Capitulo Treinta y Siete: Wait for me

36K 604 109
                                    

CHAPTER 37

 

ZANDER'S POV

"Son!" malakas na sigaw ng isang lalaki na ako yata ang tinatawag, pamilyar na pamilyar ang boses niya. Napalingon ako bigla and then... bang!

A gunshot was heard.

Napapikit na lang ako at nagulat nang mapatumba ako sa sahig yakap-yakap ng isang lalaki. He was protecting James and I. Bigla nanamang napaiyak si Liit at sumisigaw ng Daddy. Nagkagulo dito sa labas ng airport. Napatingin ako sa lalaking sumagip sa akin. Nanlaki yung mata ko. Hindi ako makapaniwala. This can't be real.

"D-Dad?" Unti-unting tumulo yung mga luha ko. Why the hell did he do that at bakit siya nandito? Inangat ko yung kamay ko na nasa likod niya.

Dugo! No! This can't be...

"N-No! Why Dad? Why?! Dadalhin na kita sa ospital!" Akmang bubuhatin ko na siya pero pinigilan niya ako.

"No! Don't! L-Listen to me first... Sorry for everything. I know you hate me but... I love you, son. I always did. S-Sorry, alam kong marami akong kasalanan sa'yo. And I'm sorry to say this now but, I'm not your real father..." maluha-luha niyang sabi habang nahihirapang magsalita. Napahagulgol ako. Those words... those words that I was longing to hear. Yung pagmamahal ng isang ama, 'yun lang naman ang hinihiling ko sa kanya. Parang may kumirot sa puso ko. Ang sakit sa pakiramdam na masaya.

Napatango-tango ako habang umiiyak. "I know Dad... I know you're not my real father. Pero bakit? Bakit ka nandito?! Kailangan na kitang dalhin sa ospital! Why did you save us?!"

"No DJ! Leave! Umalis na kayo! Your lives are in danger! It's all my fault! Umalis na kay--uuk..." Napabuga siya ng dugo at ubo nang ubo. Shit. Humahangos naman na nakita kong papalapit yung nanay ko. Yes, she's here too. Yung bumaril, hindi alam kung sino. Natataranta pa rin 'yung mga nandito sa labas ng airport. The shooter fired from a distance, nobody saw it; except for my Dad. Pero wala na siyang malay...

"Baby, umalis na kayo. Here's two tickets. Napaayos na din yung papers niyo, pati si little boy. Go! Leave! Ako nang bahala sa Daddy mo! Delikado rito!" natatarantang sabi ni Mommy habang tinataboy ako. What are they hiding? Pero wala akong magagawa, I have to go.

"O-Opo mommy. Mag-iingat po kayo. Iligtas niyo po si Dad!" natataranta ko ring sagot. Tumayo na ako at binuhat si Liit na umiiyak pa rin. He's too young for all this drama. Yinakap ko si Mommy sa huling pagkakataon at sinulyapan si Dad.

"Sige na baby, umalis na kayo," sabi ulit ni Mommy at kumalas sa yakap ko. Balde na yata yung linuha ko dito. Anong alam nila na hindi ko alam? Nagsidatingan na 'yung mga pulis at ambulansiya. Linalagay na nila sa stretcher si Dad. Umalis agad yung ambulansiya pagkapasok na pagkapasok pa lang nila. Palayo nang palayo yung tunog ng wangwang hanggang sa hindi ko na marinig at makita.

Pinunasan ko 'yung luha ko at tumalikod na. Alam kong namumugto pa yung mata ko kasi ilang beses akong umiyak, magkamukha tuloy kami ni Liit. Pero ano ba talagang nangyari? Paano nila nalaman? How? Sino yung nagtangkang bumaril sa akin? At bakit ganoon si Dad?

          

Ang hirap magsink-in sa utak ko. Ayokong mawala si Dad. After all these years... I never knew that he loved me. Ayoko siyang mamatay... sana maligtas siya ng mga doktor.

Para akong nabunutan ng isang napakalaking tinik sa dibdib nang marinig ko 'yung mga sinabi niya sa akin kanina na ang tagal-tagal kong hinintay.

I love you, son...

Ang bigat ng paa kong lumalakad dito papasok sa airport. Ayokong umalis pero ayoko silang suwayin. I swear, walang kinalaman 'to kay Kaylee. My parents are hiding something. But, it's a double purpose. Hindi ko man alam ang dahilan sa ngayon, pero kapakanan ko lang ang iniisip nila. Kailangan kong umalis, it's for my safety and the safety of everyone I love, lalong-lalo na si Chandria. I was going to leave anyway kahit hindi nila ako pilitin.

Napapikit ako saglit habang lumalakad.

Please live, Dad...

I love you too...

CHANDRIA/SCARLET'S POV

Unti-unti kong minulat 'yung mga mata ko. I saw Kaycee sleeping next to me. May bahid pa ng luha sa may pisngi niya. Sheesh. Pinunasan ko 'yon at tumingin sa paligid. Nasa ospital ako, malaki 'tong higaan. Malaki 'tong kwarto.

I saw Angelo holding my hand, nakaupo siya sa upuan pero tulog. Nakasandal yung ulo niya sa higaan ko. I saw Julia sa kabilang kama, her hand is injured. Nasa tabi niya si Cade at nagbabantay pero tulog din.

Nasa isang mahabang sofa naman sa gilid sina Ethan, Kenjiro, Vaughn at JC. Nakaupo silang natutulog. Lahat sila may benda sa iba't-ibang parte ng katawan pero hindi naman malala. Zander isn't here. Bigla akong kinabahan, something is not right. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Para akong ninenerbiyos na hindi ko alam. 

Napansin kong naalimpungatan si Vaughn. Kinusot niya yung mga mata niya at napatingin sa akin. "C-Cara? Gising ka na?" bungad niya agad.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "What time is it?!" tanong ko. Wala kasing wall clock dito sa loob.

Tinignan niya yung wristwatch niya. "7:43 am," sagot niya.

Nanlaki yung mata ko. "Anong petsa na?" tanong ko ulit.

"February 16," sagot niya. No! Bakit?! What the heck?

Nalilito ako. Paanong nangyari na isang araw na agad ang nakalipas? Nabasa yata ni Vaughn kung anong iniisip ko. Nag-aalangan siyang magsalita. "N-Nawalan ka ng malay Cara, dalawang gabi at isang buong araw. A day has passed. Sabi ng doktor, trauma raw 'yung dahilan. Buti nagising ka, akala namin na-comatose ka na. The school is under repair and under investigation. Suspended pa 'yung klase ng ilang weeks. Matindi kas--"

"Where the hell is Zander?!" putol ko sa kanya. Nagising silang lahat sa sigaw ko, even Kaycee. Inalis ni Angelo yung pagkakahawak sa kamay ko. Gulat na gulat yung mga pagmumukha nila.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon