Kabanata XXXV: Ang Makikinabang

4K 156 17
                                    

AUGUSTINA

MAY MGA BAGAY nga naman na nagagawa mo lamang dahil sa larangan ng pag-ibig. Hindi mo akalain minsan na kaya mong gawin pero hindi mo lang napansin, nagawa mo na pala. At sa larangan din ng pag-ibig, kaya mong isakripisyo kung anumang personal interest na noon ay gusto mong mangyari.

Sakripisyo. Tama.

Pag nagmahal ka ng totohanan, kaakibat nito ang salitang sakripisyo. Ang tanong, hanggang saan ang kaya mong isakripisyo?

Fifteen minutes before the debut party starts...

At Yuca's dressing room...

"Hi!" masayang bati ni Yuca sa akin nang makita nya ako mula sa salamin. I waved my right hand to her and smiled. Agad syang humarap sa akin nang malapit na ako dito.

"You look so..." Pinagmasdan ko muna sya bago tinuloy ang sasabihin. "Gorgeous. All I want to do is to kiss you right now." Tsaka ko sya hinapit sa baywang upang mapalapit sa akin. God, she smells like heaven.

"Baby, baka may makakita sa atin," sabi nya pero pinulupot naman ang mga braso sa aking leeg. Mas lalo akong napangiti sa ginawa nya.

"Wala. I locked the door." Pilyang ngiti ko then I peck her lips. "Yan na lang muna ang gagawin ko kasi baka masira ang make-up mo. But God knows kung gaano ako nagpipigil ngayon." It's true. She's so irresistible pero mas pinapairal ko ang aking self-control. I need to. Baka nga mahuli kami. I don't want to disrespect her party.

"Ay sayang naman," dismayado nyang sabi. Ang landi talaga ng nobya ko. Napangiti tuloy ako sa reaction nya.

"Baby..." Tinignan ko sya ng makahulugang tingin. Yung tipong sana'y intindihin nya ang sitwasyon.

"But yeah, I do understand." Maya-maya'y ngumiti na sya ulit. "You look so goddamn gorgeous as well, love. Huwag kang makikipagsayaw sa iba mamaya, ha. Wait mo ako." Aba, aba. May condition na sya agad.

I pinch her nose gently and peck her lips. Ahh, I want more of her but yeah, I can't.

"Yes, love," I answered instead.

"Promise?"

"Promise." Nakangiting hinaplos nya ang aking pisngi. Hinuli ko ang kanyang kamay at ginawaran ito ng halik. "At dahil ikaw ang maraming kasayaw mamaya... Dance with me first, my love."

"Now?" amused the tanong nya.

I nodded. "Yes, now. Para ako ang first dance mo." Then I look at the time on my phone. "We still have time."

At nag-take time pa syang ngumiti. "Okay."

"All right!" masayang bulalas ko. "Let me play this song." I scan my iTunes and play the song Ikaw at Ako by TJ Monteverde when I found it. "Dance with me, my princess?" Inilahad ko ang aking kamay dito ngunit kagaya kanina'y pinulupot nya ang mga braso sa aking leeg. I hugged her back like there's no tomorrow at nagsimula sumunod sa saliw ng kanta ang aming mga katawan na waring may mga sariling isipan.

Hawakan mo ang kamay ko
Ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
'Di mo ba pansin?

Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo

We just silently dance with the beat. Listening to each others breath and savouring the moment. Yes, I planned this. Mabuti na nga lang at sumunod sa akin ang pagkakataon at binigyan ako ng panahon para maisakatuparan ang aking plano para kay Yuca. I'm the luckiest and happiest woman in the entire world right now.

"I love you so much," sabi ko sa kalagitnaan ng kanta.

"I love you more," she answered.

The song ended at masaya kaming kumalas sa pagkakayap sa isa't isa. Minsan pa akong nawala sa mga titig nya. Gustong-gusto kong wag putulin ang moment na yun ngunit gahol na din ako sa oras.

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon