3RD PERSON'S POV.
Makalipas ang ilang oras, ay umuwi na ang pamilya ni Relly sa bahay nila, para makakuha ng damit.
Dumating na rin yung nakabangga kay Relly kanina. At nakapag-usap sila ng kaunti.
At ngayon, naiwan naman si Relly at Morven sa loob ng Hospital Room, kasama si Phelim.
Busy lang si phelim sa pag kuwento ng kabataan nila ni Morven.
"Tapos, nung bata kami. Ang Iyakin niyan ni Morven, tapos kahit madaplisan lang ng insekto, Iiyak na yan agad." natatawang sabi ni Phelim.
"Talaga?" sabi ni Relly at medyo natawa. "Ang cute~" mahinang sabi niya.
"Phlems, baka nakakalimutan mong nandito pa ako." sabi naman ni Morven na nakahiga kanina sa sofa.
"Kinuwento ko lang Morves." sabi pa ni Phelim at napangiti. "Ang cute mo kasi umiyak nung bata ka pa." sabi pa niya.
"Tss, ikaw nga umiihi pa sa kama." sabi pa ni morven.
"Sshh! Brad ano ba? Sikreto yan diba?" sabi pa ni phelim na nahihiya na medyo natatawa.
"kwinento ko lang din Phlems." sabi ni Morven na ginaya ang tono ni Phelim.
"Gaya-gaya ka Morves." sabi pa ni Phelim.
Bigla namang natawa si Relly sa Gilid. "Ang kulit niyo namang mag pinsan." sabi pa niya na natatawa.
"Abnormal." sabi ni Morven na naka-upo sa sofa.
"Loko ka, morves." sabi naman ni Phelim.
"Oh, baka magka developan kayo niyan" sabi ni relly na nang-aasar.
"Tch, No way!" sabay na sabi ng dalawa, na tinawanan ni Relly.
"Alam niyo, nagugutom na ako. Pwede niyo ba akong dalhan ng pagkain?" tanong ni relly.
Napatingin naman si Morven kay relly at akmang mag piprisinta na sana, kaso..
"Sure, ako na magdadala." agad na sabi ni phelim na nakapagpa upo kay morven. "Lalabas lang ako." sabi niya bago lumabas.
Ng magsara na yung pinto ay napatingin si Relly kay Morven na tahimik.
'Hindi manlang ba ako papansinin nito?' tanong ni relly sa isip.
Pero dahil, nabibingi na siya sa katahimikan ay agad niya namang pinansin si Morven.
"M-morven, ano.." nahihiyang sabi ni Relly. "Dito ka nga sa tabi ko, please?" sabi niya na namumula.
Namula naman si Morven sa narinig. "B-bakit naman ako pupunta diyan?" medyo masungit na sabi ni morven
"Eh, kasi.. Wala akong katabi?" medyo sarcastic na sabi ni relly.
Napangiti naman ng bahagya si Morven ng hindi niya alam kung bakit, pero nawala din ito agad.
Huminga muna ng malalim si morven bago mag salita. "Fine, pero sa upuan ako uupo." sabi pa niya.
Namula naman si Relly. "Eh, sa upuan naman talaga, b-bakit? Akala mo ba tatabi ka dito sa akin sa higaan?" sabi pa niya.
"H-hindi ah! Tss." sabi pa ni morven at umupo na sa upuan at hindi tinignan si Relly.
Nagpapakiramdaman lang ang dalawa hanggang sa..
"Morven, Thank you." sabi pa ni Relly na nakangiti.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Morven. Kanina pa niya hinihintay yung thank you ni Relly.
"Y-your welcome." nahihiyang sabi ni morven.
Nagulat naman ang dalaga sa sinabi ni Morven. "Teka? Bumait ka yata?" nagpipigil ng tawa na sinabi ni Relly.
Napatingin naman si Morven kay Relly na nakakunot ang kilay. "Ulitin mo nga yung sinabi mo." naaasar na sabi niya.
Ngumiti naman si relly ng malapad at kinurot ang pisngi ni Morven. "Yie~ Ang Cute mo!" sabi pa niya na nang-aasar.
Nabigla naman si Morven sa ginawa ni Relly kaya natulala ito.
*Door Opens*
"Nandito na-- Ano Tong nakikita ko?" gulat naman na sabi ni Phelim na nakapagpatino sa dalawa.
__________
~Awetor Neosagi
PhelimXRelly or MorvenXRelly?
Yie~😂
BINABASA MO ANG
Cinderella's Great Granddaughter (EDITING)
Short StoryThis book is a Love Story About Relly Cinder. Ang Great Great Great Great Granddaughter ni Cinderella. Unlike her Grandmother Cinderella, her story is way different than her Grandmother. Sabihin na nating hindi mawawala ang hiwaga sa Love Story ni...