2

860 50 12
                                    

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan. Nasanay na ako sa presensya mo na laging nasa tabi ko. Na tuwing nabo-bored ka sa klase, ako yung pinagtri-tripan mo. Kung hindi kumakain, natutulog ka sa tabi ko at naririnig ko pa ang mahina mong hilik. Nasanay na rin akong susunduin mo ako tuwing umaga gamit ang itim mong kotse at dadaan tayo ng Mcdonalds para pakainin ako ng breakfast at makabili ka ng happy meal. Ihahatid mo naman ako pauwi sa apartment at bibisitahin mo rin si Bugs Barney, yung kunehong binili mo na pinapatira mo sakin dahil ayaw pala ng Daddy mo sa hayop. Kaya ayun, nagkakalat siya sa apartment ko.

Excuse tayo sa klase ngayong araw. Bilang higher section, napag-utusan tayo na gumawa ng isang stageplay para sa darating na Christmas Party for Street Children. Inihanda ito ng eskwelahan para makatulong at maipamahagi ang diwa ng kapaskuhan.

Nagsimula ang class meeting natin para sa stageplay. Nakagawa na sila ng istorya na gagamitin natin dito, ang Snow White and the Seven Snowmen. Syempre, pangunahing kailangan ng grupo ang mga taong gaganap sa play, lalong-lalo na si Snow White.

Hindi ko alam kung anong tumama sa utak mo at pinrisinta mo ako bilang gaganap kay Snow White. Syempre nagulat sila, dahil ako na isang introvert nerd ay gaganap sa isang stageplay kung saan marami ang nanonood. Hindi naman ako sanay sa ganoong bagay dahil ni minsan, hindi ko naisip na mapupunta ako sa ganoong sitwasyon.

Gusto ko sanang umayaw kaso binigyan mo nanaman ako ng mga nagbabanta mong tingin. Kaya pala gusto mo akong maging si Snow White, ikaw pala ang tatayong prince charming.

Natapos ang araw at nasimulan na rin natin ang unang practice. Sobrang pasasalamat ko na ikaw ang naging prince charming, at least may sumasalo sakin tuwing nagkakamali ako. Doon ko lang din pala nadiskubre na may talent ka sa pag-acting.

Pauwi na tayo noon nang bigla mong tinigil ang sasakyan sa tapat ng isang playground. Walang tao dito kaya naman niyaya mo ako sa isang swing. Sinabi mo sakin na may mahalaga tayong pag-uusapan.

Nagtaka naman ako sa sinabi mo at napaisip. Ngayon ko lang kita nakita ng ganito ka-seryoso. Ano kaya yung mahalagang sasabihin mo?

Umupo ako sa swing at ganon rin ang ginawa mo. Magsasalita sana ako nang may binigay kang papel.

Binuksan ko ito at nagulat sa nakasulat. Four-year scholarship para sa college.

"Hindi ko matatanggap to."

"Bakit? Akala mo ganyan lang kadali magbigay ng scholarship? Malamang may kapalit yan."

Tinignan kita habang aliw na aliw kang nakatingin pabalik sakin.

Tinanong ko kung anong kapalit nito. Ngumisi ka at nagsimulang magswing habang nakapikit ang mata. Akala ko wala ka talagang balak sagutin yung tanong ko pero maya-maya nagsalita ka.

"May time capsule akong nahalungkat sa bahay. Nandoon yung sinulat kong mga bagay na dapat kong gawin habang nabubuhay pa ako," bigla kang tumingin sakin at inabot yung isa pang kapirasong papel na nakatiklop. Dahan-dahan kong kinuha ito sayo dahil halos mapunit na ito sa sobrang luma. "To do list ko 'yan. Ipapatago ko sayo pero wag na wag mong bubuksan at babasahin hangga't di ko sinasabi. Kung hindi, malilintikan ka sakin."

"Gusto kong samahan mo akong gawin yung mga nakasulat dyan," dagdag mo pa.

"Bakit kailangan kasama pa ako?"

Sawakas natanong ko na rin yung kanina ko pang gustong itanong. Kaya mo naman kasi siguro tong gawing mag-isa. Malaki ka na eh. Hindi mo naman siguro ako kailangan.

Tinitigan mo akong mabuti, "Syempre. Mas masaya kung kasama ka."

Alam ko ng mga oras na iyon, nag-iinit ang buong mukha ko. Ikaw pa lang kasi ang kauna-unahang nagsabi sakin na masaya kung kasama ako. Di ko alam pero bumilis nanaman tibok ng puso ko.

Kaso nawala agad yun nang dugtungan mo, "Wala akong pagtri-tripan kung di ka makakasama. Ang boring non. Walang thrill."

Ayos ka rin no? Sinama mo lang pala ako para may mapaglibangan ka. Di ka na talaga magbabago.

Pero tinanggap ko na rin yung offer mo. Sayang yung apat na taon na scholarship eh. Malaking tulong na sa akin iyon.

"P-Pwede bang saka na lang natin gawin to?.. Kapag tapos na ang periodical exam."

Ngayong linggo na kasi Periodical Test natin. Alam mo naman sigurong pinangangalagaan ko ang grades ko ngayong pagraduate na tayo.

Tinitigan mo ako saglit at tsaka ka dahan-dahang tumango. Parang ayaw mo ngang pumayag eh pero na ngako kang hindi mo ako guguluhin kapalit ng pagsama ko sa kalokohan mo.

Pagkatapos mong ibilin sa akin yung papel at ang walang sawang pagsabi mo sakin kung gaano ka ka-excited na simulan iyon, hinatid mo na rin ako sa apartment. Nilaro mo saglit si Bugs Barney at pagtapos ay umuwi ka na.

Bago ka tuluyang umalis, ilang beses mo pa akong binantaan na huwag akong magba-back out sa usapan natin kundi.. hindi mo papatahimikin kaluluwa ko. Ibinilin mo rin yung ATM card mo para panggastos ko. Hindi ko talaga alam kung bakit mo iyon ginawa. Pero sabi mo, wag akong magpapakagutom habang nag-aaral.

Ilang beses kitang tinanggihan doon sa ATM card mo. Nakakahiya naman talaga kasi. Pero wala, nadadaan mo ako sa mga banta at nakakatakot mong mga mata.

"Hindi kita guguluhin. Tuparin mo lang pangako mo. Kung hindi.. yari ka talaga sakin."

Ibang klase ka talaga. Dinadaan mo ako sa banta mo. Pero kahit ganoon, ang laki-laki ng tiwala mo sakin.

Iwanan mo ba naman sakin yung ATM card mo na halos naglalaman lahat ng pera mo.

His To Do ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon