"Sehun, Hindi ko talaga mahal si Xiumin.."
"Eh bakit sakanya ka pumunta?"
Naguusap kami ngayon ni Luhan sa hindi ko alam na lugar. Ewan. Inaya niya kasi akong lumabas, ewan ko ba kung bakit hindi ako tumanggi. Siguro gusto ko lang mapatunayan sa sarili ko na nakamove on na talaga ako.
"Hindi mo naman kasi naiintindihan eh.."
"Na ano? Na hindi mo talaga ako mahal? Ts." Sabi ko sakanya sabay higop sa bubble tea ko, oo hanggang dito ay may dala akong bubble tea, bakit ba masarap eh.
"Mahal kita, Sehun. Maniwala ka.." Tapos nagsimula na siyang umiyak sa harap ko, napaka-drama na naman niya.
Tumayo na ako at hinayaan ko siya dun, hindi ko kasi kaya na nakikita siyang umiiyak, bumabaluktot ako kapag nakikita ko siyang malungkot.
"Sehun, please lang. Bumalik ka na.." Ramdam ko yung yakap niya habang nasa likod ko siya..
"Mahal kita, Sehun. Sobrang mahal na mahal."
"Mahal din kita, Luhan.." Hindi ko alam na yun ang lumabas sa bibig ko, siguro nga hindi padin ako nakaka-move on.. Siguro nga, mahal ko padin talaga si Luhan..
"Luhan.."
"Sehun! Patay ka na ba ha?!" Ano bang sinasabi nito ni Luhan? Yakap yakap niya nga ako eh.
Pero teka, bakit parang basa na ako? Hindi naman umuulan ah. Bakit ganun?
Nakaramdam nalang ako bigla ng suntok sa muka ko tapos parang nahulog ako.
"Ay pvta!" Nasabi ko kasi nalaglag ako sa kama.
"Walangya naman Sehun oh! Bakit ba ang hirap mong gisingin?" Takte, panaginip lang pala. Bakit ko ba napanaginipan yon, ts.
Pero teka, bakit basang-basa ako? Tinignan ko si Tao na may hawak na balde.
"Tae, Tao! Anong ginawa mo? Binuhusan mo ba ako ng tubig?!"
"Oo pre, kala ko patay ka na eh! Tsaka, tulog mantika ka talaga!" Tumayo ako sa pagkalaglag ko tapos kinuha ko yung balde sakanya at hinampas yun sakanya.
"Ang lakas na naman ng trip mo Tao! Lumayas ka na nga!" natawa naman si Tao habang iniilag niya yung katawan niya sa balde na pinanghahampas ko.
"Teka, Chill pre. Gusto ko lang naman na gumala tayo eh. Nakakabato kasi sa pad." Hinampas ko ulit siya ng hinampas.
"Ginising mo ko dahil nababato ka sa pad mo?! G*go ka ba? Eh natutulog ako eh! Mag-gala ka na nga lang mag-isa mo!" Tumawa naman siya ulit, baliw na 'to. Bakit ko ba naging kaibigan 'to.