CHAPTER SIXTEEN

3 1 0
                                    

Phoenix's POV

Anong nangyayare sa dalawang ito, laging MIA kundi naman ay isa lang ang nakakasama namin. Akala ba nila di ko pansin. Si Darius naman wala paring pake sa mundo.

Simula ng kinulong ko sila sa storage room eh, hindi na sila nagpapansinan. Nag-away ba sila? Akala ko pa naman mapapalapit sila sa isa't isa. Kailangan kong malaman ang nangyare. Baka hindi maging successful ang pagiginh cupid ko sa dalawang 'to.

Naglalakad na ako sa may corridor, ng makita kong tumatakbo si Klein at pagod na pagod.

"Hoy, klein! Anyare sa'yo?" Pagtatanong ko agad.
Tinapat niya lang muna ang kamay niya saken na parang sinasabing wait lang pwede huminga? Kaya tumango nalang ako. Nang makabawi na siya sa kanyang paghinga ay nagsalita narin ito.
"Si Raven?" Bungad niya agad.
"Hindi ko pa nakita. Nag-away ba kayo?" Tanong ko naman.
"Nagalit yata siya saken eh" napasimangot ang mukha niya.
"Huh? Bakit naman? Sinaktan mo ba siya?" Tinitigan ko siya ng masama kaya napaatras ito at nag taas ng dalawang kamay na akala mo'y sumusuko.
"Hoy, hindi ah.... May nakita kase akong papel na nakadikit sa pintuan ng dorm ko na pumunta daw ako sa storage room, pero di ko alam na ganon din pala sakanya. Kaya akala niya ay pinagtripan ko siya" pagpapaliwanag niya.

Napatango-tango ako dahil wala akong naalala na dinikitan ko ng papel ang pintuan nila. Ang gagawin ko lang ay kakausapin ko muna si Raven kung gusto niya. Pero ng makita ko sila na nasa loob ng storage room ay nilock kona ang pinto.

Pero di ko alam na nag-away sila.
Nakaka-guilty tuloy dahil sa ginawa ko ay nag-away pa sila. Aayusin ko talaga 'to.

"Huy Phoenix!" Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Klein.
"Oh andyan kaparen? Pag talaga maganda hinihintay no? Hahaha". Pagbibiro ko para mayawa naman siya.

Pero wala, nakasimangot talaga siya. Ano bang nangyare dito?
" hoy, sino bang lasing sa kanto ang nantrip sa'yo ha? Tara samahan kita bangasan naten mukha!" Hinawakan ko ang kamay niya para maglakad na. Pero napatawa ito kahit na konti lang. Hay okay nayun.
"Baliw ka talaga Phoenix haha" natatawang sambit niya.
"Pero seryoso, kailangan ko ng makausap si Raven" pagtutuloy niya.
"Wow ah, nag-iba na ihip ng hangin?" Nakangiti kong sabi at pataas baba pa ang kilay ko hihihi.

"Hay. May nalaman kase ako. Pero di ko masabe kase galit siya" nalungkot nanaman ang mukha niya.

"Ay, hehe oo nga pala. Wag ka magagalit ah, may sasabihin ako sa'yo" napakamot nalang ako sa batok dahil baka magalit si Klein, hay madaan nalang nga sa charm ko. Hihi

Unexpected FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon