[Chapter Two] Ang Kapal

108 12 1
                                    

zana • two. ang kapal

"Zana, alam ko na ang section natin. Let's go." Enzo pulled me out of the crowd. Kinaladkad niya lang ako nang kinaladkad hanggang sa makarating kami sa isang silid.

"Oh my gosh! Classmate natin si Hynden!" Sigaw ng isang babaeng nasa loob ng room. "Enzo?" pagtawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Ba't ba ang sikat mo dito? Lahat na ata ng mga babae sa school na 'to, nagkakandarapa sa 'yo. Wala namang kahabol-habol sa 'yo, a?"

"Aray naman. Hindi pa ba sapat ang mukha ko bilang sagot diyan sa tanong mo?" Buti nalang at wala akong kinakain habang sinasabi niya 'yan. Baka nabilaukan na 'ko ngayon at naibuga ko pa ang kinakain ko kung nagkataon.

"Huwag ka nang aangal, Zana. Maganda ka, gwapo ako. It's dominant in our bloodline." Sa bagay, tama naman siya. Haha, charot lang.

"Pwedeng pumasok nalang tayo sa room? Baka sumabog pa ang ulo mo dito, e" Suggest ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa 'kin sabay ginulo ang buhok ko. I'm telling you, he's the reason of my bad hair days.

He ushered me inside the classroom. Siya naman kasi ang confident sa aming dalawa kaya siya na ang nauna.

We sat on the seats at the back part of the room. We have no choice kasi apat nalang talaga ang bakante.

The moment na sumampak ang puwet ko sa upuan, nagsimula ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase namin.

And I heard the same thing from them. Hindi ba talaga kami magkamukha ni Enzo? We are fraternal twins but thanks to our parents' odd genes, naging magkamukha pa rin kami. Ang malas.

"Can't they stop meddling with other people's lives?" Tanong ko sa kanya. He just flashed a smile while looking at me. "Oh Zana, you'll get used to them."

Get used . . . I admit to the difficulty of adjusting though. Isang oras pa lang ang nakalipas pero it felt like I've been here for a week. Hindi niyo naman ako masisisi kasi nasanay na akong mag-homeschool. Coping with a new environment was harder than I thought.

"Good morning, class!" Nagsitayuan ang mga kaklase ko kaya gumaya na rin ako sa kanila. A woman was standing in front and obviously, she's a teacher. At first sight, she looks innocent and young. I hope my instincts are right though.

"Good morning, miss." We all greeted back. She made hand gestures, telling us to sit down.

"Okay, so since today is our first day, I'll give you an easier task." Na-curious ang lahat ng mga kaklase ko sa sinabi ng teacher namin but I know what was coming. And I expected this to happen.

"Introduce yourselves here in front." Agad-agad silang nagmaktol sa task ni ma'am. Masyado raw kasing pambata.

"Walang aangal. Refusal is futile and will lead to deductions. Aquino, in front. Now!" Okay, I was wrong. Maybe she is not that innocent. I swear, parang nagbago 'yong awra niya in 0.5 seconds.

I watched my classmates introduce themselves in front of the class and practiced my own introduction at the same time as well. Whoo! Kinakabahan na 'ko. Zana, huwag kang magkakalat!

"Hynden." Patatas! Si Enzo na! Ako na ang susunod. Alphabetical kasi ang order with a boy-girl alternation. Mabuti nalang at boys ang pinapauna ni ma'am.

Waaah! Pwede bang maihi sa palda? One time lang.

"Hey guys! I'm Hynden Lorenzo Lim. 16 years old. Young, wild, and . . . handsome." Halos masuka ako sa pinaggagawa ng kapatid ko. 'Ta mo, naggawa niya pang kumindat kahit nakamasid lang sa kanya ang teacher. Ang kapal lang 'no?

"Para sa 'kin 'yong kindat na 'yon!" Sigaw ng isa sa mga kaklase namin. Kitams? Santo ba 'tong kapatid ko? Nagpapagaling ba ang kindat niya sa mga may topak?

"Okay, Harlequin." My heart skipped a beat when ma'am called my name. Huwag kang kakabahan, Zana! Kaya mo 'yan.

Kabado akong naglakad papunta sa harapan. 'Yong paa ko kasi, 50-50 ata. Gustong umabante na gusto ring umatras. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Huminto ako sa tapat ng teacher's desk at humarap sa kanila nang nakayuko. "G-Good morning, classmates. I'm Harlequin Lorenzana Lim. I am 16 years old. I-It's nice to finally m-meet you all." Nautal pa talaga ako. Agh! You messed up, Zana! You messed up bigtime!

Dahil sa hiya, dali-dali akong naglakad pabalik sa upuan ko. I looked at everyone and they were all staring at me. They appear to be shocked. Realization hits them at last.

"S-So you are not Hynden's girlfriend? You're his sister?" Pati ba naman si ma'am? What the heck?!

"Not just my sister, she's my other twin." Mas nagulat pa sila sa sinabi ni Hynden. Well it's logic since pareho kaming 16. Do they really have to be this shocked?

Naputol ang katahimikan nang may biglang pumasok sa room. "Late, Mister Madrid." Utas ni ma'am sa lalaki. T-teka . . . Siya 'yong lalaki sa bulletin board! 'Yong bigla nalang nagsalita! Siya nga!

"Okay, it's your turn, Madrid."

"My turn for what?" He coldly asked. His deep resonant voice is very masculine and I could also tell that all the girls here in the room are drooling over him. How? Well, they are literally drooling.

"To introduce yourself in front of the class."

"Why on earth would I do that?"

"BECAUSE I TOLD YOU SO." Kung nadudurog pa ang salita, siguro mas pino pa sa pulbo ang mga salitang sinabi ni ma'am sa pagkadiin niya sa mga ito.

"Fine. Kiel Alexandré Madrid. It will never be a pleasure meeting you." He shortly said and proceeded to the empty seat . . . beside me. Okay, mas sumama pa ang tingin ng mga kaklase ko sa akin.

I tried to ignore them as much as I could. That's what Enzo told me earlier at wala namang mawawala kung susubukan ko kahit mahirap.

Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya. There's something interesting about him. Lilinawin ko lang, WALA AKONG GUSTO SA KANYA. That sentence he said back at the bulletin board just piqued my curiosity really hard. It is so familiar pero wala akong matandaan.

"You're too obvious." Nagulat ako nang wala sa lugar siyang magsalita habang nakatingin siya sa harap. Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya.

"E-Excuse me?"

Hinarap niya ako at biglaan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Admit it, miss. YOU. LIKE. ME."

Wait-

WHAT DID HE JUST SAY?!

Her Forgotten Memory // VSOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon