Jasmine's POV
Nagising ako mga 5:30 am. Nakita kong tulog pa si MC na tumutulo pa ang laway. Naligo na ako at nagluto na almusal naming dalawa. Yung dorm namin parang hotel. Ang cool haha.
Ginising ko na ang babaeng tulog pa na tumutulo pa ang laway. Mukhang maganda panaginip niya.
"Hoy! Gising na!" sabi ko at niyugyogyugyog sya.
"Mmmm..." ungol nya at tinabig ang kamay ko. Niyugyog ko ulit sya ng mas malakas pa ang puwersa hanggang sa magising na siya.
"Bakit?" Napaupo na siya sa pagkahiga niya habang kinukusot ang kanyang mga mata.
"Anong bakit? Psh! Bumangon kana may pasok pa tayo. Nakaluto narin ako ng almusal kaya sabay na tayo kumain" bumangon na siya at dumiretso na kami sa kusina saka nag almusal.
"Sarap mong magluto, Jasmine" puri nya. At ako naman ay proud na proud.
"Ako pa ba"
Natapos na kami mag almusal at naligo na siya. Nakaligo na kasi ako eh kaya hinahantay ko nalang siya.
Ilang minuto ang lumipas at natapos narin si MC. Nagbihis narin siya at pagkatapos non ay sabay na kaming lumabas sa dorm para pumasok sa school.
Sabi nya pumunta muna daw ako kay Sir De vera na adviser ng klase namin. Alam ko naman kung nasan yung Faculty since tinuro niya saakin kahapon kung nasaan at may dala-dala rin akong map dahil kayang kong sundin ang mapang iyon.
We parted our ways. Pumunta na ako sa faculty at hinahanap ang table ni Sir De vera. Lumapit naman ako sa table niya ng mahanap ko siya.
"Oh, Are you Jasmine felix?" tanong nya.
"Yeah"
"Tara. Punta na tayo sa classroom at magpakilala ka na. Saktong-sakto ang pagdating mo papaalis narin ako eh" sabi nya at naglakad na kami papuntang classroom.
Nauna syang pumasok at pinatahimik ang muna ang mga kaklase ko na rinig na rinig sa labas yung ingay na ginagawa nila. Sinenyasan nya kong pumasok kaya naman naglakad na papunta ako sa tabi ng table nya para magpakilala.
Ugh, introduce yourself sucks. Ito ang pinaka ayaw ko kapag lilipat akong school.
"Jasmine felix" Pagpapakilala ko sa kanila.
"You heard her and starting this day she will be one of us. You may seat there, Ms. Felix" sabay turo sa likurang upuan na may bakante.
At ayun ang swerte ko dahil katabi ko si MC.
Bakit kaya pag bago ka sa school at late na nagtransfer sa likod ang puwesto palagi?
Umupo ako sa upuan at nagsimula na maglesson si sir De vera.
"Boring no?" bulong ni MC. I just nodded as my answer."Buti nga magkatabi tayo eh! Ilang years narin akong walang katabi. Masyado akong lonely hindi mo ba alam? May mga transfer student pero puro sa ibang section. Buti ikaw napunta sa section nato at naging katabi ko at kadorm rin" proud na proud na sabi nya. Psh! Gusto ko nga makaranas ako ng first section eh. Kaso no chance. Yung record ko kasi from my previous schools sobrang sama. Matalino naman ako.
I always rank number 1 in every entrance exam and perfect score in every test subjects. But my behavior is the only problem and is holding me back to be placed in the first section.
Base kasi sa ugali at talino ang kada section ata dito. Mga problem children siguro ang mga napunta dito. Bakit kaya nandito si MC? Mukha naman siyang mabait at hindi gumagawa ng kalokohan.
BINABASA MO ANG
The school who is full of secrets
Детектив / ТриллерNag transfer ako sa isang iskwelahan di sya famous. Wala rin akong nakita nong sinearch ko sa google at facebook. Hemilton University ang pangalan nya. Ang weird nga eh...... Halos lahat ng napasukan ko meron lumalabas sa facebook o google pero ito...