UW - 16

4.3K 85 31
                                    

"Hi Anak.." nanlaki ang mata ni Julie ng dumalaw ang ina ni Elmo sa tinitirhan nila.

"W..Wala po si Elmo dito.. nasa t..trabaho po.." nakayukong sagot naman ni Julie at nilakihan ang bukas ng pinto. Agad namang ngumiti ang ginang at pumasok sa bahay nila ni Elmo at hinila din siya papasok.

"Ikaw naman hija.. ikaw ng dinadalaw ko.." ngumiti pa ang ginang at nilapag ang bag nito sa sofa at naupo din doon habang si Julie ay nakatayo lamang at di alam kung papaano kikilos. "Halika nga rito.." ngumiti itong muli at bahagyang nawala ang kaba niya kaya tumabi na siya rito.

"Uhm.. Julie.. anak.." halata ni Julie na ilang din ang ginang na makipag usap sa kanya kaya inilihis niya ang kanyang tingin.
"Julie, I'm sorry sa trato ko sayo dati.. kaya sana naman.. mawala na yung alinlangan mo sa mga pinapakita ko sayo.." puno ng sinseridad ang boses nito kaya tumango si Julie ay ngumiti. "Better.." at ngumit pang muli at hinawakan ang ngiti niya.

"Tulungan mo nalang akong magluto ng paborito ni Elmo na sinigang na baboy.. para makapag kwentuhan na din tayo." Hinila na si Julie ng ginang patungo sa kusina.


-----'-----


"Ayan.. pakuluin nalang natin tapos pwede na.. lagi mong tatandaan na lagi mong dadamihan ng pang-asim kasi gustong gusto ni Elmo yun maasim." Tumango naman si Julie sa sinabi ng ginang. "By the way .. may aabangan na ba akong makulit na bata?" Biglang may bumayo sa dibdib ni Julie ng tanungin siya.

Alam na agad niya ang ibig sabihin ng ina ni Elmo kaya agad siyang nag iwas ng tingin at tumikhim naman ang ina ni Elmo kaya nabalik ang tingin ni Julie dito.

"Uhm.. I'm .. 3months pregnant po Ma'am.." nakayukong sabi ni Julie. Napatingin si Julie dahil napakatahimik ng ginang na nasa harap niya. Kita niya ang gulat sa mata nito. "Uhm.. --"

"Ohmyghad.." excited na ekspresyon ang nakita ni Julie na nakaguhit sa muka ng ginang.. "Alam na ba ng anak ko 'to?!" Galak na boses na tanong nito kay Julie na sinalakay ng kaba.

"Uhm.. d..di pa p..po.. balak.. ko sanang sopresahin.." nauutal na sabi ni Julie sa ginang. Iniwas niya ang tingin niya dito ng lumapad ang ngiti nito.

"Perfect.. puntahan mo ngayon si Elmo sa opisina niya at ibigay mo itong niluto natin.. and spoil the beans.." masayang wika nito at pumalakpak pa. "I'm sure matutuwa ang anak ko.. lalo na't mag kaka anak na siya.. naalala ko noon nung sinabi ko sa daddy niyo na buntis ako kay Elmo. Naku naiiyak pa siya.." masayang tinig nito habang inaayos ang pag lalagyan ng sinigang na baboy. "Kumilos kana Julie para maihatid kita sa opisina ni Elmo at may dadaanan akong store.." excited na lintanya nito?

"Pag.. pag u..uwi na--"

"No.. di pwede.. bakit ayaw mo bang malaman ng anak ko na may anak na siya..?!" Nanliliit na matang tanong nito kay Julie na agad naman inilingan ni Julie kaya muling ngumiti ang ginang.. " Good.. sige na mag ayos kana.." sumunod nalang si Julie sa gusto ng ina ni Elmo kahit na abo't- abot ang kabang nararamdaman ni Julie.

"Ready? Tara na.." di maalis alis ang saya sa tono nito . Kaya lalong dumagdag sa kaba ni Julie. Iniisip niya na kung ano ang sasabihin o kung paano sasabihin kay Elmo. Di maganda ang pakiramdam ni Julie kaya lalo lumalakas ang kaba niya na para na siyang mag kaksakit sa puso.

"Julie, sa una lang yang kaba.. pag nasabi mo na worth it kasi makikita mo an saya ng asawa mo." Ngumiti itong muli. Sinubukan naman suklian ni Julie pero di niya alam kung ano ang kinalabasan nito.

"Okay.. dito nalang kita ibaba.. na tawagan ko na ang front desk at sinabi ko na dadating ka.. at sasamahan ka niya sa opisina ni Elmo.. good luck.." ngumiti itong muli.

Di malaman ni Julie kung didiretso ba siya o hindi dahil nangangatog ang kanyang tuhod habang papalapit siya sa opisina ni Elmo . Iniwan na siya ng staff ng makarating na sila sa tamang floor kung saan nag oopisina si Elmo. Huminga ng malalim si Julie bago dumiretso dito.

Walang tao sa labas kaya naman sinilip ni Julie ang pinto agad naman sumikip ang dibdib niya sa kanyang nakita. Nakayuko ang babae sa harap ni Elmo at pangiti ngiti pa ang kanyang asawa. Habang humahagikgik ang babae na halos luwa na ang kaluluwa konting tuwad pa nito.

"Isa pa.." malanding tono nito agad na nilisan ni Julie ang opisina ni Elmo at tinawgan niya si Mico para makipag kita dito. Mabigat ang dibdib ni Julie habang pababa ng pababa ang elevator. Sinasabi na nga ba niya na masama ang pakiramdam niya nadagdagan nanaman ang sakit na dinadala niya.

----''----''----''----


"What now?" Pinunasan muli ni Julie ang panibagong luha na dumaloy sa kanyang pisngi ng tanungin siya ni Mico. Bumuntong hininga ito at hinagod ang kanyang likod. "Tahan na makakasama iyan sa inaanak ko" ngumiti ito kay Julie.

"Sir.." napalingon si Julie ng marinig niya ang malanding boses na narinig niya mula sa opisina ni Elmo.

"Bakit kasi di ka mag salita dyan sa hinayupak mong asawa?" Agaw ng atensyon ni Mico kay Julie na nakatitig sa pwesto ng asawa nito.

"Paano ako mag sasalita kung inuunahan niya na ako ng masasakit na salita.?" Iniwas ni Julie ang kanyang tingin ng yumukod ito na parang isinusubsob ang dede nito sa muka ng asawa niya.

Kinukumbinsi siya ni Mico na umalis na sa kasunduan pero di niya kaya dahil ayaw niyang magalit ang pamilya niya at dahil mahal niya si Elmo at nag babaka sakali siya na masusuklian din ni Elmo ang pag mamahal na binibigay niya dito. Umiling lamang si Julie at muling umiyak. Agad naman siyang dinaluhan ni Mico at niyakap.


"Pero sabihin mo na buntis ka bago malaman ng iba pa.." sabi ni Miko habang yakap yakap siya.

"Buntis ka.." napa hiwalay si Julie mula sa pag kakayakap ni Mico sa kanya. At napatingin kay Elmo na nag pupuyos sa galit. Malalim ang gitla sa kilay nito at sa tingin palang nito ay kaya na niyang pumatay ng tao.

"Elmo, please wag dito.." agad na awat ni Julie ng akmang susugurin si Mico. Hinawakan niya ang braso ni Elmo para mapakalma ito pero lalo lamang na nag dilim ang paningin nito hindi lamang kay Mico pati sa kanya. Agad na hinila ni Elmo ang braso ni Julie kaya napaigik siya sa sakit at diin ng pagkakahawak nito.

"Nasasaktan ni Julie pare.." nag babandyang tono ni Mico ng makita niyang namumula na ang braso ni Julie sa hawak ni Elmo."Tangina pare sinabing nasasaktan na yung asawa mo.." sigaw ni Mico ng di parin bitawan ni Elmo ang braso ni Julie bagkus lalo pa itong humigpit.

"Asawa ko? Tang*na meron pala akong Asawa? Eh grabe kung makayakap ka sa sinasabi mong asawa ko eh?!" Sarkastikong sigaw nito na talaga naman agaw atensyon na. Nakayuko lamang si Julie dahil hiyang hiya na siya sa nanayayari. At sumasabay pa ang pananakit ng ulo niya at ang kirot ng braso niya.

"Elmo , umuwi na tayo.. Mics sige na umuwi ka na.."  yaya niya kay Elmo dahil umiikot na ang kanyang paningin ngunit nilalabanan niya ito. Kumirot ang kanyang puson kaya napahawak din siya dito..

"Baby.. ayos ka lang? Kapit ka lang kay Mommy wag kang bibitaw please.. saglit lang uuwi na tayo tapos kakain na si Mommy ng maraming maraming fruits tsaka vegtables.. kapit ka lang please.." pumikit si Julie pero ganoon padin at lalong sumakit ang kanyang puson.




"Miss dinugo ka.." ayun nalang ang huling narinig ni Julie bago siya bumagsak ang kanyang katawan.



"Baby.."


Bulong ni Julie..






To be continued...




------'''''-------




AN: HI!!
OKAY BA?? AYAN NA MAHABA NA YAN SAGAD NA PROMISE HAHAHA :D

Enjoy reading :*
Lalo na sa nag pipilit na mag update ako sabi ko lunes.. ayan na po HAHAHA :D

COMMENT . VOTE AND SPREAD THE LOVE <3

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon