XXV: What? How? Why?

222 7 0
                                    

Sobrang kaba at halos maluha-luhang nakatitig lang si Blue sa glass window ng operating room kung saan ginagawa ng mga doktor ang lahat upang irevive muli si Avril.

Todo panalangin s'ya na sana ay bigyan pa ng pagkakataon si Avril para mabuhay.

"God! Please save her. Marami pa akong plans para sa aming dalawa. Mas sumidhi pang lalo ang nararamdaman kong pag ibig sa kanya ngayon nalaman kong ang dalawang babaeng may espesyal na parte sa puso ko ay iisa lang pala. Hayaan n'yo pong mabuhay s'ya at ng mapadama ko sa kanya kung paano ko s'ya mahalin ng buong puso. I promise to be a good man from now on. Magiging mabuting tao at mabuting anak na rin ako. Magiging mabuting boyfriend n'ya po kung mamarapatin n'ya. No womanizing. No cheating. Just her. Basta po buhayin n'yo lang po s'ya. Kahit pa kunin n'yo ang lahat ng meron ako basta buhayin n'yo lang s'ya. I'm begging you, Lord." Mangiyak-ngiyak na pagsusumamo n'ya.

Nabuhayan s'ya ng tumunog na ulit ang aparatong nakakabit dito. Hindi na flat lines ang lumalabas. Tumitibok na ulit ang puso nito.

"Thank God!" Aniya sabay sign of the cross.

Kahit pala badboy ay pinapakinggan din ang panalangin basta't galing ito sa puso.

Maya-maya pa ay lumabas na ang mga doktor.

"Doc, how is she?" Tanong n'ya sa kaibigan ng daddy n'ya.

"She's so lucky, Hijo. Akala namin ay wala na talaga. We're already giving up pero malakas yata ang kapit n'ya sa itaas. Marahin ay hindi pa n'ya oras. Miracle pang matatawag dahil stable na ang lahat ng vital signs n'ya. Maliban sa mga malalalim na saksak, sa mga sugat sa ulo at mukha, na nagamot at natahi na namin ay wala na kaming nakikitang maglalagay pa sa peligro sa buhay n'ya." Balita ng doktor sabay tapik sa balikat ng nangingiti ng si Blue.

"God is really good! Salamat, doc. Sobrang salamat po sa pagliligtas kay Avril. Matagal pa ba ang hihintayin bago s'ya magising?"

"Hmmm... Since wala naman na kaming nakikitang dahilan para macomatose s'ya, siguro ay magigising na rin s'ya any time soon. Ililipat na s'ya sa kwarto n'ya mamaya. Doon mo nalang abangan ang paggising n'ya, Hijo."

"Salamat, doc."

Nakangiting bumalik sa upuan si Blue. Excited na mailipat na sa kwarto si Avril. Mas excited na magising na ito para makapag usap na sila.

***
"Avril, gumising ka na naman na oh. Please?" Hinawakan ni Blue ang mga kamay ng dalaga.

Sabi ng doktor ay magigising na ito pero nakalipas na ang magdamag ay nananatiling tulog pa din ang dalaga.

"Huwag ka namang magbiro ng ganyan, Avril. Oo marami akong itatanong sa'yo. Yes, I confront you for the lies that you've said pero papatawarin naman kita agad eh. Hindi naman kita matitiis. Oo nalaman kong iisa kayo ni Althea pero hindi ako masamang tao para ibunyag ka sa authorities. I'll lie for you too, if needed. Hindi ko hahayaang mawala ka pa sa akin. I love you, Avril. I really do." Hinahaplos-haplos n'ya ang mukha nito habang kinakausap ito.

"Hay! Ayaw mo pa talagang gumising no? Napagod ka siguro masyado sa pakikipaglaban. Ikaw kasi eh. Sinabi ko naman sa'yo na magpapagaling lang ako. Sasamahan naman kita kahit sa ano pang laban. Kahit na ibuwis ko pa ang sarili kong buhay maprotektahan lang kita." Naupo s'ya ulit sa silyang katabi ng kama nito.

Pinagmasdan ang anghel n'yang natutulog at animo'y himbing na himbing kaya't hindi pwedeng gambalain.

"Kung kasing lakas lang din sana ako ni Blade. Siguro pagkakatiwalaan mo rin akong samahan at sagipin ka mula sa mga kasamahan mong Assassin."

Saka n'ya naalala ang tagpo bago ihulog ng mga dating kasamahan nito si Avril sa bangin.

"Maswerte ka pa talaga. Hindi mo pa din siguro oras kaya ka nailigtas. Iniisip ko kung sino ba ang 'Kataas-taasan' na tinutukoy ng mga hunghang na 'yon. Iyon ang tawag nila sa lalaking pumigil sa mga dati mong kasamahan na ihulog ka sa bangin. Kaibigan mo kaya 'yon? If he is, salamat sa kanya. Binigyan ka pa n'ya ng pagkakataong magbagong buhay kaya sana ay gumising ka na."

Assassin's First KissWhere stories live. Discover now