"So, tapos na talaga ang punishment mo?" Napailing na lang ako. Ilang beses na ba niyang natanong 'yan?"Oo nga, kaya nga papasok na ko sa Dethon diba?"
"Yeah at sana last mo na 'yon." Agad akong napatango. Ayoko na talagang pag-usapan ang tungkol doon.
"Bakit pala hindi mo ko binibisita doon?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Uhm...busy." Kumunot ang noo ko at nilingon siya. Kita ko sa mukha niya na parang hindi siya mapalagay.
"Nagseseryoso ka na ngayon?" Natatawa kong saad dahilan para sumimangot siya.
"Whatever."
"Bakit? Puro reklamo kaya ang Teacher sayo." Asar ko pa na mas lalo niyang kinasimangot.
"Sinabi ko bang sa pag-aaral?" Natigilan ako at tinignan siya ng nalilito.
"Eh saan ka busy?" Nagkibit balikat siya at ngumiti ng nakakaloko.
"Whole!" Saway ko. Bigla akong na curios! Don't tell me sa babae? Posible!
"Nandito na tayo." Saad niya at tinigil na ang sasakyan. Sumulyap ako sa labas bago muling ibalik ang tingin sakanya.
"Ang daya mo! Pasalamat ka late na ko!" Iiling-iling kong sabi habang tinatanggal ang aking seatbelt.
"Next time." Pahabol niyang saad bago ko isara ang pinto.
Sinimangutan ko lang siya. Nawala lang ako ng ilang linggo hindi na nagkukwento sakin! Gahd! Curious talaga ako e! Alam kong hindi naman siya tulad ng kuya niyang matino na si Kuya Half. Medyo may pagka-playboy kasi 'to si Whole. I mean! Playboy pala talaga dahil minsan niya na kong ginamit para makipag-break sa babae. Swear! Awang awa ako. At ang malaman na mag-seryoso siya? Wow.
Nawala naman ako sa pag-iisip na 'yon ng makapasok ako sa Dethon University. Ganon pa rin siya halos walang pinagbago. Kahit ang mga tingin sakin ng estudyante ay hindi nabago. Napayuko na lang ako.
1st year college na ko at simula ng mangyayari ang trahedyang 'yon dala dala ko na siya sa pang-araw araw kong buhay kaya bakit hindi pa ako masasanay? Pero minsan masakit isipin na walang may gusto sayo but yeah this is my punishment. Forever.
Katulad ng dating nangyayari naging tahimik ang buong araw ko sa eskwelahan. Sinundo ulit ako ni Whole ng mag-uwian at kinulit ko siya tungkol sa naging pag-uusap namin noong umaga kaya lang ayaw niya talagang sabihin! Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala parin siyang sagot kaya pinabayaan ko na. Baka hindi pa siya ready or hindi pa masyadong sigurado? I don't know.
Sa paglipas ng araw halos ganon lang ang nangyayari, bahay at school lang ako. Sa pagdating naman ng Sabado nagpahinga lang ako dahil sa pagod sa mga ginagawa sa school at ng dumating naman ang Linggo ay nag-simba lang kami nila Mommy at Daddy.
Tuwing gabi naman ay hindi ko mapigilang isipin si Trevor. Pano kaya kung hindi ako umalis ng Wilton University? Pano kaya kung kinausap ko siya? But I'm scared, natatakot akong siya na ang magpaalis sakin sa eskwelahan na 'yon at marinig ang hindi dapat marinig dahil sa mga oras na 'to halos konting pag-asa na lang ang kinakapitan ko.
Alam kong may mga bagay pang mas importante bukod dito.Kung gagawin talaga ni Lara ang lahat just to win his heart then hindi na ko mangingialam dahil bakit ako lalaban kung alam kong wala naman siyang nararamdaman para sakin. It's useless.
I broke the rule for him. Dati, but this time hindi na.
"Excuse po kay Charm Kirsten Cruise." Natigilan ako sa pagsusulat at tumingin sa pinto ng aming room. Nakatayo doon ang Student Council President.
Pumayag ang professor kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa President.
"Bakit daw?" Tanong ko dito habang tinatahak namin ang daan patungong principal office.
Nagkibit balikat siya at parang may malalim din na iniisip.
"Baka may ginawa ka na namang kung ano?" Mabilis akong umiling sa sinabi niyang iyon.
"Wala akong ginagawa na kalokohan at kailanman hindi na ko gagawa." Sagot ko habang nanliit ang mata niya sakin dahilan para medyo mapalayo ako sakanya.
"Sigurado ka? Hmmm." Tanong niya na parang hindi naniniwala sakin. Napaiwas na lang ako ng tingin.
"Yes..." Mahina kong saad at alam kong dinig ang lungkot doon. Ilang minuto namang katahimikan ang pumigitna samin.
"I don't believe you." Sabi niya nang tumigil kami sa harap ng office. Nilingon ko siya.
"Yes, may mga bagay na ayaw na nating ulitin but what will you do if destiny want it again?"
BINABASA MO ANG
Wilton University: A Rule Is A Rule [Completed]
Teen FictionNew Owner? Ibig sabihin ba nito New Wilton na rin? Of course not! Still Girls are not allowed and that's the rule! But there's an exception in every rule right? Charm Kirsten Cruise has no friends because of her past pero 'past' na nga diba? Bakit h...