Chapter 9

3.8K 97 2
                                    

"Bitiwan mo ako, Mario" utos ko dito pero hindi talaga ito nakikinig. Galit pa rin ako dito dahil sa ginawa nito nang nasa Dumaguete pa kami.

"Im sorry"

"Sorry saan?" patay malisya kung tanong dahil ayaw ko nang pag-usapan pa ang nangyari.

"Alam kung alam mo ano ang dahilan ko ng paghingi ko nang sorry. Alam kung nasaktan kita at nag-expect. Kaya sorry." Niyakap naman ako nito nang sobrang higpit. Nakakamiss ang mga yakap niya sa akin pero hindi ko dapat iparamdam dito na namimiss ko ito. Kaya hindi ako gumanti nang yakap dito. Gusto ko mang makulong sa mga bisig ni Mario ay hindi pwede kaya itinulak ko ito at inabot dito ang mga papeles na ipinabibigay ng boss niya.

"Paki review daw sabi ng boss ko baka daw may gusto kang idagdag tawagan mo nalang ang boss ko. Have a nice day, Sir Mario" hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis dito. Para kasi itong nakakakita nang multo sa sinabi ko. Hindi rin nito kinuha ang mga papeles na inabot ko kaya inilagay ko nalang sa table nito ang dala kung papeles at sinimulan ko nang mag martsa palabas ng office ni Mario pero hinablot ako nito at ngayon naka upo na ako sa mesa nito.

"Sir, let may go. Kailangan ko na po kasing bumalik sa trabaho ko dahil marami pa akong hindi natatapos na pinapagawa sa akin ng boss ko." Paliwanag ko dito. Hindi ko naman talaga dapat magpaliwanag dahil unang-una hindi kami at pangalawa hindi ko siya boss. Pero ito ako ngayon nagpapaliwanag.

"Im sorry, okay. Oo nagkamali ako na iniwan nalang kita doon. Pero--"

"Pero natatakot ka na panagutan ako. Ano ba naman ang aasahan ko sa katulad mong playboy. A Playboy will always be a Playboy. No worri hindi naman ako naghahabol sayo. Isa pa wala ka namang pananagutan sa akin kaya magbunyi ka." Sabay tulak ko dito na ipinagpapasalamat niya dahil umalis ito sa harapan niya. Nagmamadali naman siyang umalis sa lugar na iyon. Narinig pa nga niyang tinatawag siya ni Mario pero hindi na niya ito tinignan. Mabuti na ngalang at mabilis na bumukas ang elevetor na lulan siya. Siguro dapat na niyang iwasan si Mario pa at iyon ang unang-una niyang gagawin.

😋😋

"Hoy bakla. Ano na?" tanong ni Randy sa kanya na bakla rin pero hindi showey.

Napakunot naman siya nang noo sa tanong nito. "Anong-ano na?" Tanong niya pabalik kay Randy.

"Ano na ang plano mo? Mamaya na ang party ha.  Invited lahat. Hindi kaba talaga pupunta?" Sunod sunod na tanong ulit sa kanya ni Randy. Oo nga pala mamaya na ang party kung saan e-ce-Celebrate nila ang Anniversary nang kompanya ng boss nila pero ayaw niyang pumunta dahil alam niyang magkikita lang sila ni Mario doon at iyon ang ini-iwasan niyang mangyari.

"Hindi na siguro, wala rin naman akong susuotin" Talaga namang wala siyang maisusuot mamaya sa partu dahil wala talaga siyang balak na pumunta pa sa party nang boss niya.

"Excuse me" napatingin naman sila ni Randy sa isang babaeng naka mini-skirt na kulay itim at naka suot nang tube na may raffles at naka pusod ang buhok nito. Nakita naman niya kung paano nito tignan si Randy.

"Nako miss sa iba mo nalang ibaling ang paghanga mo sa akin. Hindi kita type mas lalong hindi tayo talo." sabi ni randy sa babaeng nakita naman niya sa babae na napakunot ang noo.

"Exuse me din. Hindi kita gusto dahil hindi ka maganda." Napatingin naman siya kay Randy at alam niyang naiinis na ito. Dahil ang ayaw lang naman nito na makarinig na hindi siya maganda.

"So anong ginagawa mo dito?" Taas kilay na tanong ni Randy sa magandang babae.

"magtatanonf lang po sana ako manong kung kilala niyo ba si Miss Tamarrs" imporma nito.

"Ako iyon bakit mo ako hinahanap?" tinanong na niya ang babae baka kasi kung saan na mapunta ang dalawa hindi pa naman umuurong itong si Randy. May inabot naman sa kanya ang babae na malaking box ngayon lang niya ito napansin.

