Fragile

1.2K 40 10
                                    

Nash POV

"Teka lang, pengeng papel"-sabi ni Shar.

"Kumuha ka na lang sa bag mo"-sabi ko sa kanya sabay tingin ko dun sa armchair nya.. but wait..

"Wala ka ba talagang dalang bag?"-tanong ko nang makita kong walang nakalagay na kahit ano sa upuan nya.

"May nakita ka ba? Wala naman di ba?"-sagot nya

"Estudyante ka ba talaga? Pano ka nag aaral kung wala kang dalang gamit?"-tanong ko. Ngayon lang ako nakaencounter ng katulad nya, dagdag mo pang babae sya.

"Oy! may dala kaya akong ballpen!"-sigaw nya sakin sabay kuha ng ballpen sa bulsa nya at pinakita nya yun sakin.

"Yan lang?"-tanong ko.

"Di no! May dala din akong panyo, cellphone tsaka wallet."-sabi nya sabay labas ng mga yun galing ulit sa bulsa nya.

"Tapos yung mineral water ko nasa locker. Oh ano? May itatanong ka pa?"-dagdag nya

Napa-face palm nalang ako. Unbelievable! Dapat di na sya napasok. Di naman ata sya interested mag-aral -_-

Kumuha nalang ako ng papel sa bag ko at binigay ko na yun sa kanya. Wala na talaga syang pag-asa.

"Aanhin mo ba?"-tanong ko

"Basta. Go na. Magpakilala ka na"-utos nya

"Pano ba?"-tanong ko. Di ko talaga alam kung pano ko sisimulan.

"Yun lang di mo pa alam?"-sabi nya

"Di ko lang alam kung pano ako magsisimula."-sagot ko

"Tsk. Nash pangalan mo tama? San ka ba nakatira?"-tanong nya

"Dyan lang."-pagkasabi ko nyan bigla nalang akong napatawa, mukha kasing namimilosopo ako.. pero totoo naman talaga eh.. walking distance lang yung bahay namin dito.

"Ha? Anong dyan? san banda?"-tanong ni Shar na mukhang nainis sa sagot ko. Lagot!

"Malapit lang."-sagot ko ulit.. bigla naman syang napasabunot sa ulo nya. Mukhang naaasar na sya. Hey! I'm just stating the truth.

"Ayusin mo nga yung sagot mo! Napupuno na ako!"-sigaw nya sakin. Natahimik lang ako. Katakot naman to! High blood agad.

"Next question.. birthday?"-tanong nya

"October 10, 1998."-sagot ko. Tapos napansin kong yumuko sya at may sinulat sya dun sa papel. Di ko lang makita.

"Anong ginagawa mo?"-tanong ko

"None of your business."-sagot nya

"Jotting down notes? Sabagay, you need that para maipakilala mo ko ng maayos mamaya"-sabi ko.

"Ewan ko sayo. Favorite color?"-tanong nya

"Ano to? Slambook?"-sita ko. Pati ba naman yun isasali nya?

"Sagutin mo na lang!"-sabi nya

"Green."-sagot ko na lang, tapos nagsulat ulit sya.

"Favorite number?"-tanong nya ulit -_-

"10."-sagot ko. Nagsulat na ulit sya.

"Likes? Dislikes?"-tanong nya

"Ang non sense naman ng mga tinatanong mo! Turn mo na.. ikaw naman ang magpakilala"-sabi ko

"Ge. Magtanong ka na.. kahit ano"-sagot nya.

Ano kaya? Hmmm..

"Descibe yourself na lang."-utos ko.

Three MUSE-Keteers ( NashLene - NLex - Mikash )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon