024

991 47 3
                                    

F E Y A H ' S P O V

Christmas party namin ngayon. Napakunot nalang ako ng noo kasi ang tagal ni Jian. Hay nako, kahit kailan talaga 'yong lalaking 'yon. Feeling ko tuloy, out of place ako sa pwesto ko ngayon. E katapat ko ba naman kasi si Cathy at si Steven e!

Well, 'di ko alam kung nakamove-on na ako kay Steven. Basta ang alam ko lang, hindi na ako excited na makita siya lagi. Alam mo 'yon? Tapos 'di ko naman na din siya kinakausap kaya nagwo-work talaga 'yong process ng pagmo-move on ko.

Si Cathy naman, may inis pa din akong nararamdaman sa kanya. Ayaw ko kasi sa lahat 'yong taong manloloko. 'Yon bang ang laki ng tiwala mo sa isang tao pero sisirain niya lang pala?

Hindi pa din kami nagkakaroon ng pormal na pag-uusap ni Cathy. Besides, ayaw ko din naman siyang kausapin kasi ang awkward naman kung mag-uusap pa kami.

"Seb.."

Lumingon ako at nakita ko si Jian. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Hipokrita ako kapag sinabi kong hindi siya gwapo. Kung tutuusin, mas gwapo siya kaysa kay Jaysen.

Pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit crush na crush ko si Jaysen.

Cool na lalaki si Jaysen. Hindi ko masasabing sobra naming close na dalawa, pero nagpapansinan kami gawa ng bestfriend ko si Jian. Hays, akalain mo nga naman na magiging matalik na kaibigan ko 'tong si Jian?

Kilala kasi siya bilang campus bully sa school namin. Who would've thought na ang campus bitter na tulad ko ay magiging bestfriend siya?

Very impossible.

"Naks naman seb! Lakas naman makagwapo ng pormahan natin ngayon ha!" kantsaw ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa'kin at inakbayan ako.

"Ikaw talaga! Elibs ka na naman sa'kin!" nang-aasar na tugon niya. 'Di ko nalang siya pinansin at tinuon na lang ang atensyon ko kina Jaysen, Kyle at Edward- mga katropa ng bestfriend ko.

"Ay sumasabay din ang tatlong 'to! Akin na nga mga cp niyo, picturan ko kayong apat!" sabi ko sa kanila. Kanya-kanya naman silang pose sa white na dingding.

Ay ang gu-gwapo nila ha!

"Ikaw naman Feyah, solo mo!" sabi ni Edward. Agad naman akong nagpose sa may dingding na parang model.

"Kayo naman ni Jian!" pahayag ni Jaysen. Lumapit naman si Jian sa'kin at umakbay. Parehas kaming naka-peace sign.

"Jaysen, picture tayo?" tanong ko kay crush. Pumayag naman siya at nag-picture na kami. Gosh, kilig much talaga!

"Ako, Fey? 'Di ka magpapa-picture?" tanong ni Kyle. Umiling lang ako sa kanya at nagsitawanan naman sila.

📨📨📨

As usual, 'pag christmas party 'di mawawalan ng games at kainan. Ngayon, nasa second game na- ang paper dance. Bumunot kaming mga girls kung sino ang makaka-partner namin. Gosh, partner ko si crush!

"Go ahead to your partners para makapagsimula na tayo."

Lumapit naman ako kay Jaysen. Medyo nahihiya pa ako kasi nga ang gwapo niya, hihihi.

"Ikaw pala partner ko."

"Oo hehehe."

Nagsimula na 'yong game. No'ng una, madali lang naman kami ni Jaysen na kumasya sa papel. Pero habang tumatagal, 'di na talaga kami kasya kasi kailangan 'yong tupiin.

"Buhatin nalang kita? Baka mabigat ka ha."

"Anong mabigat ka dyan? Hindi 'no."

Hinawakan niya ang binti ko at bewang atsaka binuhat na parang bagong kasal. Napahawak naman ako sa batok niya. Shet, why so gwapo Jaysen?

"Baka matunaw ako niyan."

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. Panigurado kasing namumula na naman ang mukha ko.

"Okay, stop!" sabi ni teacher.

Pinilit naman namin ni Jaysen na maging balanse para hindi kami matalo. Tinignan ko 'yong mga kalaban namin kung sino ang unang bibigay. Mukhang sina Cathy at Jian ang unang matatalo. Sila 'yong mag-partner e.

Hindi naman ako nagkamali at nahulog nga sila. Unang bumagsak si Cathy at pagkatapos ay napa-patong bigla si Jian sa kanya. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano nakawan ng halik ni Cathy si Jian.

Medyo napatulala ako. Nagtataka din ako kung bakit nanakit 'yong dibdib ko dahil do'n. Hindi ko din maiwasan na masaktan. Teka, ba't ba ako nasasaktan? E bestfriend ko lang naman siya 'di ba?

Right, bestfriend ko lang siya.

Feyah's Last Wish (COMPLETED)Where stories live. Discover now