Lilian went back to her room and get ready for breakfast. Ang kanyang anak na si Vanessa ay kanina pa nakabihis para sa beach. Siguro, mabuti na rin iyon na hindi siya nakilala ni Alexis Ortega. Baka manggulo pa ito. Ayaw niyang matulad ni Daniella ngayon na pinoproblema ang hindi inaasahang pagbabalik ng dating-asawa nito.
Nang dumating si Marcus sa beach, nabunutan ng tinik sa lalamunan si Daniella dahil nakasuot pa rin ang lalaki ng isang ninja costume kung saan mata lang nito ang nakikita.
Pero kahit na walang nakakilala kay Marcus, kilala niya ito dahil niya kayang kalimutan ang mapag-akit nitong mga mata na kulay asul.
Umupo ang lalaki sa bakanteng silya sa tabi niya, at ganun din ang kasama nitong si Mr. Ortega. Tumabi ito kay Lilian.
"Napaka-presko naman ng kasama mo," sabi niya kay Marcus sa mahinang boses upang hindi sila marinig nito.
"I agree, but just let him be. I'm sure the woman was single. Wala sa katawan nito na mayroon ng anak."
Hindi alam ni Daniella kung dapat ba siyang magalit sa sinabi ni Marcus? How about her? Mukha ba siyang may anak? At kung ganun nga, ano naman ngayon? She's happy to have Ariana Jade in her life."Nagpaparinig ka ba sa akin?"
"Ikaw ang may sabi niyan. By the way, it's a fine weather for swimming." Tumayo si Marcus upang kumuha ng pagkain ngunit pinigilan siya ni Daniella. "Ano na naman?"
"Hindi ka pwedeng mag-swimming."
"And why not?"
"I mean, hindi ka pwedeng magpalit ng damit ngayon. Remember, you should always wear your ninja costume," she reminded him.
"I'm sure that the party manager will understand. Saan ka ba nakakita ng nag-swimming na nakadamit ng ganito?"
"Basta. Subukan mo lang na hubarin ang costume na iyan, at malilintikan ka sa akin!" Actually, there's a chance that nobody would remember his face because he only stayed with them for a few days. Pero, paano kung makilala ito ni Paloma? Mahirap na. She couldn't take the risk!
"Why don't you focus on your daughter?"Naiinis na bwelta ni Marcus sa inasal ni Daniella. Inalis niya ang nakahawak nitong kamay sa kanyang braso. He needed food and Daniella stopped him from going to the buffet table.
Daniella picked-up her daughter and followed Marcus. Napagtanto niya na mahirap palang magsinungalin dahil darating talaga ang araw na mag-boomerang ito sa taong sinungaling, kagaya niya. Kapag hindi siya mag-ingat, mawawalan ng saysay ang ginawa niyang paglupasay sa kaiiyak nang mamatay kuno si Marcus.
Habang nasa buffet table, napansin ng isang pares ng bisita na nahihirapan siyang magbalanse sa platong hinawakan at ng anak niya. May kabigatan kasi ang bata. Akala niya ay tutulungan siya ng dalawa, hindi pala. Tinawag ng mga ito si Marcus at pinagsabihan.
"Mister, hindi mo ba nakikita na nahihirapan ang iyong mag-ina?"
Hiniling ni Daniella na sanay lamunin na lang siya ng lupa nang tumingin sa kanyang gawi si Marcus.
"They're not related to me," sabi ni Marcus.
Hindi siya dapat masaktan sa sinabi nito. Pero bakit nasasaktan pa rin siya nang harap-harapan nitong sinabi sa ibang tao na hindi sila kaano-ano nito? Ganunpaman, wala ba talaga itong puso na tumulong sa kapwa maskhi hindi sila kaano-ano? Nainis siyang ginawaran ng tingin ang lalaki at para kay Daniella, isang malaking palaisipan kung bakit nahulog ang kanyang loob dito.
"Ganun ba? Naku, pasensya na po sa assumptions ko."
"No problem," sabi ni Marcus na bahagyang nabahala sa sinabi ng isang bisita.Nang tumingin siya sa gawi ni Daniella, huminga ito ng malalim na parang nabunutan ng tinik. Bakit kaya? Ah, dahil papalapit pala si Paloma at gusto nitong kunin ang bata.
Hinintay ni Marcus na lapitan siya ng babae ngunit hindi iyon ang ginawa ng babae. Pagkatapos nitong maglagay ng pagkain sa plato, naglakad ito pabalik sa kanilang mesa. He was about to follow her when Ortega came with a very big smile.
"So, where's your hot mama?"
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...