Aswang sa Cebu(Escabalurchi)
Base on true story. Hello po isa po akong silent reader sa page na ito at mahilig ako magbasa ng mga nakakatakot kaya gusto ko ibahagi ang kwento ng mama ko nung bata pa po kami ng kuya ko.
Saan kayo?
Sa isang baryo sa siyudad ng cebu may dalawang magkapatid at itago nalang natin sila sa pangalang toto at nonoy. Si toto ang nakakatandang kapatid at si nonoy naman ang pangalawa sa apat na magkakapatid. Si Aling Mara (hindi niya tunay na pangalan) ay ang kanilang ina na sobrang sipag, maalalahanin at responsableng ina nila.
Pero dito na tayo sa simula ng kwento.
Si toto ay nonoy ay nagbalak magsimba, ngunit maglalakad pa sila ng napakalayo para lang makapunta at makapagsimba sa kabilang baryo. Sila ay nagpaalam sa kanilang ina upang hindi ito mag alala kung gabihin man ito.
POV's
"Mama, pupunta kami sa simbahan sa kabilang baryo" ang paalam ni toto
"O sige anak, basta mag-iingat kayo" bilin ng ina
At umalis na ng bahay ang dalawang magkapatid at nagpunta sa kabilang baryo. 3 ng hapon nakarating ang dalawa kaya alam nilang gagabihin sila. Natapos ang misa/simba ay gabi na at sila ay naglalakad sa daan. Sila ay may nakasalubong na isang mantang madre at humingi sila ng tulong.
"Magandang gabi po?" Banggit ng dalawang magkapatid.
"Magandang gabi mga bata. Anong maitutulong ko" sambit ng madre.
"Maaari niyo po ba kaming tulungan makauwi ng bahay?" ang sabi ni toto
"Ay pasensiya na mga bata, kung gusto niyo doon nalang kayo sa bahay matulog upang kayo ah makapagpahinga, mukhang pagod na pagod na kayo" ang sabi ng madre.
"Sige po maraming salamat" ang sambit ni toto.
Ay, ang madre nga pala ay mahaba ang buhok, matanda at nakasuot ng damit madre.
Pumunta sila sa bahay ng matandang madre at doon na nagpahinga. May isang anak na binata ang madre at ang kanyang asawa. Pinatulog sila ng matandang madre sa isang kwarto na may bintana. Habang nasa kalagitnaan ng panaginip si toto ay bigla siyang nagising, sinilip niya ang sala at walang tao, sinilip niya ang kusina at nakakita siya ng malaking kawa(salitang bisaya na ibig sabihin ay kawali) at ito ay punung-puno ng tubig. Nakita niya ang madre na naghihiwa ng sibuyas, bawang at luya. Kaya bumalik siya sa kwarto upang gisingin ang kapatid niya.
"Noy, gising na noy! May mga aswang" sabi ni toto
"Uyy noy, gumising kana" ang sabi muli ni toto.
May napansin si toto na may kumakalikot na ng door knob. Lumabas si toto nang may lungkot sa mukha nagtago siya sa puno ng malunggay sa likod bahay. Nakita niya sa bintana na binuhat ang kanyang kapatid ng mag asawa, iyak siya ng iyak habang siya at nasa taas ng puno.
Kinaumagahan ay pumunta si toto sa bayan, may nakita siyang isang matandang lalaki, tawagin nalang natin siya sa pangalang Mang Raf(hindi niya tunay na pangalan) at humingi siya ng tulong sa matanda.
"Tulungan n'yo po ako pinatay po yung kapatid ko ng isang aswang". Ang sabi ni toto sa matanda
"Pagod lang yan, doon nalang tayo sa bahay mag usap". Sabi ni mang raf
Pinapunta si toto sa bahay ng matanda para magpahinga at nakita ni toto ang matandang madre sa labas ng bahay ni mang raf at tinawag itong
"Pinsan, tara dito meron kaming sabaw na baboy."ang sabi ng madre.
Isinama ni mang raf si toto at nag-iiyak siya sa harap ng nito.
"Wag po, siya po ang pumatay sa kapatid ko" sabi ni toto habang iyak ng iyak.
"Tara, pumunta tayo do'n" ang sabi ng matanda ng galit na galit.
Pumunta sila sa bahay ng matandang madre at umupo. Nakita nila ang sinasabing sabaw na may malaking katawan ng tao na walang ulo. Tinanong ni mang raf ng galit na galit.
"Pinsan!? Asan yung ulo ng katawang ito?!" Sabi ni mang raf.
Sa sobrang galit ni mang raf ay hinalughog niya ang bahay ng madre hanggang sa makapunta siya sa kwarto, nakakita siya ng isang kabinet at binuksan ito, nang mabuksan niya ito ay biglang buhos ng luha ni toto, dahil nakita niya ang ulo ng kanyang kapatid.
"Kaninong ulo to?!" Sabi ni mang Raf
Umamin ang madre na kinatay nila ang bata. Galit na galit si mang raf sa nangyari.
Matapos ang araw na iyon, hinuli siya ng mga pulis at pinaprosesyon/pinalibot siya sa buong siyudad ng cebu habang nakakwintas sa kanya ang ulo ni nonoy, pagkatapos ay ikinulong na siya.
Sa maniwala man kayo o hindi ito ay kwento ng lolo ng aking mudra, at dito nalang po matatapos ang aking kwento.
-ma'boss
-TaguigCity.
BINABASA MO ANG
spookfied stories from spookify fb page
Horrortrue horrific, creepy and unnatural events. For spookify fans having difficulty on reading their stories online. Purposely made for offline reading. Please also read the other parts to continue reading stories