Sinalita.

20 1 0
                                    

Mga salitang binitawan,
Ako'y natamaan,
Kay talim ng iyong dila,
Di' man sadya ako'y nasaktan.

Masakit man ang mga salitang iniwanan,
Ako'y di makatangi sa kaniyang binigkas,,
Sapagkat ang lahat ito'y katotohanan,
Kaya sino ako para tumanggi nung ako'y sinabihan.

Ako'y nalungkot sa iyong nasabi,
Ako'y nanliit sa iyong paningin,
Nalaman ko na ganun pala ang iyong tingin,
Sa akin, kung saan ako'y pangit.

Alam ko kung ano itsura ko pati gawain ko,
Alam ko ang bawat kilos at pagkakamali ko,
Ngunit nawa'y malaman mo,
Na masakit kung sasabihin mo pa ang mga ito.

Hindi ko alam kung sadya nung sinabi mo ito,
Hindi ko alam ang gustong iparating nito,
Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo?
Malaman mo sana na nakakasakit na ang salitang binibitawan mo.

.

Lihim Na Damdamin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon