CHAPTER 11: Day 5

1 0 0
                                    

After the dinner, it seems a little awkward. Or ako lang ang nakakafeel nun? Tsk. Kahapon lang tumawag si Dean at kinausap niya kami tungkol sa paparating namin na challenges and discussions. It will start next week. And he just reminded us about simple do's and don't's.

Kahit sa harap ng dean ay nagbabangayan pa rin kami and makikita mo naman sa mukha ng dean namin kung gaano siya kadisappointed kahit pa ineexpect niya pa rin na medyo magigin okay na kami. Pero kailangan talaga ipaintindi sa kanya na hindi na siya dapat umasa pa lalo. Mahihirapan siya sa bagay na yun.

It's our fifth day at habang tumatagal ay mas lalo lang ako nabobore sa loob ng bahay. Lagi lang kaming nagkukulong sa kwarto at sumasakit na ang mata ko sa kakabasa mapaumaga man o gabi.

For how many days, wag niyo nang tanungin kung anong kinakain ko dahit diet ako. Napilitan dahil hindi talaga siya nagluluto para sa aming dalawa. Wala naman si Jelai dahil tinatapos pa nila ang thesis nila pero sabi niya naman ay madali nalang yun. Hindi na ako lumalabas ng kwarto dahil iisang mukha lang naman ang nakikita ko. Myghad! Nakakasawa! Nakakasulasok! Nakakarimarim!

Bumaba ako after kong maligo dala ang librong nakuha ko sa library nung isang araw. Baka maubos ko nalang yun ng basa at hindi pa kami nakakaalis dito. How sad.

Pumasok ako ng kusina at naabutan ko ang unggoy na sarap na sarap kumain ng agahan niya. Shet. Kumalam ata bigla yung sikmura ko.

Nung nakita niya akong pumasok ay bigla nalang siyang ngumisi.

"Ang sarap! Mukhang tataba ata ako dito." Psh. Nagpapapansin nanaman.

Hindi ko siya kinausap at tumalikod nalang para buksan ang ref.

Habang nagsasalin ako ng tubig ay nagsalita nanaman siya.

"Gusto mo? Baka gutom ka na. Ilang araw ka nang mansanas lang ang kinakain." Mapang-asar niyang sambit. Yes. Tama siya. Mansanas lang ang kinakain ko simula umaga hanggang gabi. Kaasar na nga e kaya hindi na ako magtataka kung bigla nalang may tumubong sanga sa ulo ko sa mga susunod na araw. Shocks!

"Wag kang magkunwaring nag-aalala." Pasimple kong sabi sa kanya ngunit di pa rin tumitingin.

"Nag-aalala naman talaga ako ah. Kaya kung gusto mong kumain ..." Naramdaman ko nalang bigla na nasa tabi ko na siya at napakalapit niya. Halos magdikit na yung tungki ng ilong niya sa leeg ko. Shocks. I can feel the start of a race inside my heart. May heart pa ako? Baka nakisali na rin sa karera. Nakakabaliw na yung ganitong distansya namin.

"A-ano ba? Lumayo ka ng-nga." I tried to sound normal. Kahit Hindi na normal lahat.

"Kung gusto mong kumain ... " Napapikit nalang ako dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Shet. Ano 'to?

"Magluto ka para sa sarili mo." And the battle begins! Humarap ako bigla sa kanya at naibuga ko sa mukha niya yung tubig na nasa bibig ko. Napaatras naman siya.

"Buti nga sayo! Umalis ka nga sa harap ko. Nakakasira ka talaga ng araw." Akala ko okay na. Akala ko aalukin na akong kumain ng kinakain niya. Psh! Ano pa nga bang inaasahan ko?

"Ang baboy mo! Kababae mong tao — "

"Mabuti nga ako tao pa e. Ikaw kaya? Napakawalang modo." Tinalikuran ko na siya at tumungo sa lababo. Nagpupunas pa rin siya ng basa sa mukha niya. Mabuti iyan para makaligo naman siya ng libre.

"Ang gwapo kong tao. Andami ngang nahuhumaling e. Tss." Umiling-iling siyang inaayos ang damit niya na bahagya ring nabasa.

"Libre mangarap Galleos." Lalabas na sana ako ng kusina nung nagsalita siya ulit kaya tumigil nanaman ako at humarap sa kanya.

Missing MEWhere stories live. Discover now