Good News or Bad News

84 10 0
                                    

Chapter Two

"I'll be moving here soon" Sabi ni Irene sakin at napatili lang ako.

"OMG! Weh?! Talaga?" Sigaw ko na halos mabingi na si Chanyeol sa tabi ko. Excited lang kasi, ang tagal ko nang di nakita si Irene tapos ngayon lilipat na pala sila dito.

Tumango siya. "At...papasok narin ako sa school niyo."

Nanlaki lang mata ko. "Nice! Alam mo na section mo?" Tanong ni Chanyeol

"Hindi pa nga eh. Pero I'll be starting next week."pagngiti niya samin. Nakaka-excite talaga sana maging kaklase ko si Irene.

[Author]

Sumunod na araw lumabas saglit si Irene para bumili ng mga supplies niya, siya lang mag-isa dahil may ginagawa pa daw si Gelai habang si Chanyeol, nasa bahay ata ni Suho kasama yung ibang kaibigan nila.

Maya maya rin natapos na mamili si Irene tumungo na siya pauwi.

---

"Napakabuting mga kaibigan, ako pa talaga ang inutusan." Reklamo ni Suho habang naglakad siya palabas ng convenience store. Tinignan niya yung plastic na dala niya para masigurado na tama lang yung drinks na nabili niya, nang hindi niya napansin na may makakabanggaan na pala siya.

Nagulat yung babae na nakabungguan niya na nabitawan niya yung dala niya.

"Ah!"

"Sorry!" Sigaw naman ni Suho. Agad niyang tinulungan sa pagpulot ng gamit yung babae. Nung nagkatinginan naman sila...para bang hindi nakapagsalit si Suho, dahil napaka-ganda nung babae. "Eto oh."

"Salamat." Sabi naman nang babae.

"Ah wala yun. Sorry ulit kung nabunggo kita..." Sagot naman ni Suho na medyo nahihiya pa.

"Okay lang" sagot ng babae at nginitian lang siya. "Uhm...sige aalis na ako." Sabi niya habang umalis na siya.

"Ah, sige" sabi ni Suho tinignan niya unti unti nang lumayo yung babae na nakabungguan niya.

*Eto ba yung...love at first sight?*

Nagtungo na si Suho sa bahay at nandun nga silang lahat na magkakatropa.

"Nandyan na si Suho hyung!" Sigaw ni Sehun habang sinalubong niya yung nakatatanda niyang kaibigan.

Pero hindi rin naiwasan ni Sehun na mapansin na parang tulala at parang nakangiti pa si Suho na parang baliw.

"Hyung...okay ka lang?" Tanong ni Sehun sakanya.

"Huh? Ah, oo okay na okay ako." Ngumiti si Suho at naweirdohan lang si Sehun. Pumunta na si Suho sa salas kung nasaan yung iba at narinig nila yung usapan nila ni Sehun.

"Hyung, siguro may nangyari sayo." Sabi naman ni Tao.

"Hm? Wala" sagot ni Suho.

"Kanina ka pa nga ngiti ng ngiti. May nangyari nga noh?" Pagpilit ni Luhan.

"Ang totoo...may nakabungguan ako. Babae." Sabi ni Suho at mukhang nainteresado yung iba.

"Uy, lumalab layp yung lolo natin." Komento ni Baekhyun at nangirap lang si Suho.

"Maganda ba?" Tanong ni Chanyeol.

"Sobrang ganda niya...hindi kaya tadhana na nagkabungguan kami?" Sabi naman ni Suho at mukha lang nasuya yung iba.

Notice Me Mr. President || Kim JunmyeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon