Sammara,
Huwag mo sana isiping ako'y pa-fall
Dahil ika'y hindi pang-trip lang.
What if's mo'y bibigyang sagot
Sapagkat, hindi mo deserve mag-assume sa wala.
Sasabihin ko sana ito ng personal, kaso palagi ako pinangungunahan nang kaba.
Kung kailan naman, nakahanda na 'ko –saka may aberya.
Hindi ko alam kung pahiwatig ito, na hindi talaga pwede
O, sadyang mapaglaro lamang ang tadhana't tayo ang taya.
Diskarte ko ma'y mabagal
Hayaan mo't ako'y makakahabol.
Darating din ako sa dulo
Kung saan oo mo'y aking premyo.
Tatakbuhin ko mula Eastwood,
Susundan ka maging sa Hollywood.
At kahit sino'y kokontratahin
Basta ikaw lang ay maging akin.
Kuya mo man ang humarang, loob nalama'y tatatagan.
Suntok man nito'y lumapat sa mukha kong pilit kinakapalan,
Pasensya ko nalama'y hahabaan
Ilang ulit man ipagtabuyan.
Huwag mangamba't ipapanalo ko ang laban.
Alay ko sa iyo'y bawat notang sa puso magmumula.
Hindi man masabi nang harapan,
Ipaparamdam nalamang sa gawa.
Sana, sakaling maging handa'y nandyan ka parin.
Sana, pagkarating sa dulo'y ikaw ang sumalubong.
Sana, yakapin mo ng mahigpit at sabihing mahal mo rin.
Maliban sa kaligayahan mo'y wala na 'ko iba pang mahihiling.
Nagmamahal,
Clarck.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...