Sa isang malayong nayon natira ang makasintahang Tos at Marikit.Si Tos matipuno,makisig at masipag na anak dahil tinutulongan niya ang kanyang mga magulang sa mga gawaing bukid.Si Marikit naman ay mahinhin,maganda at maalaga sa kanyang kasintahan.Dahil tuwing hapon ay kinakatagpo niya ang kanyang kasintahan sa tabi ng sapa para ibigay ang kanyang pagkain.Matibay ang pagmamahalan nina Tos at Marikit dahil may tiwala sila sa isa't isa.
Isang araw, nagpaalam si Tos sa kanyang kasintahan na pupunta siya sa bukid para mag-araro.Sa kalagitnaan na ng kanyang pagtatrabaho ay bigla siyang na pasigaw ng; Array! at sabay kamot sa nasugatan niyang paa dahil ito pala'y natusok ng isang kinakalawang na bakal pero binaliwala lang niya ang kanyang sugat at tuloy parin siya sa kanyang pag-aararo.
Nang siya ay nasa bahay na ay bigla na lang sumakit at namaga ang kanyang paa.At pagkalaan ng ilang araw ay tuluyan na siyang hindi makalakad.Ang tanging nasambit nito ay "Sana ay mayroon man lang kagamitan na isusuot sa paa para hindi na masugatan ang mga paa".Kaya naisipan niyang gumuhit ng isang larawan na katulad ng mga paa at ibinigay niya ito sa kanyang kasintahan na si Marikit
Pakarang ng ilang linggo ay namatay si Tos.Labis labis ang pagdadalamhati ni Marikit at mga magulang ni Tos.
Isang araw, nakita ni Marikit ang larawan na ibinigay ni Tos sa kanya at naisipan niyang tahiin ito at kalaunan ay nakagawa siya ng isang kagamitan na isinusuot sa paa dahil na rin sa kanyang detirminasyo niya at dahil narin naging inspirasyon niya ang kanyang namayapang kasintahan kaya nagawa niya ang kagamitan na iyo kaya tinawag niya itong Sapatos.
BINABASA MO ANG
Alamat Ng Sapatos
PoetryAng alamat ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang dalaga sa kanyang kasintahan at dahil narin sa labis na pagmamahal nya sa kanyang kasintahan ay nakagawa siya ang isang kagamitan at ito ay ang Sapatos.