Bakit Hindi Ka Maka Move On? - Chapter Four
No one dared to speak. Kahit ako. Bigla na lang umurong ang dila ko at hindi nakapagsalita. Ngayon ko lang ulit naramdaman 'to. Lumipas ang dalawang taon, walang yumayakap na lalaki sa akin maliban sa mga kamag-anak ko. And it feels weird kasi biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"A-Ano bang ginagawa mo!" Sigaw ko at malakas siyang tinulak,
Nagulat din siya sa kanyang ginawa. His face turned red at hindi na makatingin ng maayos sa akin. Sabi na eh. Magiging malaki ang role ng tao nito sa buhay ko. It's either panibagong sakit sa ulo o tutulungan ako sa buhay.
"C.R lang ako," Sabi niya,
Nakalabas na siya pero luting pa din kaming lahat.
"Bakit ang daming nangyari ngayon? Una, tumawa si Mauri. Tapos ngayon, niyakap siya ni kumag."
Ang sama din namin doon kay feeling close. Ang dami naming pet name sa kanya. Baka pare-parehas kaming hindi alam ang pangalan niya?
"Bakit hindi niyo siya tinatawag sa pangalan niya?"
Umiling si Dan, "Hindi na no, ang hirap ng pangalan nun e."
"Ano bang pangalan non?"
"Hay nako, itanong mo na lang sa kanya. Baka mamali pa kami ng pronunciation."
* * *
"Sige Mauri, alis na kami. Thank you sa pagkain!"
Kumaway ako bago pumasok ng bahay. Pero napansin kong hindi man lang umaalis si feeling close sa pwesto niya.
"Oy, hindi ka pa ba uuwi?"
Umiling naman siya.
"Ice cream tayo?"
"Saan?" Kunot-noo kong tanong,
"Dun sa kanto. Ano? Tara?"
I shrugged my shoulders, "Mukha ka namang harmless at dapat libre mo."
Naglakad lang kami papunta doon sa ice cream parlor sa subdivision naming. Hindi pa ako nakakakain dito dahil taong-bahay ako. O hindi kaya, party ang ginagawa ko. Twenty years na akong nabubuhay pero hindi ko pa naikot 'tong subdivision namin.
"Anong flavor gusto mo?"
"Gusto ko 'yung coffee flavor."
Natawa siya, "Pati ba naman sa ice cream, ang tapang mo pa din?"
Sinabi na niya dun sa babae 'yung order namin. Nag-order siya ng strawberry ice cream na medyo gay para sa akin. Pero wala naman 'yan sa binibiling ice cream. Kung ako nga coffee eh.
Ang opposite naming dalawa.
Habang hinihintay 'yung order namin, magkaharap lang kaming nakaupo. Paano nga ako napasama dito sa feeling close na 'to? Naging groupmate ko siya. Tapos niyakap niya ako na nakakadiri para sa akin. Tapos uwian na, inaya niya ako kumain ng ice cream kasi nga libre daw.
"Hoy," Tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin, may tinitignan kasi siya sa labas kaya ako naman ang napatingin doon. Saktong may nakita akong mga babaeng naka-shorts at maiikli ang damit, "Kunwari pang inosente 'to."
Namula naman siya, "L-Lalaki lang din ako..."
Napailing ako, "Huwag mo nga idahilan sa akin 'yan. Kahit lalaki ka, kung wala namang malisya sayo at kung hindi ka mahilig sa legs, hindi ka titingin doon."
Natahimik lang siya.
"Pero sanay na ako sa mga ganyan. 'Yung ex ko? Tangina, kahit nung kami pa, laging napapatingin 'yon sa mga legs ng ibang babae eh."
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ka Maka Move On?
ChickLitANG NOBELANG NAGLALAMAN NG MGA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI KA MAKABANGON SA MAPAIT NA NAKARAAN. ITO AY BASAHIN UPANG MALAMAN AT MALIWANAGAN. HINDI LAHAT NG INIIWAN AY NABABALIKAN, TANDAAN MO 'YAN!