~1~

2 0 0
                                    

RESTAURANT


"Hahahaha," grabe ang sakit na ng tiyan ko kakatawa.

Paano ba naman kasi nadapa itong si Avah sa sobrang madali niya na mahagip man lang yung crush niya. Nung umu-order kasi ako, biglang may kumalabit sa akin. Kinalabit ako ng kaklase ko dati noong highschool. Binati niya lang ako pagkatapos noon ay umalis na siya dahil for take home yung order niya. Hindi namin kaklase si Avah noon kasi nalipat siya sa ibang section. Dati niya pa pala nakikita yung kaklase ko kaya nung nalaman niya na magka-section kami, ayon feeling niya ako yung "bridge" para magkatuluyan sila. But sadly, lumipat siya. Hindi sila nakapag-usap kahit isang beses.

"Kairita naman. Eto na nga lang yung tanging pagkakataon para magkalapit muli kami, nawala pa. Sana sinabi mo agad sakin," sabi ni Avah.

"Nagulat nga ako sa kanya at bigla na lang nangalabit. At teka anong gusto mo?! Magsisigaw ako na "BESSSS BILIS, NANDITO YUNG CRUSH MONG PATAY NA PATAY KA," yun ba ang gusto mo?," sabi ko.

"OA. Patawa ka rin minsan," sabi ni Avah.

Siya si Avah. Bestfriend ko since birth. JOKE LANG. Yung mga pang-teleserye na magkahawak na kami ng kamay nung pinanganak kami. Pero yung totoo, naging kaibigan ko siya nung elementary at kahit saan man ako pumunta, nakasunod na rin siya. Feeling na hindi ko inaasahan na magkalapit din kami ng bahay. Medyo na-creepy-han din ako O_O. Nung lumipat ako nung highschool, lumipat din siya. Okay lang naman sa parents niya since magkaibigan sila ng mommy ko. 

"Halika na nga. Baka hinahanap na tayo sa office," sabi ko.

"Layla, darling, lagi ka na lang nagmamadali. Chill. Baka nakakalimutan mong promoted na tayo. We're both managers na," sabi ni Avah with matching irap ng mata.

"You want sakal? Dapat mapagkumbaba pa rin tayo. Always remember..." sabi ko.

at sabay naming sinabi, "We started from the bottom and now...we're here."

"Halika na. Nag-text na yung secretary ko at may dumating daw na sulat." sabi ko.


LING XIU AIRLINES


Pagpasok namin sa office, sinalubong agad ako ni ate Precy, my secretary.

"Miss Layla, I would like to inform you..."

"Ate, ano bang sabi ko sa'yo. I allowed you to address me Ma'am Layla pero wag mo na kong sobrang formal kausapin."

"...sorry Miss Layla. Miss, may tumawag kasi kanina and hinahanap po kayo. Sabi ko po na mag-iwan nalang po ng number para ma-contact po ulit siya." sabi ni ate Precy.

"Sino raw po?"

"Kaibigan daw po ng mommy niyo."

"Ah ok sige. Paki-lagay nalang sa paper at ako na yung tatawag sa office."

"Ok po."

Pumasok na ko sa office. After ilang minutes, pumasok sa office si ate Precy at binigay na sa akin yung number nung kaibigan daw ni mommy.

"Sino kayang kaibigan ni mommy?"

I dialed the number. 

"Good afternoon. This is Layla of Ling Xiu Airlines. My secretary said that you called a while ago."

"Ah yes. Layla, si tita Norma mo ito."

"O, Tita, kumusta na kayo? Ang tagal natin hindi nagkita since nung Hong Kong trip natin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ghost In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon