Pretend V

134 8 0
                                    

(Eto po yung nangyari after Jihoon walks out.)

Soonyoung's P.O.V.

Pag kaalis ni Jihoon wala lang akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Bakit pag dating sa kanya napakahina ko. Hindi naman ako ganto dati ah. Lalo na nung nakipag hiwalay sakin si Lee Chan para kay Samuel.

Oo nalungkot ako nun. Umiyak. Pero hindi din nag tagal naging ok ako. Nakalimutan ko na sya. Nakalimutan ko na yung pang iiwan nya sakin.

"Ang tanga mo talaga Soonyoung. Pano kung isipin nyang hindi ka na makapag intay? Baka mainis yon. Tanga mo talaga. Ugh." Sabi ko habang naiyak pa din.

Kaylangan ko syang puntahan. Kaylangan kong humingi ng tawad sa kanya at sabihing kaya ko pag hintay. Nararamdaman kong malapit nya na kong mahalin. Malapit na.

Tumayo ako at aalis na sana upang habulin si Jihoon na may nakita akong gamit na naiwan ni Jihoon. Isang music sheet. Gusto ko sanang basahin kaso nakasulat sya sa Japanese. Nakakaintindi ako ng Japanese pero mag basa hindi. Pero parang hindi sya kanta e. Mukhang letter?

Kinuha ko ito para isauli kay Jihoon pag nag kita na ulit kami kaso nag bell na.

"Badtrip." Bulong ko. Pero makikita ko sa Jihoon. Classmate ko nga pala sya.

Nag mamadali akong tumakbo papunta sa room para makausap ko pa si Jihoon. Kaso pag dating ko sa room wala sya. Wala kong Jihoon na nakita. Asaan sya?

"Mr. Kwon please seat down." Tumango nalang ako.

"Where's Mr. Lee?" Tanong nito. Walang sumagot. "Absent? Well nothing's new." Sabi pa nito. Hindi ito ang unang beses na lumiban ito. Madalas itong hindi pumasok pero nakakahabol pa din siya sa klase. Isa sa mga bagay na hinahangaan ko.

"BTW. Class 2 weeks nalang Foundation week na. At dahil nga ako ang pinaka prof nyo may booth tayong gagawin. So any suggestions?" Tanong nito. Halo halong suggestion ang sinasabi nila.

"Horror Booth!"

"Oh sige ikaw manananggal ha."

"Pakyu."

"Photo Booth!"

"Photographer ka ba?"

"Dedication Booth!"

"Better."

"Wala na ba?" Tanong nanaman ni Ms. Boo. Madaming sumang ayon sa dedication booth para daw hindi na magastos. Papayag na sana si Ms. Boo nung may nag suggest nanaman. Naikinagulat namin.

"Wedding Booth." Sabi nito sabay ngisi. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

Like seriously? Its an all boys school. Sino namang mag papakasal. Well aware naman akong mga protractor na ang mga lalaki dito pero. Ugh basta. Pero kung ako ang tatanungin gusto ko din naman. Atleast kahit dun manlang may chance akong mapakasalan si Jihoon.

"Jun. Seryoso?" Tanong ni Wonwoo kay Jun. Oo si Jun ang nag suggest non.

"Oo. Why not? Dun na lalabas yung mga protractor na lalaki dito sa school." Sabi nito. "Tsaka gusto ko na din kasing mapakasalan si Minghao kahit dun manlang." Dagdag pa nito kaya inasar sya ng mga kaklase namin. Napangiti nalang ako dahil parehas kami ng gustong mangyari.

Pretend ⛔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon