POV ni Luna
1 week na ang nakalipas mula nung nagtapat si Atom sakin. Kahit hindi ako pumayag nangligaw pa din talaga sya. Sinabi ko sa sarili ko na pagbibigyan ko sya wala namang masama at baka matutunan ko din syang mahalin. Araw-araw nya akong sinusundo sa bahay nila sis para sabay kaming pumasok sa school, sinusundo pagkatapos ng klase at sabay pumapasok sa shop at inihahatid ulit sa bahay pagkatapos ng trabaho. Araw-araw binibigyan nya din ako ng flowers at sabay kaming nakain sa cafeteria at nakakatanggap ako ng mga death glares ng mga babae doon na hindi ko maintindihan. Siguro dahil gwapo si Atom. Matyaga sya sobra. Palagi nyang dala ang DSLR nya at sa palagay ko eh bawat galaw ko kinukunan na nya. Nakakailang nga nung una eh pero nung tumagal nasanay na din ako. Pero alam nyo yun? Parang walang spark. Hayyy. Ayoko syang paasahin eh pero makulit talaga sya.
Si Andy? Lalong naging malayo. Kapag nasa shop lang kami hindi sya nagsasalita at ramdam mo talaga na umiiwas sya. Ni hindi nga nagkukrus ang landas namin sa school. Ewan ko ba pero namimiss ko sya.
Ngayon nga pala ako lilipat sa Apartment na inirekumenda ni Atom
"Tita, sis , Dennis, salamat sa pagpapatuloy sakin dito huh. Malaki na talaga ang utang na loob ko sa inyo. "
paalam ko sakanila.
"Anak aalis ka na ba talaga? Mag-iingat ka huh?" at niyakap ako ni tita Viv.
"Ate Luna susulat ka ha!" pagbibiro ni dennis
"Waaaah!!!! Sis please don't leave me" haha mamimiss ko tong loka kong sis.
"Sis i'll miss you too. Magkikita pa naman tayo sa school ano ka ba" at nagyakapan na nga kami dun.
*peep*
busina ng sasakyan? Paglabas ko si Atom.
"Luna tulungan na kita" at isinakay nya na nga ang mga gamit ko sa sasakyan. Kanya kaya ito? Sumakay na kami.
"Atom kaninong sasakyan ito?"
Ngumiti lang sya.
"Sakin to Luna, later I'll explain the whole story to you" tumango na lang ako ng may halong pagtataka. Ano kaya yun?
Nakarating na kami at inayos ang mga gamit ko sa kwarto. Kumain din muna kami, ipinagluto ko si Atom ng adobo. Masaya kaming nakain dun masarap daw yung luto ko. Bagong buhay ito. Mag-isa nanaman ako pero kaya ko to!
BINABASA MO ANG
4 Things Under the Moon (WATTYS 2015 THE BEST TNT PANALO STORY)
Romance***WATTYS2015 WINNER THE BEST TNT PANALO STORY*** Lahat tayo maraming hinihiling sa buhay, pero si Luna, APAT lang. 4 Things TO DO Under the Moon ang pangalan ng listahan nya. Saan sya dadalhin ng simpleng listahang ito?