Vasilissa Ramona Kingsley
Kinabukasan ay pumasok ako sa klase na halatang halata pa rin ang mga pasakit na ginawa sakin ng kaibigan ni Moira,hindi ko rin alam ang pangalan niya.
Buong magdamag ay nakikinig lang ako sa teacher na nagdi-discuss tungkol sa mga aaralin namin para sa unit 2.
Hanggang sa maglunch na ay pinili ko na lang na kumain sa garden mag-isa. Tutal may natirang ulam kanina sa bahay,kaya binaon ko na. Kaysa manghingi pa ako kay Tita ng pera,may natira pa naman sa allowance ko. Actually,may naiwan na pera sila Papa at na kay Tita yun ngayon,ginagamit niya para sa pag-aaral ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng mapansin kong may nagmamasid sakin mula sa malayo. Nilibot ko ang mata ko,pero wala namang tao,nakarinig ako ng kaluskos at napatingin ako sa mga halaman sa dakong iyon. Medyo naka bend pa,na parang hinawi.
Hindi ko maiwasang mangamba. Pero ipinagwalang bahala ko na lang iyon at nagpunta na sa guidance office,para ipaliwanag kung anong nangyari kahapon. Sinabihan kasi ako ni Council President Drey na ipaliwanag ang side ko,pumunta saw ako doon after lunch.
Habang naglalakad sa hallway ay may nakabunggo ako,natumba ako kaya nahulog ang mga librong dala ko.
Tinulungan naman ako nung naka-bangga ko.
"Pasensya n-na po sa a-abala." Sabi ko,hindi na siya nagsalita at nagmamadaling umalis.
Kumatok muna ako bago pumasok sa guidance office.
"Miss Kingsley,kindly take a seat." Sabi ng guidance counselor namin at tinuro ang upuan sa harap niya,na katabi ng mag-inang Dominguez.
Nakayuko naman akong sumunod.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Miss Kingsley,gusto kong malaman kung ano ang nangyari kahapon. Kung paano ito nangyari at bakit." Mariin na pagkakabigkas niya.
"P-po?" Sabi ko naman.
"Ikwento mo sa amin kung bakit kayo nagkagulo,ang eksaktong nangyari." Pag-uulit pa ni Ma'am.
Sinalaysay ko lahat ng nangyari kahapon,sinabi kong walang nagtangkang pumigil sa kaguluhang nangyari,at natigil lang iyon nung umawat ang council president namin.
Patango tango si Ma'am habang nakikinig.
"You mean,pinanood lang kayo ng classmates niyo?" Paninigurado ni Ma'am. Dahan dahan naman akong tumango.
Sa likod ni Ma'am,kung saan may nakapwestong malaking bintana parang may nahagip akong pigura ng tao na dumaan dun. Napakunot ang noo ko,sinong dadaan dun? May mataas na pader sa office na ito para walang makasilip sa ginagawa ng guidance counselor,ganun din sa meeting room ng committee at council.
"Miss Kingsley! Nakikinig ka ba?!" Sabi ng guidance counselor namin sa mataas na tono. Agad akong napabalikwas at napatungo. Hindi ako sanay na sinisigawan.
"O-opo," Nakayukong wika ko.
"Tsk,wala talagang tumulong? Walang umawat?" Tanong niya sa akin. Dalawang beses akong tumango.
Hindi ko pa nakakalimutan yung nakita ko kani-kanina lang,idagdag mo pa ang masasamang tingin na ipinupukol sakin ng mag-ina sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Under The Moon
VampireA half-blooded being. Half vampire, half human. Vasilissa thought that her origin isn't important, until she knew. Read her story as she changes UNDER THE MOON. All rights reserved, ©2017