Kayla's POV
"San ka galing?" Kakapasok ko palang ng mansyon ay binungad na kaagad ako ng magaling kong kapatid. Nakabusangot ang mukha nito at sa tingin ko ay hindi maganda ang gising niya at wala ito sa mood.
"Diyan lang." Walang gana kong sagot, at mabilis na siyang tinalikuran dahil alam kong papagalitan lang ako niyan at kung ano ano nanaman ang sasabihin niya sa akin.
Hindi pa man ako nakakalayo sa kaninang kinatatayuan ko, ay narinig ko na siyang sumigaw at galit na tinawag ang pangalan ko.
"What?" Sagot ko sakanya, nakita kong mas lalong sumama ang mukha niya at seryosong lumapit sa akin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sakanya at tumingin ako sa kaliwa't kanan ko dahil ayokong tumingin sakanya.
Alam ko kong saan nanaman hahantong itong usapan nato.
"Kinakausap pa kita diba? Bakit tinalikuran moko hah! Kayla." Galit na sambit nito sa akin. Imbis na sagutin ko siya ay tumahimik na lamang ako dahil baka mas lalong lumala ang galit niya.
Hindi naman siya dating ganyan eh! Naging ganyan lang siya simula ng hindi ko na sinusunod ang utos niya sa akin.
Kapatid ko siya, oo may karapatan siyang pagbawalan ako pero sobrang higpit niya masyado nakakasakal.
"Nagiging bastos kana ata!" Napapikit nalang ako ng mariin.
"I'm sorry kuya okay, pagod lang ako." Walang ganang sambit ko. Nakita ko namang napailing ito. At tumatawa pero bakas ang inis doon.
"Pagod? Saan kakahanap sa walang kwentang bagay?" Gulat naman akong napatingin sakanya, biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa narinig ko mula sakanya.
"What did you say?" Pigil na luhang tanong ko sakanya. Nakita ko namang napapailing ito.
"Gusto mo pang ulitin ko? Nagpapagutom ka ng dahil lang sa walang kwentang bagay nayan, hindi kana natutulog tignan mo nga yang sarili mo ang payat mo na! Pati mga utos namin nila daddy sayo hindi mo na sinusunod." Galit na sambit niya sa akin.
Hindi ko napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo.
Nasasaktan ako dahil sa sinabi niyang hinahanap ko ang walang kwentang bagay?
"Kuya, naiintindihan ko naman kong concern ka sa akin pati sila mommy. Pero wala kang karapatan na sabihin na naghahanap ako ng walang kwentang bagay." Umiiyak na sambit ko sakanya, nakita ko naman ang kaninang nakangisi niyang mukha ay biglang sumeryoso.
"Kong para sayo walang kwentang bagay yon, pwes wag mo akong igaya sayo kuya. Hindi mo kase naiintindihan yung nararamdaman ko. Kaya hindi mo alam kong gaanong kasakit para sa akin lahat ng yun." Umiiyak padin ako, pinunasan ko ang luha ko pero patuloy padin ito sa pagtulo na para bang itong gripo.
"Hindi ikaw yung nawalan kuya, hindi ikaw kong hindi ako! Ako yung nawalan kuya, ang sabi mo magkakampi tayo ang sabi mo susuportahan moko sa bagay na gusto kong gawin. Kaya sana bilang kapatid ko suportahan mo nalang ako, intindihin mo nalang na hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang gusto kong makita at pinangako ko sakanya."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at mabilis na akong tumalikod at patakbong pumunta ng aking silid.
Umiiyak akong pumasok dun at umupo sa kama ko, mas lalo akong naiyak ng makita ko ang litrato niya. Umiiyak akong kinuha ito at hinaplos.
Natutuluan ng aking luha ang magandang litrato na magkasama kami.
"Gusto na kita ulit makasama at makita." Umiiyak na sambit ko, at niyakap ng mahigpit ang picture frame na hawak hawak ko.
No one's POV
Nakangiti ang dalawang lalaki habang nakatingin sa motor bike na nasa harapan nila.
"Ang galing mo talagang bumili at pumili ng motor bike para, hayop! Ang ganda." Nakangiting sabi ng isang lalaki habang hinihimas pa ang motor bike na nasa harapan niya. Natatawa namang umupo ang isang lalaki sa motor bike nayon.
"Ako paba?" Natatawang sabi nito. "Syempre kilala moko pare, hindi naman ako bibili ng hindi maganda tsaka mahal yan." Pagmamayabang pa nito, kahit ang totoo ay nakaw niya lamang ito.
"Talaga, umaasenso kana talaga pare. Pahiram naman ako minsan nito." Bahid dito ang pagmamakaawa. Natatawa namang tumango na lamang ang lalaki.
"Ay oo nga pala, aalis nako paniguradong hinahanap nako ni misis." Sabi ng lalaking nakaupo sa motor bike.
"Sige pare, bukas ah inuman kila pareng Roman." Pagpapaalala ng lalaking kanina pa hinihimas ang motor bike at mukhang walang balak bitawan. Kung hindi lang sinabi ng lalaki na aalis na siya ay hindi niya pa ito bibitawan.
"Oo ba sige, ngayon eh kailangan ko na talagang umuwi lagot ako kay misis." Natatawang sambit nito. Nakangisi niyang kinuha ang susi ng motor bike at mabilis na nilagay ang helmet na nasa harapan niya.
"Sige pare ingat." Sambit ng lalaking nasa harapan niya. Tumango na lamang ito at sinimulan ng paandarin ang motor bike.
Nakangisi niyang pinapaandar ang sasakyan. Napapailing nalang siya dahil wala may alam na ninakaw niya lamang itong motor bike na ito.
Nakuha niya ito sa masikip na eskinita noong naglalakad siya. Akala niya nga ay may maghahanap nito pero nakakatawang may nag-iwan ng motor bike sa madilim at masikip na eskinita. Malamang sa malamang na marami ng kukuha nun. Dahil marami pa namang gagong dumadaan dun.
Napatigil ang motor bike na pinapaandar niya ng may humintong isang lalaki sa kanyang daraanan.
Tumingin siya sa kaliwana't kanan niya nasa eskinita na siya pero wala na siyang makitang tao dun kong hindi silang dalawa na lamang.
Inis siyang tumingin ulit don sa harapan niya pero laking gulat niya ng wala na siyang nakitang lalaki dun.
Napapailing na lamang ito.
"Nanloloko lang siguro yun." Napapailing na sambit niya at muling papaandarin ang motor bike pero ayaw umandar nito. "Nasira pa ata!" Inis na sambit niya sa kanyang sarili.
Napatigil siya ng makarinig ng malakas na tawa, at sa tingin niya ay ito ang lalaking kaninang nasa harapan ng dadaanan niya.
Biglang tumaas ang balahibo niya dahil kakaiba ang tawa nito, parang hindi tawa ng tao. Nanginginig ang mabilis na pinaandar niya ang motor bike.
Muli nanaman siyang nagulat ng makitang nandun nanaman ang lalaking kaninang nawala.
Nakatayo lamang ito at para banang hinihintay na dumaan siya.
"Hoy! Lumayas ka nga diyan gusto mo yatang masagasaan." Mayabang na sambit nito. Napatigil siya ng gumalaw ang nasa harapan niya, hindi niya makita ang mukha nito dahil malayo ito ng konti sakanya kaya katawan at paggalaw lamang ng lalaking nasa harapan niya ang kaniyang nakikita.
Nakita niyang tinaas ng lalaki ang dalawang kamay niya na para bang sinasabing sagasaan siya.
Nainis naman ang lalaking nakaupo sa motor bike at gigil na pinaandar ang sasakyan.
Wala naman siyang pakielam kong mapatay niya ang lalaking ito, dahil marami nadin naman siyang napatay. Lalo na sa mga lalaking hindi siya tinitingala o ginagalang.
Mabilis na mabilis niyang pinaandar ang motor bike upang sagasaan ang lalaki. Napapikit siya ng malapit na siyang makapunta kong nasaan ang lalaking hanggang ngayon ay nakatayo padin at hininhintay ang pagsugod niya.
Napapikit siya ng tumama ang motor niya sa lalaking nasa harapan niya, mabilis niyang dinilat ang mata niya pero laking gulat niya ng wala siyang nakitang lalaking duguan at nakahiga.
Tumingin siya sa kaliwa't kanan niya pero wala siyang nakitang kahit na anong anino ng tao dun.
"Nasaan nayon?" Tanong niya sa kaniyang sarili.
"Hinahanap mo ba ako?" Biglang napatigil ang buong katawan niya ng makarinig siya ng isang malamig na malamig na boses na nanggagaling sa kaniyang tenga. "Anong karapatan mong angkinin ang isang bagay na hindi mo namang pag-aari." Malamig na sambit nito sakanya, hanggang ngayon ay bumubulong padin ito sa tenga niya. Hindi naman gumagalaw ang lalaking nakaupo sa motor bike dahil sa takot ng kaniyang nararamdaman.
"S-sayo bato? Sorry kong kinuha ko, i-isosoli ko na sayo." Nanginginig ang lalaking hinugot ang susi at mabilis na inabot ito sa lalaking nasa likuran niya na hanggang ngayon ay hindi niya padin nakikita dahil nadin siguro sa takot na lingunin niya pa ito.
"Hindi na." Natatawa ang lalaking nasa likuran niya, nagulat naman ang lalaki dahil sa sinabi sakanya nito.
"H-huh?" Utal na tanong nito habang nanginginig na nakatingin sa harapan niya.
"Sayo nayan, umuwi kana." Nagulat ang lalaki dahil sa sinabi sakanya nito.
"S-sigurado po kayo?" Nanginginig padin ito at halatang natatakot.
"Oo, basta.." Napatigil siya at hinihintaya ang susunod na sasabihin ng lalaking nasa kaniyang likuran. "Siguraduhin mong makakauwi kapa ng buhay."