Chapter 6

32 3 0
                                    

Naandito parin ako sa may Clinic pero hanggang ngayon wala parin si Warren.

Patayo na sana ako pero biglang may kumatok

"Ang tagal mong baluga ka" nagulat ako nang iba ang nagbukas ng pinto

"N-Neb?"

"Oh , ayos ka na ba?"napalunok ako

"Ah Oo ayos na "patayo na ako pero hindi ko nakita na may nakaharang pala sa paa ko kaya naman natapilok ako nang biglang

NAGSLOWMO

oo ang korny pero feeling ko nag slowmo nang bigla akong saluhin ni Neb

Nanlaki yung mata ko at ang ganda ng mata niya , ang gwapo niya lalo pag malapitan .

Ilang segundo din kami nagkatitigan hanggang sa

"La? Wala kayo sa pelikula oy"sabay kaming napatingin sa may pintuan kaya naman bumitaw agad ako kay Neb at pinagpag yung sarili ko

"Tara na"sabi niya

"Ah e s-saglit lang aayusin ko lang gamit ko"pagkatapos kong ayusin nagpaalam na ako kay Neb at umalis na kami ni Warren

"Teka , alam ko magkalaban lang kayo sa basketball pero bakit parang magkalaban parin kayo kahit wala na kayo sa court?"

"Nagugutom ako , tara kain tayo"

"Libre mo?" Nakangiti ako nang tanungin ko siya

"Hindi" mabilis niyang sagot kaya napabusangot ako

"Wala kang kwenta kahit kailan" bulong ko

"Teka okay ka na ba?"

"Oo , ay hala hindi ako nakapag paalam sa coach ko"

"Pinaalam na kita" pabalik sana ako kaso bigla akong tumigil nang sabihin niya yon

"T-talaga?" Lumapit ulit ako sa tabi niya at napangiti

"Salamat kahit papaano may kwenta ka din pala"

Nasa may Kainan kami at umorder na kami

"Paano kayo nagkakilala ni Neb ? I mean saan kayo unang nagkita?" Napatingin ako sa kanya

"Ah hmmm , sa may rooftop"

"Rooftop? Ano naman ginagawa mo dun?"

Flashback<<<

"AYOKO NA SAYO!!!" Nagpapapadyak padyak ako habang sumisigaw

"MAKAKALIMUTAN DIN KITA!!! AYOKO NA MAGKAGUSTO SA-WAAAAAA!!"

End of flashback

"N-nag papahangin lang" at ngumiti nalang ako , nakakahiya dahil sa kanya nagsisisigaw ako ng ganon .

"Teka bakit ba bukang bibig mo si Neb ngayon?"

"May gusto siyang iba , baka katulad ka din ng ibang babae na may gusto sa kanya at nadepress nang malaman nila na may gusto na siyang iba at lalo na sobrang ganda pa"napalunok ako

"H-hindi naman ako magkakagusto sa kanya" napayuko ako

"M-muntikan lang"

--

Coffee Shop..

"Welcome" sabi namin ni Maggie at nag pasukan na yung mga ka schoolmate ko sa shop

"Sila parin sabi ko naman sayo"
"Eh bakit bigla siyang umalis? , cheerleader siya diba?"
"Malay siguro nag away sila?"

Napatabi ako nang bigla akong itulak ni Maggie

"Ya?" Sabi ko

"Schoolmate mo yan diba?"tumingin ako sa mga babae

BelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon