Chapter 17

841 45 0
                                    


JODIE

Habang kami ay naglalakad ay nauuna sila ni Kayako at nakasunod na lamang ako sa kanilang likuran.

"Onakasiteru! Nagugutom na ako!" Bulalas na sabi ko sa sobrang gutom.

May kinuha sa loob ng bag si Kayako, may dala syang obento box, sandwich at juice,

"Kainin nyo ito."

"Saan mo nakuha yan?"

"Baon ko yan kayalang hindi ko nakain."

Sa sobrang gutom namin ni Shintaro ay pinaghaitan namin ito.
Nakaramdam kami ng panibagong lakas at salamat ay nakakain kami kahit kaunti lang.
Salamat kay Kayako. Nagpatuloy kami maglakad.

"Shintaro, lakad tayo ng lakad wala naman tayong pupuntahan?" Sabi ko sa kanya.

"Kailangan natin makita si Shizuko, para maka alis na tayo dito."

May nakita kaming coffee shop, pumasok kami sa loob nito at naaamoy namin ang aroma ng masarap na kape, naglalaway kami na gusto naming uminom ngunit kailangan naming tiisin.May mga taong mga walang mukha sa loob at sila ay nakaupo lamang at umiinom ng kape, kahit wala silang bibig ay nakikita naming naiinom nila ito, ngunit di na kami nagtataka.

Naupo kami sa bakanteng lamesa na may dalawa na upuan at doon kami ay nagpahinga.

Magkatabi si Shintaro at Kayako sa isang upuan na medyo mahaba, pandalawang tao ang pwedeng umupo sa bawat upuan, nakadikit si Kayako kay Shintaro, at nakikita ko na parang gusto rin sya ni Shintaro at sila ay nag uusap na parang walang masamang nangyayari, at nag iisa ako nakaupo sa kanilang harapan, nakapangalumbaba ako habang nagmamasid sa aking paligid, nakikita ko sa labas ng salamin na ding ding ang mga taong naglalakad na mga walang mukha. Maya maya ay may lumapit sa amin na isang walang mukha na lalaking waiter, may dala syang tatlong tasa ng kape at tatlong slice na cake at clubhouse sandwich na nakalagay sa tray, at inilapag sa lamesa, at ng nailapag sa aming lamesa ay nagbalik ang aming takot. Natatakam kami sa inihain sa amin ngunit tiniis namin ito na hindi kainin.

"Hindi natin pwedeng kainin at inumin ito." sabi ko.

"Pero gusto kong inumin ang coffee mukhang napakasarap nyan." Sabi naman ni Kayako.

"Huwag! hindi pwede! baka magaya tayo kina Reika at Yuki." Bulalas na sabi ni Shintaro.

"Ano ba kayo! binigay sa atin ito, kaya ok lang natin kainin at inumin ang mga ito." Sabi ni Kayako.
At biglang sinubo nya ang cake.Natakot kami sa kanyang ginawa ngunit di na namin sya napigilan.

"Wow ang sarap!" At masaya nyang kinakain ang cake at ininom naman nya ang coffee.

Nakatingin lamang kami kay Kayako at natatakot kami sa maaaring masamang mangyari sa kanya.Ngunit nag eenjoy lamang sya sa kanyang kinakain.
Nakita kong naglalaway si Shintaro ng nakita nyang masarap na kumakain si Kayako at walang nangyayaring masama sa kanya.

"Tama si Kayako, binigay nila ito kaya dapat nating kainin." Sabi ni Shintaro at sinubo nya ang cake.

"Pero baka masama!" Sabi ko.

"Hindi mo ba naiisip na kaya may nangyaring masama sa mga kasama natin dahil kinain nila ang pagkainn ng walang pahintulot at kinuha nila ang mga bagay na walang paalam, ito ay binigay sa atin kaya ok lang nating kainin ito." Masayang sabi ni Shintaro habang ininom naman nya ang kape, at doon ko napagtanto na tama nga ang sinasabi ni Shintaro kaya sa sobrang gutom ko ay kumain na rin ako, nakaramdam ako ng labis na ginhawa habang kinakain ko ang cake at ang clubhouse sandwich.

"Ang galing mo talaga Kayako, ikaw ang nagpamulat sa akin, sa wakas makakakain na tayo, salamat sayo!" Masayang sabi ni Shintaro kay Kayako.

Nginitian naman sya ng matatamis na ngiti ni Kayako.
Nakaramdam na naman ako ng pagka insecure dahil bakit di ko agad naisip iyon at si Kayako pa ang unang nakaisip, pero wala na akong magagawa dahil tanga ako, hindi namin agad naisip ni Shintaro yon.

Matapos namin kumain ay tumayo na kami at nagpasalamat sa waiter na nagbigay sa amin.
Yumuko sya sa amin , kahit wala syang mukha ay naramdaman namin na tinatanggap nya ang aming pasasalamat, kami ay lumabas na ng coffee shop at nabawasan na ang aming takot. Nakita kong magkahawak na ng kamay si Kayako at Shintaro.

"Anata umai ne, ang galing mo Kayako!" Sabi ni Shintaro sa kanya.

Naglakad lakad kami at bahagyang nawawala na ang takot namin sa mga taong mga walang mukha na aming nakikita.

Nagpunta kami sa isang park at doon nagpahinga.

"Saan kaya natin makikita ang babae na yun?" Sabi ni Shintaro.

"Kailangan maibigay natin ang picture sa tamang babae, dahil pag nagkamali tayo ay paulit-ulit na babalik tayo dito at di na tayo makakaligtas." Sabi ni Kayako.

Nagulat kami ni Shintaro sa kanyang sinabi.

"Bakit mo alam?" Tanong ko sa kanya.

"Nakita ko si Jiro bago ako napunta dito at sinabi nyang nauulit daw ang mga pangyayari,
Pero nakaligtas na sya."

Namangha kami sa kanyang sinabi.

"Kaya pala biglang nawala si Jiro, papano sya nakaligtas?"

"Nung una ay sa maling tao nya naibigay ang picture kaya nung nakabalik sya sa bahay nila ay naulit-ulit ang lahat, sinabi nyang sinubukan nyang baguhin ngunit kahit ano ang kanyang gawin ay nakatakda ang pagbabalik nya dito at di na ito mapipigilan, at nung nakabalik sya muli dito ay hinanap nya ang totoong babae na kanyang pagbibigyan ng picture, at yun tumama sya, naibigay nya ang picture sa tamang babae, at nakaligtas na sya, kaya lang wala syang magagawa para sa akin, nakita ko ang picture kaya nandito ako, tinuro na lamang nya sa akin ang aking gagawin para makaligtas."

"Ibig sabihin sila Eriko at Kenji ay nakabalik na rin sa kanilang bahay?"

"Malamang! kaya nakikita natin na doble-doble sila, dahil nagpapabalik-balik pa rin sila dito." Sabi naman ni Shintaro.

"Tama kaya sila nagpapabalik-balik ay dahil sa maling babae nila naibibigay ang picture !" Sabi naman ni Kayako.

"Ibig sabihin habang bumabalik dito ay nadodoble din ang pagkatao." Tanong ko naman.

"Oo, ngunit magbabalik din sa normal kapag makakaligtas!" Sabi ni Kayako.

"Kung ganon sino kaya ang tamang babae na pagbibigyan natin nito, Shizuko ang pangalan nya pero mga walang mukha ang mga tao dito nakakalito." Nanlulumong sabi ko.

"Yung babaeng nakita namin kanina yung naka kimono baka si Shizuko yun, sigurado ako." Sabi naman ni Shintaro.

"Huwag kayong magkakamali dahil kapag nagkamali kayo ng tatlong beses ay di na kayo makakaligtas, magpapauli-ulit lamang ang lahat ng araw na yon at di na kayo makakaalis sa araw na iyon at mawawala na kayo sa inyong mga sarili."

Kinilabutan ako sa sinabi ni Kayako, tama sya nakita ko ng ilang beses si Eriko , marami na sila ganon din si Kenjie at wala na sila sa kanilang mga sarili, siguro tatlong beses na silang nagkamali kaya paulit-ulit na lamang ang kanilang ginagawa.

"Kailangan nating mag ingat!" Sabi ni Kayako.

"Kaya pala wala ang pangalan ni Jiro sa dyaryo dahil sya lang ang nakaligtas, papano tayo nakasulat tayo doon?"

"Mabubura yon kapag naka alis tayo dito.!" Sabi ni Kayako.

Author's Note: My wish! Please don't forget to vote! Thank you 😃 Just hit the yellow star!

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon