Chapter 14

56 6 2
                                    

Day 9 - Smile

Alam Miguel Lucas na Mahal ni King Justin si Trinity.

Pero alam din niya sa sarili niyang Mahal din niya si Trinity. Kaya ipinangako niyang sa sarili na ipaglalaban niya ang pagmamahal niya dito kahit anong mangyari.

***

TANYA

Sunday..

Ginising ako kanina ni Bianca dahil isinasama niya ako sa Park kung saan nagtitinda siya doon ng mga balloons. 'yung mga balloons na Spongebob, Dora, at kung ano-ano pa. sideline niya kasi iyon tuwing sunday.

Sumama na din ako sa kanya dahil gusto ko din maglibang-libang para hindi ko masyadong isipin 'yung sinabi ni Saffire..

Good news at Bad news kasi ang dinala niya sa akin nung Saturday.

"Dadaan muna tayo kay Misis Seleste, sa kanya kasi ako kukuha ng ibebenta."

Sabi sa akin ni Bianca habang naglalakad kami papunta sa nagsusupply sa kanya ng balloons twing Sunday.

"Sige."

Tinanong niya ako kanina kung gusto kong mag Taxi or Trycicle pero tumanggi ako, alam ko kasing lagi lang siya naglalakad dahil nagtitipid siya.

Ililibre na nga niya ako ng foods ngayon, eh. Wala kasi akong pera dahil hindi naman ako binigyan ni Saffire.

Naisuot ko nadin 'yung Dress na binigay ni Saffire. Habang nakasimpleng Shirt at pantalon lang si Bianca, balak ko ngang magpalit ng makita ko 'yung suot niya pero pinigil niya ako.

Nagdala din ako ng maliit na shoulder bag at nagbaon nalang kami ng kanin, syempre alam ko din kasi na nag-iipon siya dahil gusto niyang magtayo ng Flower shop. Mahilig kasi siya sa Bulaklak.

20 Minutes kaming naglakad ni Bianca bago makarating sa bahay ng supplyer niya at another 20 Minutes papunta sa Park.

10:00 AM palang pero ang dami ng Bata dito sa Park. Sa pagkakatanda ko ito ang Paradice Park. Isa itong park na ito sa pinaka-tumatak na lugar sa 'Second Love Letter' book dahil madaming naganap sa lugar na ito.

Pumwesto kami ni Bianca sa parteng madaling makita ng mga bata. nag insists akong tumulong pero pinahawak nalang niya sa akin 'yung Bag niyang maliit, ako nalang daw taga sukli.

"Balloons po kayo diyan." Yan ang pinag-uulit ulit namin kapag may nadadaan na Yaya or Parents na may kasamang bata.

May ilan na bumibili meron ding nilalampasan lang kami.

Sabay kaming natawa ni Bianca ng Hampasin ng isang babae 'yung kasama niyang sa tingin ko ay Boyfriend niya ng mahuli niya itong nakatitig sa amin ni Bianca.

"Why? I just--hey want to buy some balloons for--ouch.. for my--hey. Nephew." umiilag niyang sabi habang hinahampas siya nung Babae.

Tumingin samin 'yung babae at umirap. Hinihila na siya nung Boy ng naglakad siya ng medyo mabilis palapit sa akin, or should I say. Kay Bianca.

"Hoy Ate, I just want to remind you that this guy is mine.. So stop flirting at magtinda kanalang ng Lobo diyan. Dakilang tindera."

Flirt agad? Dakilang what? Aba masyado naman si Ate.

"May Problema ba dito, Love?"

Napatakip ako ng bibig dahil muntik na kong tumili ng Sumulpot si Joemart at Inakbayan si Bianca.. Love daw? Shit! sila naba? bakit ang bilis? parang hindi ko yata natatandaan 'yung part na 'to.

Fictional Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon