Chapter 32

6 4 0
                                    

Eurie's POV

Pagkatapos nung seen na yun,nailang ako sakanya,sobrang hiya ko talaga,pero atleast kahit ganun lang,sakanya napunta first kiss ko hihihi.

"Spin the bottle na tayo?" Sabi ni bestie,buti pa sila nageenjoy habang kami ni Sean parang maamong aso na tahimik.

"Ano bayan bat ang tahimik nyo!?haha,smack lang naman yun eh!"Sabi naman ni crizza,big deal sakin yun eh!Nagpwesto na kami ng maayos,nakapa bilog ung pwesto namin,dito sa lapag pero naka tiles naman kaya ok lang.

"O heto na truth or dare ah,ang magdi dare ay iinom ng isang shot na wine!" Sigaw ni John,at pinaikot na yung bote,grabe kinakabahan ako,sana di sakin tumama ung bottle,unti unting tumitigil sa pagikot ung bote hanggang sa tumigil kay Sean.

"Pano bayan pre!haha truth or dare"Tanong ni John kay Sean,habang ako ay tahimik,si crizza naman at john patawa tawa lang.

"Truth " Sabi ni Sean,grabe ano naman kayang itatanong ng mga to.

"Truth?hmm babe ikaw magtanong" Sabi ni John kay Crizza.

"Ok,Sean ano sayo si Eurie?" Tanong ni Crizza,bwiset yung puso ko,please lang,wag kayong ganyan,kinakabahan ako sa isasagot ni Sean,kase isa sa mga isasagot nya kung sakali ay diko alam kung masasaktan ako o matutuwa.

"Bestie wag naman gan--" diko na natapos sasabihin ko ng bigla ng magsalit si Sean.

"P-para sakin,isa syang mahalagang tao na ayokong mawala sa buhay ko"Nanlaki ang mga mata ko sa sagot nya,napatingin naman sya sakin at nginitian ako,ung puso nagwawala na sa sobrang saya!

"Yieee!!haha so sweet naman ng sagot mo Sean!" Sabi ni bestie,di parin ako makapag salita,ayaw pumasok sa sistema ko ung sinabi ni Sean,sobrang nakaramdam ako ng saya sa sinagot nya.

"O sino kaya ang next target ng bote!haha heto na" Pinaikot ulit ni John ung bote at tumama naman yun kay sakanya.

"O sinong gustong magtatanong?" Tanong ni John.

"Ako na" Sabi ko para maalis ung kaba ko,hindi pala ,para makarecover ba puso ko sa sobrang saya.

"Bat mo minahal si Crizza?anong nagustuhan mo sakanya?" Tanong ko sakanya,naging seryoso naman ang mukha nya at tumitig kay Crizza,habang si Crizza naman namumula ung pisngi at hinihintay na sumagot si John.

"Nagustuhan ko lahat sakanya,sya ung nakapag pabago sakin,dati ung mga babae pinaglalaruan ko lang,nung nakilala ko sya binago nya ako,dati di ako takot mawala sakin mga nagiging girlfriend ko,pero nung sya ung dumating sa buhay ko,takot na takot akong mawala sya sakin,she change me,that's why i love her so much" Na touch naman ako sa sinabi ni John,si si bestie speechless,kung kanina tawa ng tawa,ngayon di sya makapag salita sa sinabi ni John,niyakap naman sya ni John at hinalikan sa noo,grabe ang sweet nila,si Sean ngumisi lang,ako?sobra akong namangha sa sagot nya.
Pagkatapos nung dramahan,pinaikot na ulit ni John ung bote,unti-unti syang huminto sa harap ko,naku!patay ako nito.

"Ako naman magtatanong sayo"Sabi ni bestie,kaya kinabahan ako sakanya.

"Bestie ano naman para sayo si Sean?" Tanong nya,diko alam isasagot ko,takot akong magsalita,takot akong sabihin na mahal ko sya,na isa ding syang mahalagang tao sakin na ayokong mawala.

"P-para sakin,isa din syang taong ayokong mawala at mapunta sa iba" Bigla nalang lumabas yan sa bibig ko,napatingin naman ako kay John at Criza na nanlalaki ang mga mata at laglag panga sa sinabi ko,napatingin naman ako kay Sean,nagulat din sya sa sinabi ko,diko alam bat yun yung lumabas sa bibig ko,kahit ako nagulat sa mga sinabi ko,pero alam kong ung mga salitang lumabas sa bibig ko ay galing sa puso ko.

"Grabe!ayaw nyo pang magpakasal?haha" Sabi naman ni Crizza,tahimik parin si Sean,diko alam kung anong iniisip nya,di yata sya nasiyahan sa sinabi ko,naalala ko,may mahal na pala syang iba,si unknown girl,pero bat nya sinabi na mahalaga ako sakanya?naiiyak tuloy ako,pinapaasa nya lang yata ako,ako naman si tanga bat ako naniwala sa sinabi nya.

"Babe patulong nga ako dun,dalhin natin sa loob ung mga ginamit natin at tayo nalang din maghuhugas " Sabi ni Crizza ka John,sabay tayo na nila at umalis,naiwan naman kami ni Sean dito,sobrang tahimik,ang awkward na tuloy naming tignan.
Gusto kong itanong sakanya kung totoo ba ung sinabi nya o pinapaasa nya lang ako,ang dami kong gustong itanong sakanya,pero ayaw lumabas sa bibig ko,kinakabahan ako,bigla naman syang tumayo,iiwan nya ba ako dito?pumunta sya dun sa bench,diko alam kung anong hinahanap nya,bumalik naman sya dito dala dala ung jacket nya,nabigla ako ng ilagay nya sa likod ko,naalala ko naka one peace pa pala ako.

"Gabi na,di kaba nilalamig" Sabi nya,siguro kung boyfriend ko to kikiligin pa ako sa ginawa nya eh,kaso ngayon kaba ang nararamdaman ko,bat ba ganyan sya kumilos,nahuhulog na ako ng sobra sakanya.

"N-no" Sagot ko,tsaka na ako tumayo at pumasok sa loob,ayoko muna syang  makausap ngayon,dito nalang din  muna siguro ako matutulog,gabi na pala diko namalayan,sobra kasi kaming nagenjoy kanina,kumuha muna ako ng damit ni Crizza at nagbihis na ako,sa totoo lang malamig talaga kanina kaso diko lang madama kase iniisip ko ung mga sinabi nya at ung mga salitang lumabas sa bibig ko.

Sana mahal nya din ako.

Twa's A Twisted LOVE Where stories live. Discover now