The Day She Lose Her Smile
AKO si Aricka Sanchez, isang masayahin batang babae. Alangan naman lalaki di ba?
Anyways, sikat ako. Bakit? Dahil lang naman madaming taong gusto ako dahil nga masayahin ako, masigla and always think positive at higit sa lahat ay madaldal. Mayaman ako pero kahit gano’n pa man ay hindi parin kompleto ang buhay ko at dahil lang 'yon sa iisang lalaki.
Oo. Isang lalaki. I love him since we were in first year college. Same din ang kinuha niyang course. Archeticture. Oh di ba ang saya niyon?!
Ang totoo niyan hindi ako nainlove sa kanya ng love at first sight. Pero dahil siguro siya lang ata ang lalaki na hindi ko mapangiti at parating umiiwas sa akin.
May nakakahawa ba akong sakit kaya iniiwasan niya ako? Sayang naman 'yong kagwapuhan niya kung hindi kami mag-produce ng mga supling balang araw 'di ba? Ayie!
Isipin ko palang kinikilig na ako!
And speaking of him. Hayun siya oh! Mag-isa na naman siya sa lilim ng puno at nagbabasa ng libro. Ang gwapo talaga niya kaso nga lang mailap.
Wala siyang close friend dito. Bakit? Aba, stalker niya ako 'no!
Haha! 'di joke lang. Pero maraming nagsasabi sa akin na wala siyang kaibigan. Mas prefer kasi niya na maging loner. Hindi ko alam kung bakit. Kainis naman oh!
“Ayiie! Si Ricka lalapitan ang crush niya! Dalaga na si Ricka!” Kantiyaw ng kaibigan kong si Sammy. Asar talaga 'to, namumula na naman ang mukha ko. Alam kasi niya na may pagtingin ako kay Alexander. Yes. That’s his name. Ang ganda ng pangalan niya 'no? bagay na bagay!
“Ah-sshh! Huwag kang maingay, Sammy. Madaming makakarinig! Nakakahiya kaya!”
“Lapitan mo na kasi.” Udyok niya sa akin.
“Oo na! oo na! kaw talaga pektusan kita diyan eh!”
“Hahaha! Asus! Kalat na kaya 'yang pagsinta mo sa kanya.”
Kagaya ng suggest niya nilapitan ko talaga si Alexander.
“Hi Alex!” Kinawayan ko pa siya. Blanko ang ekspresyon ng tiningnan niya ako. “Pwedeng tumabi sa'yo?”
“Hindi pwede.” Ouch naman.
“Haha! nice one! Ikaw talaga Alex, ang sungit sungit mo parin para naman hindi kita kaibigan.”
“Kelan naman tayo naging kaibigan? Pwede ba huwag ka ngang lapit ng lapit sa akin. Hindi mo ba alam ang reputasyon ko dito?”
Nginitian ko siya at umiling. “Ano ba ang reputasyon mo? Oh wait! Let me guess! Hearthrob ka ng campus natin! Astig!”
“No.” Matigas na sabi niya. “Isa akong loner. I don’t want to make friends with anyone else. Don’t you get it?”
BINABASA MO ANG
The Day She Lost Her Smile!
Short StoryONE SHOT! Copyright ⓒ SorceressPrincess, 2014, All rights reserved