Chapter 21

3K 104 14
                                    

AN: After 69 years, nakapagupdate din. Iba na nga ang writing format 'ko lol. Tatry 'ko na magupdate ng madalas dito tutal tapos 'ko na naman 'yung Ideal.

Chapter 21.
Elkyu?

• • •

NAPAPOUT ako dahil hindi ako sinasagot ni Irene for the 9th time. Kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya pero wala talaga, eh.

"What's with that long face?" Biglaang tanong sa akin ni Joy sabay upo sa tabi 'ko, mukhang masaya sya, ah. Well, lagi naman syang ganyan.

I sighed, "Well, hindi lang naman ako sinasagot ng girlfriend 'ko mula kanina pa." I rolled my eyes. Nakakainis lang. Tinext 'ko na din sya ng ilang beses.

"Aww, sad naman." At oo, epal talaga sya. Masyadong paepal amputa. Nagmake face pa sya nung sinasabi nya 'yun. Nabwisit lang ako, eh.

"Ewan 'ko sa'yo." Inis na sabi 'ko, "Bakit ka ba masaya, ha?" Tanong 'ko sa kanya. Kanina pa kasi kakaiba ang ngiti ng babaeng 'to. Nakakabwisit. Nakangiting aso pa sya habang ako, naiinis na sa girlfriend 'ko.

She chuckled, "Ikaw lang naman ang highblood dyan."

"Shut up." I said, glaring at her. "Bakit ka nga kasi nakangiti dyan na parang baliw? May nakakatawa ba?"

"Uhm… well." She scratched her nape, "Nililigawan 'ko na si Yerim."

Nanlaki ang mga mata 'ko, "Woah! Really?! Congrats!" Nakangiting sabi ko. Masaya ako para sa kanya. Parang kailan lang, nagdadrama pa sya sa akin.

She giggled. "Thanks."

"Paano nangyari? I mean, paano mo inamin?"

"Uhm, basta. Naamin 'ko kasi nauna nyang inamin. Pinagseselos nya lang daw ako kaya lagi nyang kasama si Jungkook." Paliwanag naman nya.

Napangiti ako at sinuntok ang balikat nya, "Binata na sya!"

Sinamaan nya ako ng tingin. "Ulol."

• • •

HINDI ako makapagfocus sa klase. Wala din si Irene dito sa classroom. Ano na bang nangyari sa kanya? First, hindi nya sinasagot mga text at tawag 'ko. Pangalawa, eto. Bakit naman kaya? Kung pwede lang akong magcutting para puntahan sya sa bahay, eh.

"Miss Kang, is there any problem?" Tanong ni Miss Lee sa harapan. Sya ang student teacher namin ngayon. Alam 'nyo naman siguro ang ibig sabihin nun. Pero kahit na hindi pa sya graduate as a teacher talaga, magaling na sya.

"Wala po, Maam." Sabi 'ko naman at ngumiti ng kaunti. Shit shit. Nakakainis naman kasi si Irene. Nagaalala na tuloy ako. Nagagalit na ako, ha.

"Okay. If you say so." She said then beamed a smile, "Makinig ka ha. Merong quiz bukas."

Tumango naman ako, "Thank you, Miss. Makikinig na po ako."

"Okay. Back to our topic." Yan lang ang narinig 'kong sinabi ni Miss Lee dahil natulala na naman ako. Mukhang mahihirapan talaga ako na magconcentrate nito dahil iniisip 'ko kung nasaan si Irene. Kung ano ang ginagawa nya at kung bakit hindi nya 'ko sinasagot. Pupuntahan 'ko sya mamaya sa bahay nila. Sana lang talaga sa pagpunta 'ko dun, masagot lahat ng tanong na nasa isipan 'ko.

• • •

"NANDYAN po ba si Irene?" Tanong 'ko dun sa isa sa mga maids nila. Napapakamot pa ako sa kilay 'ko dahil ang tagal nyang sumagot.

"Nasa taas po." Sabi naman nya sa akin. Pinapasok na nila ako dito dahil kilala na naman nila ako. Unang una, dahil nga naging tutor ako ni Irene at madalas na nandito ako. Alam na din naman ng mga maids, drivers and bodyguards nila dito na maggirlfriend kami ni Irene. And Im glad with it. Magulang nalang talaga namin ang kulang.

Kumunot naman ang noo 'ko, "Kaninang umaga pa po sya dyan?" Tanong 'ko. Bakit kasi hindi sya pumasok? Hindi din nya sinasagot mga text at tawag 'ko. Mababaliw na ako kakaisip sa kanya at hindi nga ako nakapagaral ng maayos kanina. Tapos malalaman 'ko na nasa taas lang sya? At ano namang ginagawa nya sa kwarto nya?

Tumango sya. "Kanina pa po syang umaga hindi bumababa. Kanina pa kami katok ng katok pero sinasabi lang nya na ayos sya. Hindi pa nga sya kumakain mula kanina pang umaga. Lagi naming dinadalhan pero sinasabi nya na bababa daw sya para kumain. Pero hanggang ngayon, hindi pa din po sya bumababa."

Nagulat naman ako. Hindi pa sya kumakain mula kaninang umaga? What the hell? Agad akong binalot ng kaba. Ano naman kaya ang nangyayari kay Irene? Kinakabahan ako.

"Pwede 'ko po ba syang puntahan sa kwarto nya?" Paalam 'ko. Kahit naman sinabi ni Irene na bahay 'ko na din ito, syempre, bilang paggalang na din 'yun. Ang rude namang tignan kung dere deretso akong pumanik eh hindi 'ko naman talaga bahay 'to.

"Sige lang." Ngumiti sya sa akin. Nagbow muna ako at pumanik sa kwarto ni Irene.

Habang papaakyat ako ng hagdan, dumadagdag ang kaba na nararamdaman 'ko. Feeling 'ko kasi, may hindi magandang nangyayari. Sana naman feeling 'ko lang 'yun.

Nang makarating na ako sa tapat ng kwarto nya, agad akong kumatok at huminga ng malalim.

"Irene. Baby." Mahinang sabi 'ko habang kumakatok, "Can I come in?" I asked her.

"Seulgi?" Kilalang kilala 'ko ang boses na 'yan. Si Irene. Halatang nanghihina. Mas lalo tuloy akong kinakabahan, eh.

"Baby, bakit hindi ka pumasok?" Tanong 'ko pagkapasok 'ko. Pinagbuksan nya kasi ako ng pinto at bumungad agad sa akin ang matamlay nyang mukha. Namumula pa ang ilong nya at halatang hirap na hirap. Agad 'ko syang niyakap dahil miss na miss 'ko na sya. Sobrang bilis na naman ng tibok ng puso 'ko. Ganyan naman palagi ang puso 'ko pag malapit ako sa kanya. Nagwawala. Nagiging abnormal.

Kumalas ako sa yakap at hinawakan ang mukha nya, ang init init nya. "May sakit ka ba?" Nagaalalang tanong 'ko. "Sabi nila, hindi ka pa daw kumakain mula kaninang umaga. Bakit ha? Papatayin mo ba ang sarili mo?" Pangaral 'ko sa kanya.

Matamlay na umiling sya, "Wala akong gana, Baby." Umubo pa ito. Naaawa tuloy ako sa kanya. "Tsaka hindi ako pumasok dahil hindi 'ko talaga kaya."

Hinawakan 'ko ang bewang nya. "At bakit hindi mo sinasagot ang tawag 'ko? Hmm?"

"Hindi 'ko na nahawakan ang phone 'ko, Baby. Natutulog lang ako. Sobrang sakit ng ulo 'ko at halos hindi na ako makatayo kanina."

"Pero napagbuksan mo ako ng pinto?"

"Nung narinig 'ko ang boses mo, ewan 'ko lang kung bakit pero lumakas ako." Sabi nya kaya naman napangiti ako sa kanya.

"Sweet." I chuckled, "Naiinis nga ako sa'yo kanina dahil hindi mo sinasagot ang tawag at text 'ko." Pero syempre, hindi na ngayon.

She smiled at me, "Galit ka pa din hanggang ngayon?"

Umiling ako at niyakap sya ulit. Pinatong 'ko ang ulo 'ko sa balikat nya. "Syempre, hindi na. Hindi naman kita matitiis, alam mo 'yan."

• • •

Aww. Akala 'ko, LQ na. 😂

11/23/17 - Hindi edited.

The Popular Bae | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon