"OI!! Kuya Jeremy gising!" sigaw ng kapatid at pinsan ko, "ang lalim na naman ng iniisip mo"
"bad trip naman to ohh!, panira ng moment" sabi ko sa kanila
"ang lalim naman kasi nang iniisip mo, hindi kapa nag breakfast, ma la-late na tayu sa klase! 1st day pa naman ngayun"
"kuya, bakit pala nagsasalita ka habang nagiisip ano nga yun? Juliet diba?" tanong ng pinsan ko kay Ivan
"oo! hahahahahahahaha" tawanan nila
"ayiiiieeeeee, sino yun si Juliet kuya?"
"Ha? Paanong-" na realize ko na nagsasalita ba talaga ako?
Yan kasi problema ko hindi ko napapansin na nagsasalita na pala ako kapag ang lalim na nang iniisip ko
kaya pala sila nagtatawanan at nanunokso
"Ano pa ang narinig nyu? I-explain nyu nga?"
"nagsasabi ka sa sarili mo na"
"Juliet mahal kita!" ang sabi nila sakin
"ahh, sige, kalimutan 'nyu na 'yun, nagiisip lang ako, na ako si Romeo, at nagtapat ako kay Juliet" ang palusot ko at sanay maniwala sila
"ah, kaya pala, ahh kuya sige na at maligo kana para makakain, baka'y mahuli pa tayu sa klase!"
"mabuti pa nga!, tara!"
Ako po si Jeremy, ako'y 19 years old na, nasa kolehiyo na at panganay ako, 2 lang kaming magkatid, parehong lalake.
Ivan naman ang pangalan nang kapatid ko, 12 taong gulang na, grade 6.
Kasama naman namin ang pinsan kung babae, pangalan niya ay Sunshine, magkasing edad lang kami 18 siya at nasa kolehiyo nadin
"anak, tapos na ba kayung maligo?"
"oho, mommy"
"ikaw Sunshine?"
"opo tita"
"sige, kumain na kayu, para sabay na kayu nang daddy 'nyu"
"sige po!"
Kumain kami, pero pansin kong nag uusap parin sila sa akin, pero hindi ko nalang sila pinansin
*Papunta na kami sa school*
"Sige hun"
*may flying kiss pa*
"tara na daddy! Mahuhuli pa tayu, maaga pa ang unang subject ko"
"Sige! Ikaw ang may sabi, fasten your seat belts Kids!" ang pabirong sigaw ni daddy
Binilisan niya talaga ang kanyang takbo, parang lilipad na ang sasakyan sa bilis.
"daaaaaaddy! Dahan dahan naman natatakot na si Ivan ohh"
"ma la late na kayu diba?" *winks*
"ahh bahala kayu"
Nakarating din naman kami sa paaralang pinapasukan namin safe and sound
"sige mga anak, pumasok na kaayo at baka ako naman ang mahuli sa trabaho ko, hahahaha"
"paalam po"
Ang bilis talaga ni daddy magpatakbo kahit kailan
"oii, JEREMY!, JEREMYYYY!" napatingin ako, si Juliet!"
"ahh, Ivan mauna kana, pwede?"
"ahh Sunshine samahan mo nadin si Ivan"
"sige po kuya!"
BINABASA MO ANG
Kaba
Teen FictionIto ay kwento nang dalawang matalik na magkaibigan. May gusto ang isa pero ayaw pa niyang aminin dahil natatakot siya sa sagot.