Hindi na kami tumuloy sa lunch out namin nina Kean. Nagtungo siya sa principal's office at sinabing maghahalf day ako since wala na akong klase ng hapon.
Dinaanan na din namin si Kronos sa klase nito upang sunduin since half day lang ang pasok kinder.
Sinadya kong hindi ako ang magiging teacher nya dahil ayokong masanay siya na kasama ako palagi...
"Umiyak ka po mmy?" Tanong ni Kronos nang makasakay na kami sa sasakyan.
Pilit akong ngumiti rito "M-may nabasa lang mommy ng nakakiyak na story nak... Wala ito."pagdadahipan ko at sinulyapan si Kean na tahimik na nagmamaneho. Halata sa mukha nito na wala pa rin siya sa mood.
Napahinga ako ng malalim at ibinaling sa labas ang atensyon ko.Hanggang ngayon ay hindi ko maalis ang takot na bumabalot sa puso ko... Takot para sa pamilya namin... Takot para sa kaligtasan namin ... Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at kinakalma ang sarili... Andito si Kronos... At ayokong magalala ang anak ko...
"Hello... Clear my schedule for the rest of the day... Yeah... Tell my father it was emergency. ... " napamulat ako ng marinig itong magsalita... Siguro ang assistantnito ang kausap niya... "Yes resched everything. ... Okay... Thank you."
Maya-maya ay tumunog ang phone nito...
Nakita kong pinindot nito ang answer button sa phone nya na nakalagay sa dashboard...
"Kuya... "
"Heard that you have an emergency... Got worried brother."
Naging mabilis ang tibok ng puso ko ng marinig kung sino iyon... Nanlamig ang buong katawan ko at binalot ako ng takot.
"Yes... Just family thing... Pauwi na rin kami ng mag-ina ko... Angelique is not feeling well... Please ikaw na muna ang bahala sa opisina." Ani Kean
"Sure... How she is? Your wife I mean?"
Napalunok ako dahil doon... Gusto kong patayin ang tawag nito pero pinigilan ko ang sarili ko...
"She's with me... And Kronos... Iuuwi ko na muna sila. She just need to rest... " ani Kean
"She must be tired... You take care of them... Brother... And protect them"
Kumunot ang noo ni Kean at tila nawiwirdohan dito
"Of course Kuya! I will even di mo sabihin... Pamilya ko ito... " anito
Narinig ko ang pagtawa ng lalaking iyon .
"Just brotherly reminder ... Brother. I have to end this... Bye."
"Bye. " ani Kean na wala sa mood.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas.
Napatingin ako sa phone ko na nasa ibabaw ng bag ko ng tumunog iyon.
Naramdaman kong napasulyao si Kean sa akin ... At alam kong gusto nyang basahin ang text na iyon... But I won't let it.Nanginginig ang kamay kong binuksan ang mensahe...
From Unknown Number:
Get well soon... My 7th heaven. Take care of that delectable body...cause I will take it back on my bed soon...
Agad kong binura ang mensahe... At isinilid sa bag ang phone ko.
"Sino yun?" Malamig na tanong ni Kean
Umiwas ako ng tingin... "Operator." Sabi ko na lamang.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya na pinagpapasalamat ko na lamang.
BINABASA MO ANG
Hotbreaker's Series 5:Broken Angel
ChickLitI am Angelique Rain Tuazon, A teacher by profession... They said, I am a selfless angel from heaven because I always help the unfortunates... I am always giving my every help I can for them... and I think they are right! Cause I am ready to give my...