"Kanino ito?" tanong niya sa babae na nakatingin pa rin sa kaibigan niyang si Randy si Randy naman nakatingin sa box na bitbit ko.

"pina-aabot po sa inyo ni Sir Mario." iyon lang at iniwan na sila ng babae. Siguro secretarya ito ni Mario. Napapa-isip tuloy siya kung pati ba ito nilalandi ni Mario. Agad niyang ipinaling ang kanyang ulo sa naiisip. Wala sa itsura ng babaeng iyon ang pumatol sa isang playboy na tulad ni Mario.

Nag-half-day lang siya ngayon dahil iyon ang sabi ng boss niya. Yung iba na hindi pupunta ay hindi na nag-half-day pero umuwi nalang din para makapagpahinga na din. Kaya ito siya ngayon naka higa sa higaan niya at nag-iisip kung pupunta ba siya o hindi. Napatingin din siya sa malaking puting box na hanggang ngayon ay hindi niya pa tinitignan dahil alam naman niya na damit ito na isusuot niya sa party mamaya. Napabakon naman siya nang tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Hindi na siya nag-abala pang tignan kung sino ang tumatawag baka kasi ang boss lang niya.

"Yes, boss"

"Dont tell me na hinihintay mo ang tawag ng boss mo kaysa sa akin?" Tanong sa kanya ni Mario kaya napatayo siya ng diretso at napahawak sa dibdib iba kasi ang boses nito ngayon parang galit na galit.

"Ano naman sayo kung hinihintay ko ang tawag nang boss ko. Boss ko naman siya."pagtataray ko dito.

Nakakaloka bat ako kinakabahan.

Narinig ko naman na bumuntong-hininga si mario sa kabilang linya. "Natanggap mo ba ang pinadala ko?" Tanong nito sa akin na walang gana. Tsk.

"Oo, Natanggap ko salamat pero ihahatid ko ito bukas dahil hindi naman ako pupunta sa party nang boss ko mamaya. Ulit maraming salamat." Agad kung pinatay ang tawag ni Mario sa akin at muli akong humiga sa kama at pinagmamasdan ang kahon. Pupunta ba ako o hindi. Sayang naman kung hindi isang beses lang ang party at minsan lang din kung mag celebrate ang boss niya. Kaya bumangon nalang siya at binuksan ang malaking box at tumambad sa kanya ang pulang gown napangiwi naman siya sa desenyo reveling kasi sa harap at backlace naman sa likod. Manyak talaga ang lalaking iyon. Magkaka-ubo ako nito pero no choice siya wala siyang ibang masusuot kaya tiis ganda nalang bes.

Maaga siyang umalis sa kanyang apartment para hindi siya maabutan ng traffic at para mauna siya sa venue at para ma memories niya ang mga daan na pwede niyang iwasan si Mario.

"Good evening" Bati niya sa babae na nagbabantay sa party nila agad din naman niyang binigay dito ang kulay green na invitation card which is for employee lang. Red naman sa mga business partner ni Sir Simon at Yellow sa mga family guest at nagpapasalamat talaga siya dahil malayo sa stage at sa red table ang pwesto nila. Kaya mas naghanap oa siya nang pwesto na hindi siya makikita ni Mario. Sa pinaka likuran siya umupo sa may malaking poste pa kaya surena sure siyang hindi siya makikita ni Mario mamaya. Iginaya din niya ang kanyang paningin nang mapangiti siya dahil iba din ang buffy nila sa ibang guest. May lumapit naman sa kanyang waiter na naka green din ang suot.

"Excuse me" tawag niya dito na agad naman lumapit sa pwesto niya.

"Yes, Ma'am"

"Saan ba dito ang restroom niyo? " tanong niya sa lalaki

"Iyon po ma'am." Na may itinuro sa malayo. Napangiwi naman siya sa nakita  dadaan siya sa red table. Hindi naman siguro doon uupo si Mario mamaya. Pero dapat siyang manigurado kung gusto niyang iwasan si Mario buong party.

"Wala nabang ibang restroom? Tanong niya.

"Merun po ma'am. Kaso malayo po. Doon po naman kayo dadaan" napangiti naman siya sa nakita hindi na talaga siya makikita pa ni Mario. Mabilis siyang nagpasalamat sa waiter at umupo ulit sa upuan niya hanggang sa dumadating na ang ibang mga bisita at katrabaho niya.

Pero akala niya masusunod ang pinaplano niya iyon pala nga-nga.

My Mini Heart Attack (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon