Chapter 14: Hidden Agenda
"We should follow his order." Pilit ako napangisi sa sinabi ni Chandler.
Susundin namin ang gusto ng tatay niya? Ang utos na patayin si Philbert? No way! Naniniwala akong mabait si Philbert. Hindi siya masama at higit sa lahat he's not dangerous. Proof? Marami na siyang naibigay na pruweba. Kulang pa ba 'yong pagpapakita niya ng pagmamahal kay Haydeen, ang pagtulong niya sa akin na turuang lumaban ang Venmonium, at ang pagtulong sa akin na makausap ang nanay ko gamit ang sulat?
"My brother is right, Ailey." Pagsang-ayon ni Wolf sa kapatid niya. "I also smell something bad with that guy. Don't trust him too much. Hindi lahat ng nasa paligid mo ay kakampi mo, remember that."
Tumayo ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ni Wolf. Kaparehong-kapareho ng nakasulat doon sa sobre ang sinabi niya. May koneksyon ba siya doon sa nagbigay ng sulat sa akin? Argh! Gumugulo na naman ang isipan ko.
"Kung gano'n hindi ko kayo maaasahan para iligtas si Philbert. Akala ko hindi kayo tulad ng tatay niyo pero mali ako. Like father like son." Tumalikod ako sa kanilang dalawa at naglakad palayo.
Sinubukan pa nila akong pigilan pero hindi na ako lumingon pa. Ang alam ko lang ngayon ay kailangan kong iligtas si Philbert, hindi dapat siya mamatay.
Pagdating ko sa Venmonium, agad kong hinanap si Philbert. Tinanong ko si Rustin kung nakita niy si Philbert, pero hindi niya raw ito napansin. Nasaan ba siya? Kailangan ko siyang mahanap.
Sinubukan kong puntahan ang kuwarto niya. Nakabukas ito kaya pumasok na lang ako. "Philbert? Philbert?" Walang sumasagot. Wala rin siya dito?
Aalis na sana ako ng makita ang litrato sa lamesa malapit sa kama niya. Nang kunin ko ito at tignan, bigla akong may naramdaman kakaiba. Larawan itong dalawa ni Haydeen. Ngunit ang pinagtataka ko, bakit may pulang ekis na nakaguhit sa mismong mukha ni Haydeen. Hindi ito pulang tinta, pulang dugo ito.
"Ailey?" Binitawan ko ang picture at nilagay muli sa lamesa. Lumingon ako at nakita ko si Philbert na may dalang kutsilyo. "Anong ginagawa mo sa kuwarto ko?"
Nilapag niya ang kutsilyo sa kama niya at saka lumapit sa akin. "May problema ba?"
"Ha? Kasi... Sa'n ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap?" Nagpanggap na lang ako na nagagalit sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang bigla na lang akong natakot sa presensya ni Philbert.
"Hinasa ko lang 'yong kutsilyo ko sa likod ng building natin." Kaya pala may hawak siyang kutsilyo. "Bakit mo ako hinahanap?"
"Kailangan mong umalis dito! Kailangan mong magtago!" Napakunoot ang noo ni Philbert. Parang naguguluhan siya.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Inutos sa amin ng dean na patayin ka. Sabi niya masama at delikado kang tao. Hindi naman 'yon toto hindi ba?" Hindi agad sumagot si Philbert at bigla na lang ngumisi. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba.
"Salamat Ailey, pero hindi ako magtatago o aalis."
"Pero mamatay ka!" Sigaw ko dito. Umupo siya sa kama at muling hinawakan ang kutsilyo. Hinimas-himas niya ito na parang may balak siyang pumatay.
"Hindi. Hindi ako mamamatay, trust me. Kung magtatago o aalis ako, parang tinotoo ko ang sinabi nila na isa akong masamang tao hindi ba?" Tumango na lang ako bilang tugon. May point naman siya do'n pero nag-aalala pa rin ako sa kanya.
"Sige. Mag-iingat ka Philbert. Alam kong gagawa at gagawa ng paraan ang dean mapatay ka lang." Sabi ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala sa akin, Ailey. Ang alalahin mo ay pagtuturo sa mga members mo. Nalalapit na naman ang Killing Day." Tama siya. Napabuntong hininga na lang ako. Aalis na sana ako kaso hindi ko talaga mapigilang itanong ito kay Philbert.
BINABASA MO ANG
Doom University
Mystery / ThrillerHighest Rank Achieved: #117 To live in this school, you need to be brave, you need to know how to fight, and you must not surrender. You also have two options: Fight for you to live or Die because you didn't fight. Join Ailey Buenastillio on her jou...