Assasin's Killer

519 5 1
                                    

"Corella..Ito na ang last job mo for this month. Malaki ang tiwala sayo ni boss dyan na magagawa mo ng maayos ang bagay ba 'yan."

Inabot naman ng lalaking tinawag na "Corella" ang envelope na hawak nito. Inilabas niya ang nasa loob saka binasa ang nilalaman.

Iyon na ang huling trabahong gagawin nya sa buwan na ito, isang napakasimpleng assignment para sa isang kagaya nya.

Napatingin siya sa lalaking kausap saka tumango. Ni wala syang sinabing kahit ano, kilala na sya sa ganong pag uugali.

Naglakad na sya palabas ng office nito saka sumakay sa kanyang kotse. Muli niyang pinagmasdan ang profile ng taong tatrabahuhin niya.

Ang huling misyon nya ay si Martin Salgado, isang mayamang negosyante at isa sa pinaka magaling sa larangan ng pag bebenta ng shabu. Isang walang kwentang tao sa lipunan nanaman ang kanyang patatahimikin.

----------

Maulan na gabi...

Pumasok ang isang hindi kilalang lalaki sa loob ng tahanan ng mga salgado. Tahimik itong naglakad patungo sa isang silid. Marahan nitong binuksan ang pinto saka pumasok sa loob.

Nagpalinga linga ito para siguraduhing walang tao, ng makitang wala tahimik na itong naglakad patungo sa kinaroroonan ng taong kanyang pakay.

Inilabas niya ang baril, kinuha din nito ang unan. Iniligay niya ang baril sa pagitan ng unan at katawan ng lalaki saka niya ito kinalabit.

Duguang lalaki ang tanging naiwan sa loob ng kwartong iyon...

----------

Assasin's KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon