Chapter Two:

124 2 1
                                    

“huh? Kinuha ko lang yung susi ko. Eh ikaw? Bakit andito ka pa?”

“nakatulog kasi ako sa room eh. Pagmulat ko 5:40 na pala.”

“ah ocge. Umuwi kana uwi na rin ako.” Ang weird noh. Hindi ata siya nagsungit sakin? Paalis na sana ako nang..

“sabay na tayo.” Napalingon naman ako. Tinignan ko lang siya. Inaantai ko kasing sabihin niya na. Joke lang! Feeling mo naman! Asa! Pero hindi eh.

“tara.” Ayun sinabi niya un tapos naglakad na kami pauwi.

Okay? Ang akward lang. Walang nagsasalita samin. Hindi ata bagay sakin ang ganto kaya nagfirst move na ako. “alam mo bang crush ka nila Karen at Apple sama mo na din si Deniese.”

“hindi ko naman tinatanong eh.”

“shineshare ko lang naman!”

“hindi mo ba kayang magsalita ng mahinahon?”

“hindi eh! Sorry kana lang!” ayan nagsisimula na naman. Err! Akala ko pa naman magiging nice na siya sakin. Hay! Maling akala nga naman!

“sabagay. Hindi naman sayo bagay pag naging mahinahon ka. Muka kasing maton”

“ano?! Maton?! Ang sama mo! Kaw lang ang nagsabi sakin niyan!”

“bakit? Ano bang sinasabi sayo ng iba?”

“amazona.”

“edi yun din.”

“anu kaba! Ang maton mataba! Ang amazona sexy!”

“at sino naman ang nagsabi sayo?”

“sabi sakin ng animal instinct ko.”

“hayop kaba?”

“bakit? Hayop naman ang tao ah.”

Narinig kong tumawa siya ng mahina.

“sige na. Surrender na ako sayo.” Totoo ba yung nakita ko? Napatawa ko siya? Kala ko inis siya sakin eh.

Nagpart ways na kami pagdating sa crossing

--

“waaaa!!!!” ayun humandusay ako sa kama ko pagkauwi ko sa bahay!!!

Dugdug.dugdug

Grabe! Buti malapit na lang yung bahay namin kundi kanina pa to sumabog. Ayun parang tae lang. Pasintabi sa kumakain. Kasi grabe eh!! Kinikilig ako! Waa! Ambabaw ko!

Kasi naman, alam niyo yun. Mejo hurt ako nung kanina sinabi ni Karen na ang bait bait daw ni Chad sa lahat ng girls. Eh ako, ni ultimo seatmate niya hindi man lang ako pinakitaan ng kakapiranggot na kabaitan diba? Eh crush ko pa man din siya. Oo malaking percentage na yung looks niya dun pero may iba pa eh. May aura siya na hindi ko maipaliwanag. Ah basta!

Tapos tapos lam niyo yun! First time kong may naghatid sakin! Ou hanggang sa may crossing lang at hindi mismo dito sa bahay pero over padin diba? Tapos yung ngiti niya. grabe! Nakakapanlaglag ng panty! Ang gwapo gwapo grabe! Ang puti ng ngipin niya tapos pantay pantay pa.

Sige na ako na talaga ang mababaw. Haaaaay!!!! Chad Mendoza gusto na kita ulit makita!

Kinabukasan.. ayun first time ko atang excited pumasok sa school. Hahaha!

“morning ”^^ ayun umupo na ako sa desk ko at nakita ko sina Enzo at Ken.

“aww ganda ata nang mood ni Ms comedian ah!”

“mas maganda pa sa sikat ng ray!” sabi ko with a wide smile ^____^

“baka naman ray ng sun?”

“bopols! Sikat ng araw pre!”

“hay nako! Ang eengot niyo talaga kahit kelan ” tapos dumating na sina Karen at Deneise.

“teka? Asan si?” napansin ko na wala pa pla si Chad. Haayy.. siya pa naman ang dahilan kung bakit excited akong pumasok ngayon. Haii..

“sinong hinahanap mo Cha? Si Chad noh?”

“huh? Hi-hindi ah!” oh my! Dapat hindi nila mahalata! “bakit ko naman hahanapin yung kumag na yon noh!”

“asus!” nako! Patay! Sinisimulan na akong asarin nina Karen!!

“ui girls!” dumating na si Apple. Awi! Savior kita.

“oh Apple! Morning!”

“girls, tignan niyo toh! Bagong bili ko sa mall” meh pinakita siya sakin na lipstick.

“anung shade yan?”

“mud brown. Ganda niyan! Hindi pakyut yung dating medyo pang mature na elegant. Try mo!” kinuha ko naman yung lipstick saka tinry.

“oh diba girl! Bagay sayo!” uhm. Muka nga. Haha! Hindi ko to aalisin.

“okay class!!” ay dumating na teacher namin!

Nagsibalikan na kami sa kanya kanya naming upuan. Tapos nakita ko din si Chad na pumasok na rin sa room. Aba! At mukang close na agad sila ng boys.

Pagkadating niya sa desk niya. Tumingin siya sakin..

Siguro napansin niya yung lipstick. Bagay sakin. Haha!

“ms! Bakit po may clown tayo sa room?”

“Hahahahahahaha!”

Wha-what?! Clown daw?! Dahuu!??? Aketch?! Langya! Napahiya ako sa buong room! Tignan niyo pati teacher namin natatawa! Err!

--

 Ngayon nasa trono ako at naglalabas ng sama ng loob. Ung sama ng loob sa CHAn at sama ng loob kay CHAd. Oh diba! Bagay! Hmp! Kainis kasi! Lam niyo yun! Excited akong pumasok kasi gusto ko siyang makita. Kaso yun! Pinahiya niya ako sa loob ng room. Kasora lang diba!! Err!

Pagkatapos kong magsession pumunta muna ako sa rooftop para dun makalanghap ng fresh air. At para makaghunos dili kahit papano.

“haaaaayy!!!!!” grabe sarap ng hangin! Lasang air!!!

“ms! Bakit po may clown tayo sa room?”

Err! Ayun nagiba na naman yung mood ko! Tsk! Nako! Kakalimutan ko na yung nangyari kahapon. And I swear! Hindi na dudulas sa isip ko na naging crush ko yung kumag na yon. No way!!!

“maflush kana sana sa toileeeeeet!!!!!!!”

“sinong ifu-flush sa toilet?” nagulat ako nang may biglang may nagsalita. Pagkatalikod ko. Si Chad!!!

“ha-uh uhm.” Teka! Galit nga pla ako dito! “it’s none of your business.”

“nga naman. Sayo nga lang pala yang gross business mo.” Tapos narinig ko siyang nagsmirk. Psh! Bwisit lang!

“cge maiwan na kita jan!!” nilagpasan ko siya at derederecho na sana ako sa paglalakad nang..

“alam mo....

Maganda kana..”

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon