Jared's POV
Me and Eiko are guarding Lhesli... And she's here at her place...the Lake owned by their family...
Andito lang kami sa mejo malayo ni Eiko pinapanuod siyang nag sa shadow boxing..Baka kasi kapag lumapit ako suntukin pa ako..haha
"Eiko. Lapitan mo kaya..." sabi ko pa kay Eiko
She then looked at me..Pero yung tingin ni Eiko parang sinasabi na ako nalang kaya ang pumunta...hehe
"Ayaw ko, baka sapukin ako..." sabi ko pa
Nagkibit balikat naman si Eiko na para bang sinasabing baka siya din sapukin..haha
"Ano ka ba, kaibigan ka nun." Tapik ko pa sa kanya
Tinitigan niya naman ako na para bang sinasabing... ako ang bestfriend ni Lhesli..haist..
"Alam mo namang magka away kami di ba?" balik na sabi ko sa kanya
Nakipagtitigan nalang din siya sa akin...
Ewan ko din ba kung pano kami nagka intindihan ni Eiko nang wala siyang sinasabi..haha..Pero heto na ako..
Natalo sa pagtititigan...At papalapit na kay Lhesli..haist...
"Lhe—" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay
BLAG
ARUUUUUY!
"OUCH! ARGH!" sabi ko nang humarap sa akin si Lhesli at binalibag lang naman ako...
AISH! I forgot not to scare her kapag nasa mahabang pag-iisip siya..haist..
"Anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong niya
"Nandito ako para mabugbog mo." Busangot ko
Akmang susuntukin niya naman ako nang...
"Joke lang! Ano ka ba...haha. Pinasusundan ka ni Aiz. May pa walk out effect ka pa kasi daw nalalaman." Sabi ko at naupo sa damuhan
Tinaasan niya ako ng kilay...
"Alam mong ayaw kong binabantayan ako di ba?" tanong niya
"Alam ko, kaya nga nilapitan kita dahil hindi kita babantayan pero, kakausapin kita. Bilang isang DR.LOVE." tango tango ko
"Pingasasabi mo?" kunot noong tanong niya at umupo
"Sinabi ko naman sayo di ba? Gusto mo si Kurt at kita mo naman.. Napa amin ka na kahapon. Na gusto mo si Kurt..." panimula ko
"Wala akong sinasabing ganyan..." pag deny niya pa..
"WEW! I heard it. Sabi mo "SABI KO GUSTO KO NA SI KURT!" " panggagaya ko sa ginawa niya kahapon
Lumaki bigla mata niya... At sabay iwas ng tingin...
"Hai naku Lhesli. Sa lahat ng tao..Ba't si Kurt?" tanong ko pa bigla
Tahimik lang siya at di na nagsalita...
"Ganito nalang.... Ba't mo hinayaang magkagusto ka sa kanya? Kaya mong iwasan yun alam ko...Pero ba't mo hinyaan ang sarili mong ...mapalapit sa kanya? Bakit sa kanya?" tanong ko
"Ba't ba ang dami mong tanong? At ba't mo ba ako kina kausap. Hindi ko kailangan ang tulong mo." Irap niya
"Hindi nga ba?" panunudyo ko
Natahimik na naman siya bigla...
"Ano bang matutulong mo sa akin?" she sighed and asked...
"Ano bang gumugulo sa iyo?" tanong ko naman
BINABASA MO ANG
13th of Underworld (Underworld Series Book 1)
Teen FictionGangster? Gangster ang mommy at daddy ko noon. Sila ang tinaguriang pinakamalakas at pinakamataas sa isang organisasyon. Ang orginasisasyong ito ang nagpapatakbo at namumuno sa halos lahat ng gang sa buong bansa. Sila rin ang nagpapanatili ng kapay...