Chapter 1

48 2 0
                                    

Sophia

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ng marinig ko ang sunod sunod na katok na nagmumula sa pinto ng kwarto ko. 

Nag-unat ako habang kinukuskos ang mata kong clouded parin. 

"Sophia baby? Malilate kana! Bumangon ka na dyan. Ikaw na lang ang hinihintay!" sigaw ni mama.

"Opo, andyan na!"

Agad akong dumiretso sa bathroom upang maghanda. Ng matapos ay agad akong bumaba sa dining kung saan naroon ang buong pamilya ko. Si mama na nagluluto, si papa na nagbabasa ng dyaryo at..... si kuya na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa'kin! 

"Oh anong tingin yan?" salubong ko na nakaagaw naman ng kanilang atensyon. Hindi man lang nagbago ang tingin nya bagkus ay inismiran lang ako. What is his problem? Ke aga-aga, jusme. 

Napailing na lamang ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.  

"Ma, Pa, alis na po 'ko bye." dirediretso at walang kwentang sabi ng kuya ko. Robot lang?

"Uy teka hindi pa ko tapos!" 

"Maglakad ka nalang." ( -,-) <-- sya.

"Waaaaaa! Ayoko nga! Papa oh!" kunot noo at nakasimangot akong lumingon kay papa na nagbabasa ng dyaryo. Nagpapaawa.

"Isabay mo na ang kapatid mo Zachary, mal-late na rin ito. Ikaw naman Sophia, bilisan mo ang kilos mo." walang tinging gatol ni papa.

"Opo." binilisan ko ang pagkain at tsaka nagpaalam kila mama. Sumunod ako sa labas at laking gulat ko nang makitang naghihintay pa rin sya. Usually kasi hindi naman yan sya naghihintay sakin kahit na sabihin ni papa. 

"Oh? Ano na namang tingin yan Zach?" sita ko sa nanlilisik nyang mga mata. Ang cute nya lang.

"Tss." angil nya at saka ako tinalikuran at walang ano anong sumakay na lang sa kotse. Tumakbo ako dahil inistart nya na ang makina, mahirap na't mamaya patakbuhin nya na edi naiwan pa 'ko. hays!

Habang nagb-byahe ay sa daan lang ako nakatingin pero damang dama at ramdam na ramdam ko ang matatalim na titig nya sa akin. Ugh, ano na naman ba? 

"Hoy ako Zachary Strafford hindi na natutuwa ah. Ano na namang klaseng tingin yan? Tigil tigilan mo ko para kang baliw! Ano ba kasing problema mo ha?" nakasimangot kong turo sa kanya.

"Tsk!" hindi nya sinagot ang tanong ko at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho. Ah ganon?

"A-a-araaaaaaay! Aray aray! Ano ba!?" gumewang saglit ang kotse bago nya itinabi at saka muling nanlilisik ang mga matang matalim na tumingin sa akin.

"Hoy ano ka ba!? Masakit yun ah! Pwede tayong mabangga nababaliw ka na ba!?" 

Napaiwas ako sa lakas ng boses nya. Oops!

"Eh ano ba kasi yang inaarte arte mo ha!? Inaano kaba?" sigaw ko pabalik!

"Tss!" Inayos nya ang kwelyo at damit nya tsaka muling ini-straight ang likod sa upuan at muling inistart ang kotse. "Wala naman." 

"WHAT THE HELL!?" nanlalaki ang matang tumingin ako sa kanya!

"Tumahimik ka nga dyan masyado kang madada. Wag kang lalapit sakin sa school, baka maturn off yung mga chicks ko pag nalaman nilang kapatid kita." -,-

"Ha! Ang kapal! Hmp!" nagcross arms ako at tumingin sa kabilang side ng nakasimangot!

Oo na, sabihin na nating maitsura ang kapatid ko and in fact, isa sya sa mga sikat na schoolboys doon na pinapangarap ng karamihan. Tsh! Pero kahit naman lagi kaming nagbabangayan, nag-aasaran at nagsusuntukan nitong kapatid ko ay alam ko namang may paki parin sya sa akin. Nalaman ko kasing sya pala ang dahilan kung bakit walang lumalapit saking lalaki sa school. Yun pala'y dahil tine-threaten nya ang mga ito. Psh! Masyadong protective salbahis naman! -.- 

My Gangster Boyfriend [ON-GOING]Where stories live. Discover now