The Meeting

74 6 3
                                    

7 pm. Sa tambayan makikita doon sina Mr. Zarate, Mr. Alcala, Mr. Gonzales, Mr. Gomez at Mr. Canes.

“Ngayong kumpleto na tayo, simulan na natin ang pagpupulong ng Mandaraog.” Panimula ni Mr. Zarate.

“Tungkol saan ba ang paguusapan natin James?” tanong ni Mr. Canes.

“Jeffrey, Natatandaan nyo pa ba ang huling case na hinawakan ng grupo natin?” Tanong ni James kay Jeffrey.

“That was 15 or 18 years ago? The Rona Valdez incident tama ba?” sagot ni Lito.

“Teka konektado ba ito sa nangyari sa anak ko James?” tanong ni Wally.

“Lahat ng sagot sa tanong nyo ay oo.” Sagot ni James.

Itapon sa lamesa ang I.d. na nakuha niya sa kalansay kanina sa may school garden.. Nagitla ang lahat sa nakita’t nalaman. Hinihintay nila ang susunod na mga sasabihin ni James sa kanila.

“Ang i.d. na yan ay nakuha sa nahukay na kalansay ng isang babae sa school garden kaninang umaga.” Nakatitig na sabi sa kanila ni James.

“Hindi ba’t ikaw pa ang sumama sa bangkay noon ni Rona sa morgue?” Tanong ni Jeffrey kay James.

“Alam ko ang ginawa ko noon at nakita Jeff. Kaya nga nagtataka ako kung bakit andun ang i.d. ni Rona sa nahukay na kalansay.” Sagot ni James.

“Andun ka ba nung nahukay ang bangkay James?” tanong ni Lito. “wala. Kakatapos ko lang kausapin ang anak ni Wally sa opisina ko ng matanggap ko ang balita mula sa assistant ko.” Sagot nito kay Lito.

“Baka may naglagay niyan sa nahukay na kalansay james.” Suhestyon ni Wally.

“Kung iyon ang nangyari mas nakakatakot ang problema natin ngayon mga kasama, naiintindihan nyo ba ang magiging sitwasyon?” nagsisimula ng mag alala ni Jeffrey.

“Kung ganun sayang lang ang inilagi ko sa america.” Turan ni Lito.

“Pero maayos naman ang pagkakagawa natin doon noon hindi ba?” paniguro ni Wally.

“May hindi tama sa nangyayari ngayon. Una ang pagpaparamdaman sa anak mo Wally, pangalawa etong kalansay na nahukay na may I.d. ni Rona.” Nag aalalang sabi ni James.

“Sandali lang mga kasama.. ang bracelet! asan ang bracelet?” Tanong ni Lito.

“Anong bracelet ang sinasabi mo Lito?” tanong naman ni Jeff.

“kung natatandaan nyo, ang bangkay ni Rona ay may bracelet.” paalala ni Lito sa mga kasama.

“Tama ka Lito. Nakita mo ba ang bracelet James noong dinala ninyo sa morgue ang katawan ni Rona?” tanong ni Wally kay James.

Nag isip si James ng matagal.

Inalala niya ang mga pangyayari noon.

“Shit! Hindi ko maalala!” sagot ni James.

Nasa gitna sila ng pag uusap ng biglang lumagabog ang pinto at bumukas!

“blagag!” nagulat ang lahat at napatingin sa pintuan. Hindi lahat makapaniwala sa kanilang nakita!

Samantala sa bahay nila Roger, tahimik na nag tititigan ang magkakaibigan. Ang takot na bumalot sa kanilang mga katawan ay tila ayaw pang kumawala sa kanila.

“Okay guys I think we need a drink.” Suhestiyon ni Roger.

“Bro make mine stronger.” Sabi ni Mark.

“Good idea, Kami din.” Si Joyce na nanginginig pa sa takot ang boses.

Tinungo na ni Roger ang kanilang mini bar at kumuha ng Brandy. Habang ang tatlo naman ay naiwan sa gilid ng pool. Bumalik na si Roger sa kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan na may dalang alak, yelo at apat na baso. Sinalinan niya sila ng alak sa basong hawak nila at umupo na sa kanyang upuan.

“Guys kailangan nating malaman ang totoo sa campus natin.” Unang salita ni Roger para mabasag ang katahimikan.

“I agree, ayoko nang maulit ang nangyari sa amin ni Joyce kanina sa cr ng mga babae.” At uminom ng alak si Loren upang humupa ang takot na kanyang nararamdaman mula kanina.

“So tell us your plan Mark.” Nanginginig na tinig ni Joyce.

Uminom muna ng alak si Mark. Inubos niya ang isinalin sa kanya ni Roger. Inabot niya ang bote ng alak at pinuno ang kanyang baso.

“May nabanggit sa akin dati noong bata pa ako ang isang nagtratrabaho sa campus dati noong ginagawa pa ito. Isang kwento ng babaeng namatay sa school natin dati noong hindi pa siya University of San Joaquin.” Tumigil muna ito sa pag salita upang uminom ng alak niya.

Medyo kalmado na siya ngayon.

“Ang pangalan niya ay Conrado. Taga dito lang siya sa San joaquin. Hahanapin natin siya upang makatulong sa atin. Hindi niya natapos ang kwento niya dahil biglang dumating si papa at inutusan siya noon.” Pagtatapos ng binata.

“Kung iisipin nyo, kahit ang mga taga dito ay hindi na nababanggit ang dating pangalan ng school natin. Something is really weird here.” Si Joyce habang naimon ng alak.

“So I think lets get moving, puntahan na natin si Conrado para malaman na natin ang katotohanan.” Suhestiyon ni Roger.

“Ok. Pero this time sasakyan ko na lang ang gamitin natin. Mas malaki ito at mas kasya tayong apat. Isa pa may idea ako kung saan tayo pwedeng magsimula sa pag hahanap kay Conrado.”suhestiyon ni Mark.

Tumango ang tatlo niyang kaibigan at inubos ang kanilang mga alak. Nang maubos na nila iyon ay nagpuntahan na sila sa sasakyan ni Mark. Lumipas ang ilang sandali at natuntun na nila ang bahay ng ama ni Conrado.

“Guys dyan na muna kayo. Ako na muna ang bababa.” Utos ni Mark sa kanyang mga kasama.

Pumayag naman sila at bumaba na si Mark sa sasakyan. Kumatok ito sa pintuan ng bahay. Isang matandang lalaki ang nag bukas ng pinto.

“Magandang gabi po. Ako po si Mark Gonzales, pwede ko po bang makausap si Conrado?” tanong nito sa matandang lalaki.

Tinignan siya nito at ang mga kasama niya sa sasakyan. Tila nahulaan nito ang iniasta ng matandang lalaki.

“ Mga kaklase ko po sila. Sandali lang po at tatawagin ko po sila.” Sabay sinenyasan niya ang mga kasama na bumaba na sa sasakyan at pumunta na sa kanya.

Tumalima naman ang mga ito at ipinakilala sila ni Loren sa matandang lalaki.

“ako po si Loren, siya po si Joyce at siya naman po si Roger.” Pakilala ng dalaga sa kanyang mga kaibigan sa kausap na matanda. Nagmano ang mga ito tanda ng kanilang pag galang sa matanda. Isang magandang ngiti ang iginanti ng matanda sa kanila.

“tuloy kayo at umopo muna. Pasensya na kayo sa bahay namin at maliit lang.” paanyaya sa kanila ng matanda.

Pumasok naman sila at umopo. Isinara na ng matanda ang pinto ng bahay niya. Nag paalam ang matanda sa kanila at tinungo nito ang kanilang kusina. pinagtimpla sila nito ng kape. Pagkatapos nitong mag timpla ng kape ay lumabas ito ng kusina dala ang kanilang mga kape at ibinigay ng matanda ito sa kanila. Pag katapos niyang ibigay iyon sa magkakaibigan ay umopo na ito sa harapan nila.

“Pasensya na kayo at ito lang ang maiaalok ko sa inyo. Siyangapala ano ba ang kailangan ninyo sa anak kong si Conrado?” tanong ng matanda sa kanila.

“May sadya ho kasi kami sa kanya tungkol sa University of San Joaquin.” Sagot ni Mark sa matanda.

“Ah.. natatandaan ko na. Patay na kasi ang aking Conrado.” Malungkot na sabi ng matanda.

“Napagkamalang adik ng mga pulis. Alam mo naman ang panahon ngayon di na ata uso ang huli huli at kulong. Papatayin ka na lang agad. Pag nagkamali sorry na lang.” himutok ng matanda. Mababakas sa mga mata nito ang poot at lungkot sa sinapit ng anak. Tahimik na ininom ng mgakakaibigan ang kapeng binigay ng matanda. Maski sila ay nalungkot sa sinabi ng matanda sa kanila.

“I’m sorry to hear that lo..” malungkot na sabi ni Mark sa matanda.

“Sobra na po talaga ang panahon ngayon. Halos wala na pong Human Rights.” Dugtong ni Loren.

Lahat sila ay ipinaramdam ang pakikiramay sa matanda. Nagbuntong hininga ang matanda at nagpasalamat sa magkakaibigan.

“Noong nabubuhay pa siya ay may nasabi siya sa akin na darating ka nga daw dito isang araw para sa tinatanong mo sa kanya. May ibinilin siya sa akin dati. Sandali lang ah.” At tumayo ang matanda at tinungo ang kwarto niya.

Tahimik na nag kape ang apat na magkakasama. Ilang sandali pa at bumalik na ito sa kanila.iniabot ang isang papel kay Mark.

“ eto ang pinabibigay niya.” Kinuha ito ni Mark at binuksan.

Isang pangalan ang nakasulat dito. Amando Reticulo. Naguluhan sila. Sino itong taong ito. “Manong, sino po itong Amando Reticulo? Alam nyo po ba kung saan ito nakatira at papaano pumunta doon?” Tanong ni Mark.

“Ah.. si Amando, ang aking kaibigan. Diretsuhin mo lang ang kalsada mula sa amin. Kumanan ka, pag narating mo na dulo ng sementadong kalsada makikita mo na ang bahay niya.” Sagot ng matanda sa binata.

“Maraming salamat po manong. At sorry po sa pagkamatay ng anak ninyo. Condolence po.” At nag paalam na ang magkakasama sa matandang lalaki.

Tinungo na nila ang bahay ni Amando. Nang marating nila ang dulo ng kalsadang sementado ay lumakad pa sila hanggang makarating sa bahay ni Amando. Pag dating nila doon ay isang matandang lalaki ang nag aabang sa kanila.

“Pasok kayo. Tuloy tuloy..” panyaya sa kanila ng matandang lalaki.

Nagtataka man sa ginawa ng matanda ay sumunod sila dito pumasok sa bahay ng matanda. Pinaupo sila ng matanda. Nang makaupo na sila ay kinausap na sila ni Mang Amando.

“Alam kong darating kayong apat dito sa akin.” Misteryosong sabi sa kanila ng matandang lalaki.

“Ako si Amando Reticulo. Alam kong marami kayong tanong tungkol sa mga kababalaghan sa eskwelahan ninyo. Ang kasagutan sa tanong ninyo ay makikita ninyo sa lumang kapilya ng San Joaquin. Sa dulo ng Hacienda ninyo Loren.” Nagulat ang dalaga dahil killa siya nito.

“May kampanaryo doon. Pumasok kayo doon at makikita ninyo ang silid doon. Hindi ko maaring sabihin sa inyo ang kasagutan sa tanong ninyo dahil baka lalo pa kayong maguluhan. Pumunta na lamang kayo doon. At nawa’y pag palain kayo ni bathala.” Sabay talikod sa kanila ni Amando.

Pumasok na ito sa kwarto niya at nagpahinga. Tulalang nagugulamihan ang magkakaibigan. Nagtataka man ay sinunod nila ang bilin ng matanda. Madaming bagay ang naglalaro sa isipan nila. Mga katanungang naghahanap ng kasagutan. Ilang sandali pa ang lumipas at dumating na sila sa sinasabi ni Amando. Pumasok sila sa lumang kapilya at pinuntahan ang silid sa lumang kampanaryo. Nagtaka sila dahil sira ang pintuan niyon. Pinasok nila ito at nagulat sila sa tumambad sa kanilang harapan. Mga duguang katawan ng kanilang mga Ama ang sa kanila’y sumalubong doon!

“Papa!!!” sigaw ni Loren habang niyayakap ang katawan ng tatay nito.

Umiiyak naman na tinungo ni Joyce ang katawan ng ama niya. Gayundin sina Mark at Roger. Nag iiyakan sila ng makarinig sila ng ungol sa isang sulok ng kwarto. Pinuntahan ito ni Roger. Nakita niya si Mr. Zarate na nag aagaw buhay. Sumenyas ito kay Roger na lumapit sa kanya. Tila may gusto itong sabihin sa kanya. Lumapit ang binata at inilapit ang tenga sa bibig ni Mr. Zarate upang marinig niya ng maigi ang sasabihin ng nag aagaw buhay na dean.

“wala ng panahon… sa.. pag.. iyak.. sa… git..na.. ng lamesa… may susi… sa… li..him.. na.. silid… gwaak..” pagkawika niyon ay sabay nalagutan na din ng hininga si Mr. Zarate.

“Guys! Tama na yan!” siwata ni Roger sa mga kasama.

Pinunasan ng binata ang kanyang mga luha. Nagtinginan sa kanya ang mga kaibigan. Nag punas din ang mga iyon ng kanilang luha. Pagkatapos ay tumayo’t lumapit sa kanya. punong puno ng galit at emosyon ang mga mata nila. Lumapit si Roger sa lamesa. Pinindot ang isang button doon, bumukas ang isang lihim na pinto. Pumasok doon ang mag kakaibigan. Namangha sila sa laki ng kwarto na iyon. Tila isa itong museum at library. Madaming mga artifacts ang makikita doon at mga libro. Naghiwa hiwalay ang mag kakaibigan. Nag hahanap at tumitingin ng mga maaring makatulong sa kanila. Si Roger ay pumunta sa isang steel cabinet doon. Mga case files ang nakita niya roon. Naghalungkat siya doon at nakita niya ang isang file. Ang naka lagay ay Rona Valdez. Kinuha niya iyon at tinawag ang mga kaibigan.

“Guys! I think nakita ko na ang hinahanap natin. Guys!” tawag ni Roger sa mga kaibigan.

Naglapitan ang mga ito sa kanya at sinimulan nilang basahin ang nakasulat sa file na iyon.

Samantala, sa Bahay ni Amador, May bisita itong dumating. Kakaibang kilabot ang dala niyon. Ang simoy ng hangin ay tila nag amoy kamatayan. Naramdaman iyon ng nag papahingang matanda. Hindi na niya ito hinarap. Nakangiti itong nag wika sa nilalang na pumunta sa kanya. 

“Panahon na ng mga bagong sibol na halaman. Ang mga puno ay puputulin na. pero ang ugat nito ay malalim at hindi mo mapapatay kailanman.” Ito ang mga huling kataga ni Amador hanggang sa gumulong ang ulo nito sa sahig.

Pagkatapos niyon ay umalis na ang nilalang sa bahay ni Amador. Tila ba alam nito ang susunod na pupuntahan.

MandaraogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon