The Wedding

3.5K 156 22
                                    

Napasarap ang tulog ko. Ini-expect ko talaga na may lalaki na naman dito sa kwarto ko, pagkagising ko. Pero wala eh. Galit pa kaya sya sakin.

Bumangon na ako at nakita ko ang isang gown na nakahanger sa tabi ng salamin. May naka attach na sulat. "Isukat mo, para malaman mong alam ko ang sukat mo. 😉"

Loko loko talaga.

Isunukat ko ito. Ang gandang pumili ni Alvin. Bagay na bagay sakin.

Excited na ako sa Wedding na pupuntahan namin.

Hinubad ko na ulit ito at naligo na rin.

Pagkatapos kong maligo, lumabas na ako sa kwarto.

"Alvin?"

Asan kaya si Alvin.

Tinext ko sya.

Me: Where are you?
Him: May ginagawa pa ako. Kumain kana muna. Uwi ako dyan sa lunch.
Me: okay.

Pumunta na ako sa kusina. Ano kaya ang pwede kong kainin? Tanong ko sa sarili ko.

Binuksan ko yong ref at nakita kong may pizza doon. Ang sweet naman ni Alvin, binilhan ako ng pizza.

Dinala ko yong pizza sa sala, binuksan ko yong TV at naghanap ng channel na match sa trip ko ngayon. Trip kong manood ng Kung fu panda. Buti nalang Kung fu panda ngayon sa Cartoon network. Perfect!

Tawang tawa ako kay panda.

Hindi ko namalayan na ubos ko na pala ang pizza. Kaya naman pala mabigat na tyan ko. Haha. 

Isang buong pizza ang naubos ko.

Tumunog ang cellphone ko. Kaya tiningnan ko kung sino nagtext. Si alvin pala kaya binasa ko kaagad ito.

"I'll pick you up in 1 hour. So be ready."

Hindi pa ako nakapag shower. Nako, ang bilis pa naman ng oras. Kaya naman nag madali na ako. Pinatay ko yong tv at bumalik sa kwarto.

Nag shower na kaagad ako. At nagpatuyo ng buhok, nag make up na rin at pagkatapos ay isinuot ko na ang gown ko. Ito ang kinalabasan.

Nagpabango na ako at perfect timing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpabango na ako at perfect timing. Narinig ko na busina na si Alvin.

Lumabas na ako ng bahay at pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng sasakyan.

"You look gorgeous." Puri ni alvin sakin.

"Thanks."

Pumasok na ako sa sasakyan at sya naman ay pumunta na sa driver's seat. Bumyahe na kami. Hindi naman pala ganon kalayo ang venue ng kasal. Kadadating palang namin sa simbahan, nakita ko na sobrang dami na ng tao.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Alvin at inalalayan akong lumabas sa sasakyan. Sweet naman nya ngayon.

Nakahawak ako sa braso nya at naglakad na kami papuntang simbahan. Umupo kami at katulad ng lahat ng tao sa loob hinihintay nalang ang pagdating ng bride.

Nag facecbook na muna ako para hindi masyadong mabored.

Siguro mga 30 minutes din ang nakalipas, nagsalita na ang emcee. Kaya napalingon ako sa pinto ng simbahan. Andoon na ang bride.

Nagsimula ng kumanta ang choir, napakaganda ng boses nila. Malamig sa tenga.

Habang naglalakad ang bride papuntang altar. Napapangiti ako. Hindi ko pa naiimagine na ako yong ikinakasal, pero sobrang happy talaga ako pag ka ganito ang nakikita ko.

Hanggang sa makarating na sa altar ang bride, at nakikita ko na sobrang happy din ang groom.

Nagsimula na ang mass, the whole time nakafocus lang ako sa pakikinig at panonood sa nangyayari sa simbahan.

Well, after that pictorial na. Nong tinawag na ang friends ng bride at groom. Akalain mo yon, lumapit si Alvin doon. Iniwan akong mag isa dito. Pero okay lang naman.

Tapos biglang may kumanta, napatingin ako sa taas, kun nasan ang mga choir.

"Runaway"

Say it's true, there's nothing like me and you
I'm not alone, tell me you feel it too

And I would run away
I would run away, yeah..., yeah
I would run away
I would run away with you

Cause I am falling in love with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you

Close the door, lay down upon the floor
And by candlelight, make love to me through the night
(through the night, through the night...)

Cause I have run away
I have run away, yeah..., yeah
I have run away, run away
I have run away with you

Cause I am falling in love (falling in love) with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you...
With you...

And I would runaway
I would runaway, yeah..., yeah
I would runaway (runaway)
I would runaway with you

Cause I am falling in love (falling in love) with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you...

Falling in love (falling in love) with you
No never I'm never gonna stop falling in love with you

With you, my love, with you...
na ni na ni na na...
(With you, with you, with you, with you)

Napangiti ako, ang ganda ng boses nya. Ang ganda ng kanta nya. Ang bilis ng tibok ng puso ko na para itong sasabog. Sa simula hanggang sa matapos nya ang kanta, hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya.

Siguro kung nakikita nya lang ako, awkward much na ito. Buti nalang hindi.

Nang matapos na syang kumanta, gumalaw ang mga mata nya, at napatingin sya sakin.

Nagkatitigan lang kami ng hindi ko alam kung gano katagal. Nakangiti pa sya sa akin. Pero nakaramdam ako ng siko kay Alvin kaya napatingin ako kay alvin.

"Aray! Sakit nun ha?"

"Para ka kasing tanga dyan, nakatingin ka pa sa taas. Aalis na tayo."-alvin

Binaling ko ulit ang tingin ko sa taas, pero wala na sya. Habang naglalakad kami papunta sa labas ng simbahan. Nalunod na naman ako sa pag iisip ko.

Parang familiar sya sakin. Parang kilalang kilala ko sya. Mahirap mag assume pero parang si Glaiza sya. I started looking for her. Hoping that, makikita ko sya dito. Pero biglang bumuhos yong ulan. Perfect timing naman!

Nagtakbuhan kami pabalik sa simbahan. Sobrang nagkagulo talaga kami. Masisira ang make up, hair do at gowns namin.

Sa sobrang pagmamadali ko, nagkabunggoan kami ng isang babae, muntik pa akong matumba buti nalang nahawakan nya ako sa kamay.

Nagkatitigan kami. Nagkangitinan.

Andito na naman yong tibok ng puso ko na parang lalayas na sa katawan ko ang puso ko.

Bumalik na ako sa pagkakatayo. Doon ko lang napansin pareho kaming basang basa na ng ulan.

Pinagtawanan nalang namin ang isa't isa.

"Ako nga pala si Glaiza."

*********

Pasensya na po sa mga mali ko. Pagpasensyahan nyo na rin po ang part na ito. Hehe. Salamat po sa pagbabasa at sa pag vote.

Don't forget pong mag comment para alam ko ang reaksyon nyo. Hehe. Salamat.

Lablab. ❤

🔚

Together Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon