Kabanata 2

8 1 0
                                    

CLOUD' S POV

Dahil  sa sobrang puyat ko sa shooting kahapon ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng sobrang haba. dumating ako ng 2a.m at nakita ko ngayon sa wall clock ko ang tumataginting na Ala singko na ng hapon. Grabe to nakuha kong matulog nang ganun katagal na wala pang kain kain.

"tskk.. makapag padeliver nalang nga."

dinial ko ang number ng fast food na halos suki na ako dahil sa dun ako palagi umuorder ng pagkain.

"hello. I want to order same as what I always ordered. here in Penthouse no.607 in Dingshan building. Yes. Card.. Yes  .. Ok thanks." pag tatapos ko ng usapan binaba ko na agad ang linya at tumayo na para maligo. sakto naman laging dating nun ay 30 minutes. kaya naman bibilisan ko nalang at nagugutom na talaga ako.

nang makahanap na ako ng boxer at sando na gusto kong suotin ay pumasok na ako sa c.r para makaligo na. tulad ng balak ay mabilisang ligo lang at saktong tapos ko ng pagbibihis ay dumating na ang inorder ko.

ding..dong...ding..dong..

kinuha ko muna ang mini towel ko para punasan ang basa ko pang buhok. hindi ko na muna nasuot ang sando dahil parang baliw yung delivery boy ngayon.

ngayon lang ba sya nakapindot ng buzzer para paglaruan nya?! busit!

"andyan na sandali lang!!.."binuksan ko ang pinto.

"ngayon ka lang ba naka.."

para akong tanga na napatigil dahil napako ang mata ko sa nag deliver ng order ko na unti unting nagtanggal ng helmet nya. At laking gulat ko dahil hindi lalaki ang nagdala kundi babae!! hindi si manong ang nagdeliver ngayon?!

"Sir ayos lang kayo?sir!"sabi nya sabay galaw pa ng braso ko. pero para akong tanga na nakatitig pa din sa kanya.

sa sandaling yun mabilis kong nakabisado ang mukha nya.
bilugan na maliit tulad nya, singkit na mata , matangos na ilong na sakto lang sa mukha nya, maliit na bibig at mapulang labi at mapula pulang pisngi dahil sa kaputian nya.

"ang gan..aray!!! ano bang problema mo?!"
buwisit na babaeng to! sinapak ako!hindi sampal kundi sapak sa mukha ang ginawa nya sakin!never in my life na may taong nanakit sakin lalo na sa mukha ko!

"wanna die!! bakit mo ko sinapak!" gigil na sigaw ko sa kanya nakita ko ang panlalaki ng mata nya at ang ilang ulit nyang paglunok. nakatakot na siguro sya.

"hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan sa ginawa mo sa mukha ko! malaki ang mawawala sakin dahil sa ginawa mo!" sigaw kong muli sa kanya.

biglang namula ang mukha nya at naningkit ang mga mata nya.

"ikaw baliw ka ba! ikaw ang pwede kong idemanda! inaabot ko sayo tong pina deliver mo pero ano?! tiningnan mo ko mula ulo hanggang paa tapos naka ganyang ayos ka pa! sino sa tingin mo hindi mananapak sayo!" sigaw nya sakin at turo ng katawan nya

"hah! ang kapal mo rin eh no?! ako mamanyakin ka ang kapal mo talaga! akin na yang order ko!" agaw ko ng pinadeliver ko tapos sasarado ko na sana yung pinto nang iharang nya ang katawan nya sa pinto.

"Aaray!!ano ba buksan mo nga to! naiipit ako ano ba!" sigaw nya muli at inaabot nya ko. pero dahil sa liit nya maiksi ang braso nya.

"Sino ba kasi nagsabi sayong iharang mo katawan mo dyan!umalis ka dyan!" sigaw ko sa kanya pero ang baliw lalong nainis may sayad ata tong babaeng to.

"Paanong di ako haharang dito! wala ka pang bayad na damuho ka!! aray ko ano ba!" na tauhan naman ako sa sinabi nya. oo nga pala hindi ko pa nga pala na su swipe ang card ko.tsk.

tinanggal ko ang bigat sa pinto dahilan para maka wala sya peri ang bwisit na babaeng to!! dumiretso patumba sa harap ko at humawak sa bewang ko bago natumba ng tuluyan kaya ang nangyari ay nahubad nya ang boxer ko!!

paglagpak nya ay agad syang tumingala saka dali daling yumuko.

agad kong sinipa yung braso nya para mabitiwan nya ang boxer ko na nahubo nya at agad na sinuot yun. buti na lamang at may brief ako sa loob ng boxer ko kung wala. kahihiyan talaga nang sobra sobra!!.

" bakit ba napaka malas mo!! tingnan mo ginawa mo! nahubaran mo ko! paano kung wala akong panloob!  lumayas ka na ritong babae ka habang nakakapag timpi pa ako kundi maitatapon kita mula rito pabagsak sa groubd floor nito naiintindihan mo! Labas!" sigaw ko sa kanya at turo ang labas ng pinto.

dali dali syang tumayo  at yumuko sa harap ko pero nakalahad ang kamay.

" Nak nang ano ba!" sigaw kog muli saka ko hinawakan ang batok ko. ke bata ko pa pero aatakihin ata ako ng high blood sa dahil sa malas na babaeng to!.

"yu..yung ba..bayad p..poh.. hindi pa po kayo nag.. ngababayad." sagot nya na nakayuko pa rin.

"lintik! sa dami ng kabulastugan mong ginawa naghanap ka pa talaga ng bayad! " agad kong sinu-wipe yung card ko sa machine sa braso nya at pinirmahan yung resibo.

"sa..salamat po.. sa uulitin po.." sabi pa nya saka nag bow at tumalikod.

"ah anong sa uulitin! mag rereklamo ako kay manong at hindi na ako muling oorder hanggat hindi ka nasisibak sa trabaho mo!Alis!" sigaw ko muli sa kanya.

"wag naman sir bago palang po kasi ako sa trabahong yun.. isa pa po wala akong matutuluyan pag napaalis ako sa pinapasukan ko ngayon." malungkot nyang paliwanag. pero dahil mainit ang ulo ko wala akong pakialam sa sinasabi nya.

"Wa..la a.kong.. pa...ki!!.   lumayas ka na sa kwartong to!" sigaw ko ulit sa kanya at turo sa pinto.

dali  dali syang lumabas at pinulot ang helmet nya.

halos nakalayo na sya sa penthouse ko ng biglang naglabasan mula sa elevator ang nga paparazzi at natigilan sa babaeng dumaan sa kanila na nakatungo bago naka nganga at malaki ang mga matang nakatingin sakin.

buti na lang at nagsarado na ang elevator na sinakyan nya kaya hindi na sya naabutan ng nga ito at pabalik na nakatingin sakin.

Sinara ko kagad ang pinto ng bahay ko bago pa sila makalapit.
mabilis nilang pinindot and doorbell ko. kaya tumawag agad ako ng security na paalisin ang mga paparazzi sa labas.

di nagtagal ay dumating ang mga ito at pinaalis ang lahat. Humingi naman ng tawad sakin ang incharge sa pagpapatakbo ng building at mga securities.

sobrang wala na akong lakas para makipag talo sa kanila dahil s a inubos na ng babaeng busit na yun kaya kinawayan ko nalang sila na umalis na sa harap ko. nag bow muna sila bago umalis sa lugar.

sinara ko ulit ang pinto at napaupo sa couch na katapat ng mini  table ko kung saan ko nailapag ang pagkain na pina deliver ko.

tumingin ako sa wall clock sa taas ng makita ko kung anong oras na.

"7:30pm"  napa buntong hininga nalang ako dahil sa naisip ko kung gaano katagal na pendig ang pagkain ko at kung gaano kahaba ang gulo na nangyari halos dalawang oras lang mula ngayon.

kahit na nawalan ako ng gana ay pinilit kong kumain dahil sa pangangalam ng sikmura ko. isa pa naman ito sa iniiwasan ko. ang malipasan dahil baka maospital nanaman ako pag lumala.

matapos kong maubos ang pagkain ay kumuha ako ng bottled water sa ref. para inumin at ang isa ay para ilagay sa batok ko.

nang omo.k na ang pakiramdam ko ay pumasok na ako sa kwarto ko at humiga para sana matulog ulit pero lintik lang dahil hindi mawala sa isip ko ang hitsura nang babae at kung anong nangyari kanina.

muntikan pa nyang makita ang alaga ko dahil sa katangahan nya. kailangan nyang pagbayaran to.

tumawag ako sa number ni manong at nagfile ng complain sa babae  sya na ang bahala sa babaeng yun.

My Unlucky Lucky GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon