Chapter Seventeen
MAHIGPIT niyang hinawakan ang robang suot niya upang kahit papaano ay maibsan ang panlalamig na kanyang nararamdaman. She's still wearing her wet two piece bikini under the robe when Clive dragged her from her friends. Sinabi nitong darating sa bahay ang parents nito at ang lola niya, iyon lang ang sinabi nito sa kanyang mga kaibigan at hindi direkta sa kanya. Hindi rin siya nito kinakausap which is very understandable dahil nga hindi siya tumupad sa pangako. Nakalimutan niya ang pangako niya dito kaya siguradong galit nga ito. And he had to travel far just to get her.
Mariing kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi habang palihim na sinusulyapan si Clive na wala pa ring ekrespresyon ang mukha habang nakatingin ng diretso sa kalsada. Gusto niyang humingi ng sorry pero baka hindi pa iyon ang tamang oras para magsalita siya. Baka mas lalo itong magalit kapag narinig nito ang boses niya, pero kapag pinatagal naman niya ang paghingi ng sorry ay baka mas lalo itong magalit sa kanya. Gusto na niya tuloy i-umpog ang ulo sa salamin na ng sasakyan dahil sa katangahan niya.
Buong biyahe niyang inisip ang paghingi ng tawad pero hindi niya nagawa, magkasabay lang silang bumaba ng kotse at nakasunod siya dito. Habang nakatingin sa likod ng asawa na ilang araw din niyang hindi nakita ay bigla siyang nagkalakas ng loob na magsalita na.
"Uhm, Clive-."
"Fix yourself, they'll be here in ten minutes." Malamig na tugon nito kaya iyong lakas ng loob na naipon niya ay tuluyan ng humulas sa katawan niya ng ganoon na lang. Agad itong umakyat sa silid nito at ilang minuto rin siyang nakatitig sa nakasarang pintuan ng silid bago niya nahila ang sariling pumunta sa sariling silid.
Ilang beses din siyang napabahing at napa-ubo habang naliligo ng mabilis, akala niya ay mawawala rin ang pangangati ng ilong at lalamunan pagkatapos niyang maligo at magbihis pero nandoon pa rin. Isinawalang bahala niya ang bagay na iyon dahil kailangan niyang ayusin ang 'bahay' nila sa pagdating ng kanilang mga magulang.
Pagbalik niya sa sala ay wala pa si Clive kaya inayos niya muna ang mga nakakalat na gamit doon, kahit na hindi naman talaga makalat. Pati sa kusina ay sobrang linis na rin, wala naman siyang gaanong lilinisin sa bahay nito dahil palagi namang walang tao doon. Habang paikot-ikot sa sala ay may kung anong pumintig sa kanyang sentido at dahan-dahan na kumalat ang sakit doon. Sinapo niya ang kanyang noo at doon lang niya napagtanto kung bakit nangangati ang lalamunan at ilong niya, sumasakit na rin ang kanyang ulo. Mukhang lalagnatin pa yata siya. Mabilis siyang bumalik sa kusina kung saan nakatago ang first aid kit at kumuha ng paracetamol. Hindi siya pwedeng magkasakit lalo pa at darating ang mga magulang nila.
Umupo siya sa silya at hinintay na umepekto ng makarinig siya nang doorbell. Tumayo na siya upang pagbuksan iyon at natagpuan niya si Clive na binubuksan na ang pintuan ng bahay.
"Good evening son." Masiglang bati ng mommy nito. Hanggang ngayon ay na-aamaze pa rin siya sa ganda ng mama ng asawa niya. "Where's my daughter-in-law?"
Doon na siya kumilos at pilit na ngumiti kahit hindi maganda ang lagay ng kanyang katawan.
"Good evening po, tita." Masayang bati niya. Hindi iyon pilit talagang masaya siya na nakita ito. Napansin niya ang pagsimangot ng magandang mukha ng ginang na tila ba may narinig na hindi maganda.
"Bakit tita pa rin Hexel? Hindi ba dapat mommy na rin?" may pagtatampong tanong nito. Kiming ngumiti siya dito.
"Sinasanay ko pa po ang sarili ko tita, masasanay rin siguro ako."
BINABASA MO ANG
ZBS#11: Peach Firefly's Tattered Heart (COMPLETED)
Short StoryTEASER: A fairy tale starts with once upon a time and ends with happily ever after. But hers was different, it started with once upon a time and currently dying... in pain. IT'S DONE!!! COMPLETED: January 7, 2020 Lots of Love, iamyourlovelywriter B...