Chapter 19 - Princess
***
Nandito na kami ngayon sa beach house nila Kid. Nawindang ako dahil di ako na-inform na sa beach house pala ang deretso nya. Akala ko sa hotel or something. Well, kayang kaya naman nilang bumili ng property pero ang alam ko di sila madalas dito kaya duda ako nung sabihin nyang sa beach house sya didiretso.
"Bakit mukang gulat na gulat ka? By now dapat nagtatatakbo ka na sa loob." Sabi ni Kid nang ibaba nya yung mga gamit na dala namin galing sa kotse. Sinundo kami nung caretaker nung bahay.
"A-Ano... akala ko nagbibiro ka lang e. Pwede naman ako sa hotel nalang." sabi ko sakanya. Umiling iling sya saka nya ako hinila papasok sa loob. Ipinapasok nalang nya sa isang binatilyo yung mga gamit namin. "Seryoso ako!"
"Seryoso din ako. Dito ka mags-stay. Sakin ka pinagkatiwala ni Ace. Kapag may masamang nangyare sayo habang nandito ka, ako ang may kasalanan. So just behave and do what I say." Pagkaupo nya sakin, pumasok sya sa isang kwarto. Kusina ata yon dahil naririnig ko ang pagkalansing ng mga baso.
Pinagmasdan ko ang paligid. Ang aliwalas at parang ang sarap tirhan. Siguro palagi sya nandito. Ngayon palang kasi marami na akong naiisip na design. Ginaganahan na tuloy ako magtrabaho. Pero mamaya na yon.
Sinundan ko si Kid sa kusina at nadatnan syang naghihiwa ng fruits. Bananas and strawberries.
"Gagawa ka ng smoothie?" Tumango sya. Tumabi ako sakanya at kumupit ng isang strawberry. Ang tamis! "Ang sarap naman nito! Buti may stock kayo?"
"Sinabihan sila nila Umma beforehand na uuwi ako dito. I think three days ago. Di lang sila naabisuhang kasama kita kaya baka mapabili pa tayo ng supplies one of these days. Ilang araw ka ba dito?"
"Hanggang nandito ka. May internet ba dito?"
"Ano namang kala mo dito, sinaunang sibilisasyon?"
"Nagtatanong lang ako. Ang sungit nito. Hmp!" Kumupit naman ako ng banana. Kakainin ko na sana yon ng mapansin kong nakatingin sya sakin. "What?"
"Wala." Nag-iwas sya ng tingin saka inilagay sa blender yung mga hiniwa nya. Napangiti ako atsaka bumalik sa inuupuan ko kanina. Bumalik din sya kasama yung dalawang baso ng smoothie. "Sa taas yung kwarto mo. Left side, unang pinto. Doon ako sa right side, katabi ng kwarto mo. Kung may kailangan ka, katukin mo lang ako don."
"Hmm. Will do that. Ang sarap naman dito. Parang ang sarap humilata nalang maghapon. Ahhh! Ito ang bakasyong gusto ko!"
"I thought you're working on something?"
"Ah yes. Sa design ko. Ni-reject kasi ni Luke yong designs ko kaya kailangan ko nang bagong designs. Pagbalik ko talaga don, isusupalpal ko sakanya lahat ng maisip kong designs!"
Akala ko magrereact sya ulit pero nakatingin lang sya habang nagkukwento ako. Medyo may bahid pa nga ng iritasyon yung muka nya e. Pero baka guni guni ko lang yon.
"So... aalis ka pala ulit? Kailan?"
"I only have three months. 3 months lang ang leave ko dahil by that time busy na sa office. Buti nga pinayagan nya akong umuwi. Hah! Alam mo ba, yung three months na yon, inipon ko ng three years!"
"Seriously?" Mukang okay na sya.
"Yes. Di ako nag-leave kahit isang beses. Wala naman kasi akong mga ganap sa buhay habang nandoon. Trabaho lang ako ng trabaho. Minsan nga pinapagalitan ako ni Aria. Nagsasayang daw ako ng buhay, ayaw ko daw mag-enjoy."
"Bakit?"
"Di kasi ako nakikihalubilo sa iba, liban nalang kung may event. Networking is a must."
"Ahh.." Nang tignan ko sya, nakangiti sya habang nakatingin sakin. "You don't date."
"O-Oo..."
"Good." Tumayo na sya ulit at pumunta sa kwarto kung saan nya tinuro ang kwarto nya. Good? Bakit naman good yon? Haynako. Naaning na naman si Kid.
Nang maubos ko na yung ginawa nya, nagpalit ako ng damit saka lumabas para maglakad-lakad. Sa di kalayuan, nakakita ako ng mga inn saka hotels. Siguro doon yung mg tourist. Kahit ganon, tahimik parin dito sa rest house nila. May kalayuan den naman kasi kahit papano.
Pumunta ako sa garden na kita ang view ng dagat. Ang ganda talaga dito!
At nag-sketch na ako ng designs. Kung alam ko lang na dito ako makakakuha ng ispirasyon ,edi sana dito nalang ako tumutuloy nung mga panahong buto nalang ng munggo ang pinagkukunan ko ng inspirasyon.
"Di ka ba naiinitan dyan?" napakislot ako nung makita ko si Kid sa likuran ko. May hawak syang laptop. "Magtatrabaho sana ako, nandito ka pala."
"Ahhh. Sorry. Maiistorbo ba kita?"
"No. Baka nga ako ang makaistorbo sayo. Maingay ako mag-type."
"No, no. It's okay. Focused naman ako sa ginagawa ko kaya di ko rin yan mapapansin mamaya. Uhmm... lagi ka ba nandito?"
"Medyo. Kapag nasasakal na ako sa schedule ko. Nagli-leave ako at pupunta dito para makapagpahinga. Pero di rin naman matagal. You know Sheena."
Tumango ako. Tinitigan ko yung mga ginawa kong sketch at tinago muka sakanya. Napansin nya siguro yon dahil napatingin sya sa kamay ko.
"Bakit mo tinatago? You're great. Di mo dapat ikinakahiya yang gawa mo."
"A-ahh... wag mo nang tignan. M-medyo pangit pa kasi rough draft palang."
"I saw it. Maganda sya kahit wala pang details. I may not be a fashion expert pero kapag nireject pa yan nung kung sinong Luis--"
"Luke."
"Whatever. Kapag nireject nya yang designs mo, ako mismo ang susupalpal sa muka nya nyang designs mo."
Natulala nalang ako sakanya. He may be one of the most sulky guys I know but he's caring in his own ways. Hah! So cute.
"Bakit ka nangingiti dyan?"
"Wala. Ang gentleman mo kasi."
"Walang bakas ng pagkagentleman yung sinabi ko."
"A guy appreciating a woman's hardwork is a gentleman." I said, smiling at him. Tinignan lang nya ako na parang di makapaniwala sa mga sinabi ko pero ngumiti rin naman sya pagkatapos. Now that I think about it... ngayon ko lang ulit sya nakitang ngumiti.
"Thank you, then."
"Your welcome!" Nagkulong na kami sa sarili naming mundo pagkatapos non. Di ko na rin napansin ang tunog ng pagtatype nya sa laptop nya na kanina ay di ko malaman kung humihiwalay pa ba ang mga daliri nya sa keyboard o hindi na. Ang bihis nya magtype. Mas mabilis pa kaysa noon. Ang bilis rin nya mag-isip dahil di sya tumitigil sa pagtatype. Tuloy tuloy lang. And that amaze me.
Nang matapos ako sa sketches ko, saka ko lang narealize na hindi ko pala nadala ang colored pencils ko. Nang magpapaalam na ako sakanya, wala sya sa tabi ko.
"Here." Sabi nya saka iniabot sakin ang colored pencils. "Thought you need this."
"Bakit mo alam?"
"Napanuod ko lang." Naupo na ulit sya sa tabi ko at nagtitipa sa keyboard. Seryoso na naman sya habang ako, nakangiti lang na pinapanuod sya bago ituloy ang ginagawa ko. "You know, I thought being with someone will make my blood boil. Ayoko nang may kasama kapag nagsusulat ako... pero di naman pala masama."