Dalawang buwan na ang lumipas pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa na magcross ang landas naming dalawa.
Sa school naman, ganun parin. Busy. Busy sa school works. Wala masyadong exciting na nangyare sa school.
Nakakatamad ang buong araw. Ganun pala talaga pag wala kang inspiration, parang walang gana. Walang gana sa lahat.
Muntik pa akong matapilok dahil sa pag space-out ng utak ko. Buti nalang nandyan si bessy Maggy na laging nasa tabi ko.
Handa kang pagtawanan sa pagiging lampa mo. Hayy naku! Ang bait ni bessy no?
Pero thankful parin ako dahil siya ang bessy ko. Osiya! Ako muna'y mag-aaral para sa aming recitation bukas.
P.s. Kelan ba ang araw na 'yon?