalayo ay inagaw ulit ni Vice ang bag niya.

"Wag mo ng agawin. Dahil aagawin ko lang naman ulit to" seryosong pahayag ng bakla at nauna na ito sa pag lalakad. Wala naman nagawa ulit si Karylle at sumunod nalang dito.

Tahimik naman silang pumasok sa elavator. Narindi naman ang binata sa katahimikan kaya napag pasyahan niyang kausapin nalang ang dalaga.

"Bruha ano bang laman netong bag mo at ang bigat bigat? Yung totoo dala mo ba dito yung bahay?" Kunwari nyang reklamo.

"Sino ba kasing nag sabing dalhin mo? Akin na nga yan!" Pag susungit naman ng dalaga.

"To naman ang init init ng ulo, meron ba ang MISIS ko?" Pangungulit ulit ni Vice

"Ex wife! Tigilan mo nga ako baklita"

"Kulang yan sa yakap, lika nga dito" akmang yayakapin na ni Vice si Karylle ng biglang --Ting--

Pagbukas ng pintuan ay agad pumasok dito si Vhong

" Bruhhh, ikaw pala yan" gulat na saad ni Vhong pag kakita niya kay Karylle.

"Hi bruh" kumaway ang dalaga dito at nag beso. Kakamustahin na sana ni Vhong ang huli ng biglang

"Ah uhm" pag tikhim ni Vice. Napalingon naman sakanya ang binata.

"Ah hello po Madame Vice, magandang hapon po" pag bati ni Vhong sakanyang boss.

Tumango lang naman si Vice pero halata dito ang pagkunot ng noo.

"Bruh pauwi kana ba? Sabay na tayo?"

"Ah eh bruh. Ano kasi uhmm--"

"Hindi siya makakasabay kasi sakin siya sasabay pauwi. Diba MISIS?" Dahil doon ay tiningnan siya ng masama ng dalaga.

"Ahh ganun ba? Sige kung kelan nalang bruh ah" at bumukas na ang pintuan.

Karylle's POV

Aaminin ko kinikilig ako sa baklang yan pero di pwede eh. Trip niya lang talaga akong pagtripan.

"Hindi siya makakasabay kasi sakin siya sasabay pauwi. Diba misis?" Napatingin naman ako sakanya ng masama baka mamaya ano pang isipin netong si Vhong bigyan pa ng malisya. Hmm si Vhong nga ba? A basta nakakahiya parin.

"Ahh ganun ba? Sige kung kelan nalang bruh ah?" At bumukas na rin sa wakas ang pintuan.

"Ok bruh! See you next time" pag papaalam ko naman sakanya. Narinig ko namang bumulong bulong si bakla pero di ko nalang pinansin bahala siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY ex-HUSBAND IS MY NEW BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon