LIV: Mark

77.6K 2.7K 560
                                    

Chapter LIV
Mark

Canary


Patawid ako sa hallway para maghatid ng mga papel sa faculty na nasa fifth floor nang masilip ko si Auriel sa ibaba. Nasa tapat na naman siya ng isang puno. Sa bilis ng mga dumaang araw, naka isang buwan na siya sa ilalim ng pagtuturo ko. Ako ang naging saksi sa tatag at determinasyon ni Auriel. Sa tibay ng loob niyang matutong lumaban. Walang araw na sumuko siya. Nagpatuloy siya habang tinitiis lahat ng sakit at sugat sa mga kamay niya.




“Bagong biktima mo?” dukwang ko sa barandilya na ang tinutukoy ay ang punong sinisimulan niya nang ukaan.




Napatigil naman siya sa mabilis sanang paghahagis ng hawak na patalim sa katawan ng puno. Nakangiti niya 'kong nilingon. “Mas malapit kasi 'to sa campus. Mas madaling makatakbo papunta sa classroom.”




Isang buwan din ang kinailangan para bumalik ang ngiti sa mga labi niya. Para makabalik kahit papaano ang pagkatao niya.




“Babalik ako. Ihahatid ko lang ang mga 'to.” Hindi na 'ko naghintay ng sagot at nagmadali na lang na humakbang papunta sa paghahatiran ng buhat na mga papel. Ilang minuto lang, pababa na 'ko sa kinaroroonan ni Auriel.




Napahinto ako sa pag-abante nang madatnan ang isang estudyanteng nakadapa. Nakatapak sa ulo nito ang i paa ni Auriel. Hawak din niya ang nakapilipit nitong braso. Taga-Bloodlust ang lalaking sumisigaw na sa sakit habang nakasubsob ang mukha sa lupa.




Lalapit na sana ako sa kanila pero napako na lang uli ako sa kinalalagyan nang mabilis na inilagan ni Auriel ang babaeng balak sana siyang saksakin mula sa likuran. Lumundag siya palayo at naglagay ng distansya sa pagitan nila bago niya mataas na isinipa ang isang paa sa ere. Sa sobrang tuwid ng binti niya parang wala siyang buto. Saka niya mabilis na pinabagsak ang paa kung saan saktong tumama ang sakong niya sa braso ng umatake. Napangiwi sa sakit ang kalaban bago tumilapon paitaas ang hawak nitong patalim na walang anumang sinalo ni Auriel.





Sinadya 'yon ni Auriel! Kalkulado ang mga galaw niyang 'yon!





Kinilabutan ako sa nasaksihan. Ni hindi ko maisara ang bibig sa sobrang pagkagulat. Wala na ang dating takot na alaga ng presidente!





Nang mahimasmasan, saka ko lang namukhaan ang babaeng naisandal na ni Auriel sa pader: si Janina Locsin ng Bloodlust.





Mga kampon ni Eunice.




Imbes na itarak ni Auriel sa lalamunan ni Janina ang patalim na hawak, sa pader malapit sa mukha nito niya 'yon ibinaon. “'Wag ako Janina.”




Tulala lang ang kinakausap ni Auriel hanggang sa pakawalan niya na 'to kasunod ang lalaking binalian niya ng braso.





“Pa'no ka nakakilos ng gano'n?”salubong ko sa kanya nang makalapit.





“Hindi ko yata nabanggit na gymnast ako no'ng grade school.”





Napaawang na naman ang bibig ko dahil sa narinig na sagot. “Pero bakit hindi mo pa sila pinatay?” tanong na isinunod ko agad.





Umiling siya. “Hindi ko babaguhin ang pagkatao ko o ang mga paniniwala ko dahil lang sa mga nangyari. Ako pa rin 'to.”




Tama ang presidente sa pagkakakilala niya kay Auriel.




“Oo, ikaw pa rin 'yan pero may attitude na,”dagdag ko na nagpatawa sa kanya.



Nararapat na sa puwesto niya bilang rank 17 si Auriel na pwedeng mas tumaas pa kung gugustuhin niya.




Didiretso na sana kami sa dorm kundi lang sa matinis na tiling umalingawngaw. Napatingin na lang kami sa isa't isa bago napatakbo papunta sa pinagmumulan ng boses. Walang hirap naming inakyat ang bakod papasok sa swimming area ng K-High.





Auriel





Pagtapak na pagtapak ng paa ko sa tiles na sahig, napansin ko agad ang isang pigurang nakasuot ng hood bago 'to nagmamadaling sumampa sa pinakadulong pader patawid sa Forest park.




Nilingon ko si Canary na nakita rin ang papatakas. Parehong hindi maipaliwanag ang reaksyon namin bago siya lumapit sa tabi ng estudyanteng naabutan naming nakahandusay sa sahig habang nakagapos ang mga kamay at paa. Umaagos sa buong katawan nito ang tubig galing sa pool. Pinulsuhan niya 'to sa leeg saka ako marahang inilingan.




Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang kakaibang marka sa hinihigaang tiles ng bangkay.




“Ano'ng nangyari?” tanong ko sa nag-iisang nadatnan namin do'n ng buhay. Tulala ang babae na nakasalampak sa sahig.




“H-hindi ko alam. Naabutan ko lang si Evans na ganyan,” mangiyak-ngiyak na sagot nito na taga-Silent Killers.




“Wala siyang kahit anong sugat,” nakaluhod na sabi ni Canary sa tapat ng bangkay kaya napalapit na rin ako.




Sinuri ko ng tingin ang katawan. Walang palatandaan na sinaksak 'to. Walang dugo sa sahig o sa tubig ng pool.




“Mukhang may sumuway na naman sa batas ng K-High,” dagdag ni Canary.




It sounds illogical how someone can break an already absurd rule, but that's the reality in K-High. Killing using other than the knife given by the school is considered cheating. It's foul play and unforgivable.




Unti-unting dumagsa ang mga estudyanteng nakarinig din sa sigaw at gustong mag-usyoso. Natahimik at nagbigay daan lang sila nang dumating ang presidente kasama ang bisi presidente.




Sandali kaming nagkatinginan bago ibinaling ni Luciel ang mga mata sa bangkay. Lumapit naman agad si Canary sa kanya para siguro sabihin ang naabutan namin kanina at mga napansin sa pinatay. Pagkatapos nilang mag-usap, sinenyasan niya ang ilang estudyante na buhatin ang walang buhay na katawan paalis sa kinahihigaan nito.




Nang tumambad sa mga mata namin ang nakaguhit sa sahig na pinag-alisan sa nalunod na lalaki, umalingawngaw agad ang bulungan. Ang bulungan na puro katanungan kung ano ba ang nakikita naming simbolo.





“This is just spray paint,” ani Luciel nang hawakan at ilapit sa ilong ang kulay dugong simbolo.




“Could be an M or a W,” dugtong ni Xander habang sinusuri ng tingin ang malaking bilog na may letra ngang M na pwedeng W rin. Depende kung saang anggulo mo 'to titingnan.




“Or an A,” singit ko na nagpabaling sa kanilang tatlo sa 'kin.




Hindi lang basta simpleng M o W ang nakasulat. May pahigang linya pa sa gitna na pwedeng letrang A.

Naputol lang ang titigan namin nang may dumating na mga unipormadong lalaki at bumuhat sa bangkay gamit ang isang stretcher

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naputol lang ang titigan namin nang may dumating na mga unipormadong lalaki at bumuhat sa bangkay gamit ang isang stretcher. Bukod sa pagbabantay sa malaking pader sa palibot ng buong eskuwelahan, sila rin ang naghahatid ng mga namamatay na estudyante sa kanya-kanya nitong pamilya. Like devils delivering the dead.



K-High (Korosu High) Under RevisionWhere stories live. Discover now